Press Release
May 17, 2023

Transcript of Interpellation Senator Risa Hontiveros During the Committee on Energy Hearing
17 May 2023

SENATOR RISA HONTIVEROS (SRH): Sabi nyo nga po tapos na yung yugtong ito na patay sindi ang kuryente sa mindoro occidental pero so this problem may have been resolved in the interim pero contentious issue po ng fuel cost kung ito ba ay dapat pass through cost nananatili pa rin and pending decision nga po mula sa ERC, sabi nyo nga po mr almeda kanina lahat yung tatlong power plants ng OMCPC ay tumatakbo sa diesel yan yung pinakamahal na fuel source sa Philippine Power Mix at balita po namin dyan mindoro occidental ay 7-21 pesos per kilowatt hour yung generated mula sa diesel. Mareresolve na po ba in favor of the consumers yung tanong po na yun? Kung pass through cost nga po ba yung fuel cost.

Almeda (NEA): I understand Mindoro being a SPOG area will enjoy subsidy from the UCME so at present their SAGR is only at 6.95 per kilowatt hour wherein the true cost of generation rate is at more or less 22 pesos per kilowatt hour.

SRH: So effectively po hindi magiging pass on cost sa consumers ung fuel costs?

Almeda (NEA): Hindi po sa Mindoro. That's why yung option po na patakbuhin namin yung planta na walang provisional authority, yun po yung pinush namin kasi kung hindi ho namin ipupush yon, magreresort po kami isa emergency power supply agreement which un po ang mangyayari po doon ang mapapass on po talaga ay ang true cost which is 20 pesos yun po ang iniwasan namin.

SRH: So, Atty Concepcion, are you in line with the question of the chair, are you confirming na mayroong shareholders stockholders agreement particularly between the majority and minority blocs sa loob ng NGCP?

Atty Concepcion (NGCP): The constitutional documents are always on file with the SEC. We have the by-laws, the articles of incorporation. It's all for public viewing Ma'am.

SRH: At kasama po ba sa mga consti documents na iyon ang shareholder or stockholders agreement sa pagitan ng majority at minority blocs sa NGCP?

Atty Concepcion (NGCP): No, your honor

SRH: So there has not been any shareholder or stockholder agreement among the blocs in NGCP? Could you provide the committee with a copy of that shareholder or stockholder agreement.

Atty Concepcion (NGCP): I will go to the board for that

SRH: You will go to the board for that so we will await the board's feedback through the chair soonest.

SRH: Following the line of questioning of the chair, mr chair i need to add my voice to correct. right away, hindi po madaling sabihin na hindi national security threat na may ibang bansa na state-owned enterprise, na may obligasyong mangolekta ng impormasyon o intelligence at ibigay sa kanilang gobyerno tungkol sa ating bansa at maging tungkol sa ating gobyerno, isang bansa na napakahindi kaibigan ang pagtrato sa atin sa karagatan sa West Philippine Sea, isang bansa na nandoon din sa ating telecommunications industry and lalo na sa ating national grid para sabihin natin na hindi national security threat yun, hinding-hindi po tama yun Mr chair, maling-mali po yun, Mr. Chair. Just for the record.

SRH: Kay dating secretary esperon,I remember po sinabi din po ni dating secretary dito sa senado na at that time 2022 perhaps as late as 2022 or 2021 wala pa pong cybersecurity strategy ang ating bansa and he said we need that para masiguro yung security ng ating bansa lalo na sa mga critical industries kasama na sa energy. Definitely, vulnerability ang presensya ng isang malaking share ng isang dayuhang bansa o state-owned enterprise nila which has not been friendly which has been hostile to us lalo na sa mga karagatan, Mr chair. Just to go back to yung hiningi ng chair sa NGCP na kopya nung mga financial statement sa sec at pati yung shareholder o stockholder agreement sa pagitan ng majority at minority bloc, actually nagdalawang-isip ako why the need to go the board, pwede po bang i-subpoena ng komite natin ang mga dokumentong iyon?

Senator Raffy Tulfo (SRT): Pwede rin, we will do that.

============

SRH: Ito po bilang paglilinaw sa mga dahilan ng power outages doon. Maitanong p osa DOE Asec Marasigan. Sir wala pa pong malinaw na paliwanag sa sinasabi ng NGCP na system disturbances dahil sa recent power woes doon sa Panay and then nakaapekto yung mas malaking bahagi ng Visayas hanggang sa Luzon, initially, sinabi ng NGCP na nakadetect sila ng dalawang distrubances sa system so yung isa sabi nila the distribution line of the DU in Panay tripped triggering power plant to disengage from the transmission system at pangalawa the tripping of a generation facility. So, nafigure out na po ba ng DOE na eto na nga o what went wrong nga ba sa sitwasyon na iyan?

Marasigan (DOE): At the moment po we are still continuing yung assessment po natin, so far what we have established are the chronology of incidents that have what happened including the latest one that happened last May 12. So at the moment what we have is that the tripping of the lines in Negros, the succeeding tripping of the different power facilities in Panay and then there is also the tripping of interconnection between Panay and Negros. As well as the other trippings within the area. we are also assessing the parameters, particularly the difference in security settings as claimed by some of our stakeholders, so we need to synchronize po dapat po yung transmission, operation as well as powerplan operation. ALl of these po ay nakapaloob po sa aming analysis. I believe po nagsubmit po kami ng initial report ngayon lang po sa office po ni Senator Tulfo.

SRH: Salamat po ASEC makatitiyak po kami na makakatanggap ang Komite dahil nagsumite na kayo sa Chair. Gusto ko rin pong balikan yung sinasabi nyong parameters na inaasses nyo kasama na po yung dependable capacity, withholding capacity pero bago po noon batay po sa parehong power statistics, sinasabi na ang Luzon grid ay mayroon siyang installed and dependable capacity of 18,557 MW at saka 16541 mw samantalang yung system peak demand was 11,640 MW noong 2021. Sabi nung NGCP sa parehong statement na quote ko kanina tungkol doon sa May 8 declaration na yung Luson grid ay mayroong available capacity of 12,186 MW lamang samantala yung peak demand ay umabot sa 12,468 MW. Anyway itong loss ng 600 MW sa sistem sapat na po ba yun para i-trigger yung red alert? O sapat na po ba yun para magresulta sa power outages? Hindi ba pag ganon sobrang weak o unstable yung ganiutong kondisyon? Di ba sa ilalim ng Grid Code at rules ng WESM may mabilis na kapalit dapat yug. nawawalang capacity sa linya

Marasigan (DOE): Tama po malaking kawalan po yung 600mw na nawala sa linya natin dahil po sa tripping po doon sa tripping ng isang transmission facility natin. At that time po yun pong reserba natin ay bumaba doon sa what is required so hindi po yung totality ng supply kung kaya't hinintay nating makabalik pa yung mga planta para po maibalik din ang sufficient reserve kaya lang po hindi po kasing-bilis ng pagbabalik ng linya ang pag restore din po sa serbisyo ng mga planta so yun pong gap na yun, doon po nagkaroon tayo ng red and yellow alert. So sa coordination naman po natin sa ating system operator which is NGCP as well as our market operator we are continuously monitoring po agad pagka nagkaroon tayo ng incident. At the moment po na mayroon pong submission sa atin ng report at pagpapaliwanag at NGCP at ang unang cause po noon ay dahil po sa lightning effect sa ating transmission system

SRH: So dahil naging mabagal hindi kasing bilis ng dapat yung pagpalit sa nawalang capacity so in that situation hindi nasundo yung Grid Code, hindi nasunod yung WESM rules?

Marasigan (DOE): Bale ganito po yung pwede kong ipaliwanag, yun pong events ay continuously inaassess pa po natin. KAsi dapat po doon, may tinatawag po tayong nasaan ang reserba, yung alokasyon ng mga reserba and at the moment po, kung titingnan po natin insidente po yun, hindi po siya planado. Having this as an incident, even the power plant owners they will be very cautious in terms of restoring their facilities into service. They have to check po, hindi po yan kagaya ng isang ordinaryong makina, halimbawa kotse, na kapag naghit tayo ng suddent break at yung hindi po automatic, di ba namamatay din yung makina natin, immediately pwede nating istart yon. ANg isang planta po ng kurtente gaya po sa Masinloc, ang atin pong planta ay coal, dapat icheck nila lahat ng aspeto ng planta bago po nila buhayin yun dahil kailangan nilang madetermine kung mayroong naapektuhan sa emergency shutdown na nangyari. Hindi po ordinary pag shutdown so kailangan pong macheck. Yun po ang ating tinitingnan. Kaya't hindi pa rin po talagang kumpleto ang kabuuan ng ating evaluation tungkol doon.

SRH: In that sense so kasama so kasama na po sa pagsunod sa Code or rules ang pag-iingat na sinasabi ninyo?

Marasigan (DOE): Tama po yun even po yung compliance po natin sa Philippine Grid Code kasama po yung ano po yung dapat reserba na kaagad sorry to use the term, ano po yung reserba na sumipa at that time? Anong oras nasira kasunod po ng pagkasira ng linya at saan po manggagaling yung reserba?

SRH: Kaugnay po Asec ng tanong ninyo kanina na tinatanong natin sa ganitong sitwasyon na nasaan ang reserba mayroon akong gustong itanong kaugnay tungkol sa invisible eh. Why was capacity reduced to 12,186 MW kung Luzon noon ay mayroong 18. 557 MW installed plus 16,541 MW ng dependable capacity. Bakit mula 4,000 plus to 6,000 plus na MW na parang invisible o out of reach sa sistema at ito po kaugnay ng itatanong ko doon sa nabanggit nyong term kanina na parameters may pangangailangan po bang iredefine ang terms? May pangangailangan bang bigyan ng bagong kahulugan yung meaning para sa dependable capacity kasi sa nangyayaring sitwasyon parang wala naman palang tibay na maaasahan sa kanila

Marasigan (DOE): Yun po sa first question bakit may parang nawawalang planta. At that time po kasi mayroon po tayong mga planta na nagkaroon ng outages at sila po ay under repair kasama na po diyan yung planado kasi kung tutuusin po ngayon hindi po allowed yung magmentena ng mga planta. Nasa summer period po tayo at mayroon po tayong policy which is the grid operating and maintenance program kung saan po ipinagbabawal ng ating polisiya ang pagko-conduct ng preventive maintenance services during the summer period except for hydropower facilities. So ibig sabihin, alam nating mas mataas ang demand tuwing summer period so dapat lahat ng kapasidad ng planta ay available. Nagkataon po noon na mayroon pong tatlong planta na naka-unplanned outage nasira po sila at under repair so bago pa lang po yung insidente, mayroon na po tayong kakulangan, hindi po sa suplay, bumaba po ang ating level ng reserve. Sa atin pong pagtataya, ibig pong sabihin, doon sa ating mga simulation potential outlook yung kalagayan po ng ating demand at saka supply nakatimbre po sa amin na pwedeng magkaroon ng yellow alert. nakatiumbre na po yan, amin pong minomonitor yan palagi in fact regularly, mayroon po kaming simulation na ginagawa. Ngayon po hindi po inaasahang pangyayari yung pagkasira ng linya at pagkatumba ng dalawang planta. Yun po yu g nagpababa ng reserba natin kung kaya't yung expected naming yellow alert lang, bukod po sa nagkatotoo ay naging red alert pa. Yun po yung nangyari sa sitwasyon na iyon.

SRH: On the other hand, baka pwedeng sagutin ito ng DOE or ng ERC. Kanina kasi maconfirm ng NGCP ni Atty. Concepcion pero alam po ba ng department o ng commission ano yung total amount of dividends paid by NGCP to its stockholders hanggang sa tanghali pong ito.

Dimalanta (ERC): Ang mayroon po kami yung sa 2022 audited financial statements ang dividends po na naka-declare doon ay 12 billion pesos out of ... ang nakalagay pong income from operations ay 41 billion pesos. Yung total po we can get back to you, mayroon naman po kaming audited financial statements nila over the years.

SRH: Maraming salamat Atty Dimalanta. At least sa taong 2022 maganda po, very recent, 12 billion out of 41 billion in income ay napunta sa dibidendo. So almost 1/3 nung income at least for that year at sa same period po na iyon, taong 2022 magkano naman po ang ginastos ng NGCP sa transmission projects nya?

Dimalanta (ERC): Balikan ko po kayo, sorry we will check po, andoon naman po sa FS nila.

SRH: Salamat po Atty Dimalanta i-follow up question ko po kay atty concepcion over the past 3 years po sir magkano po ang ginastos ng corporation on representation, entertainment and advertising saka public relations expenses?

Concepcion (NGCP): Will have to get back to you on that I don't have the figure

SRH: Di ba nababasa nyo naman yung audited financials ng kumpanya at bilang Cor Sec at bahagi ng Office of the Cor Sec, may custody po kayo sa dokumentong iyon

Concepcion (NGCP): That may be po but I don't have the figure I will have to go back to the financial statement po

SRH: Yes, pwede nyo pong sagutin ang aming Komite before the hearing ends today?

in any case Atty Concepcion, mayroon akong figure na ibinigay kanina sa ganitong expenses ng corporation on representation etc noong mga taong 2017 at 2018 na batay sa research namin na umabot sa isang bilyong piso,. Ngayon may monopolyo naman ang korporasyon at saka hindi nyo naman kailangang ibenta ang serbisyo nyo sa publiko, bakit kailangan gumastos ng ganitong kalaki sa advertisements at saka sa entertainment?

Concepcion (NGCP): Well as far as I know, well I'm not in charge of that department, we also go to our customers, we reach out to stakeholders, we reach out to those who are affected by our transmission facilities. We do corporate yung CSR activities po, we conduct those and in so doing, we also I would think that's the ground, we are also incurring expenses but with regard to the concern of Senator Hontiveros, I'm not exactly familiar with these representation figures actually are.

SRH: Matanong ko kay Atty Dimalanta, ma'am ito po bang mga expenses na umaabot sa isang bilyon sa loob ng dalawang taon at umaabot sa hindi pa nating alam sa loob ng nakaraang tatlong taon, pinapass on din po ba ito sa publiko at ito po ba ay regulated ng ERC?

Dimalanta (ERC): Kasama po yun ng nirereview ng ERC. Ito nga pong ongoing na reset para po malaman kung may authority ba sila na magpasa ng expenses po na yan

SRH: Pero sa pagkakalama po ng ERC, pinapass on po ng NGCP yung ganitong mga entertainment representation expenses sa publiko?

Dimalanta (ERC): Ang sinasama po na authorized ay yung publication kasi po like when they do hearings, they are required to publish, yun po yung mga ganon hindi ko po alam kung ano po yiung nature ng iba pang representation expense. Bubusisin naman po iyan.

SRH: Salamat po at kung naman publicuation ng mga pagdinig nila at kung ano namang proseso, hindi naman po aabot ng kalajhating bilyon sa isang taon ano po?

Dimalanta (ERC): Tama po.

SRH: Good news po yung mula sa Transco na kumbaga pinaparactice ng ng DOE ang Transco sa pamamagitan ng small grid system operation, yung posibleng pagtakeover nila ng pag-operate nila ng ating grid, I think it's a possible solution moving forward kung may pagbabago doon sa pagooperate at paghahawak ng grid at maganda po na nagsasanay po tayo through the * inaudible] Kanina po tinatanong ko sa DOE, kay Asec marasigan yung transmission projects na kasalukyang tinatarabho ng NGCP, sabi nila marami ito, isasubmit sa Chair, kung di po exact number, ilan po dito sa marmaing ito ay delayed? 50 %? 75%? 25%?

Marasigan (DOE): Wala po talaga akong immediate recollection pero magsasbumit po yung kumpleto po I'm sure po maiindicate po doon yung delays

SRH: Yung susunod ko paghingi pa rin po ng historical data, mula noong pinirmahan ang concession agreement, ilan naman major transmission projects ang nakumpleto naman ng NGCP at ilan sa mga ito ang completed on time?

Marasigan (DOE): Marami po yan, kaya isasamana lang po namin sa submission namin

SRH: At pati sana po yung status ng ibang transmission project na currently rinatrrabahao ng NGCP ay maissasagot nyo na or isasubmit nyo na lang po?

Marasigan (DOE): Nagapprove po tayo ng latest ng transmission development plan. Nakalagay po doon yung transmission projects. Kasama po noon kung ano po yung nakita namin sa transmission development plan iinclude po namin sa submission.

SRH: And in fact yun yung huling tanong ko sa paksang ito kaugnay ng transmission development plan, kasi ang Department of Energy (DO 2017-04-004) dinirect nyo po doon ang NGCP na magkonsulta at actively i-involve ang TRANSCO sa paghanda noong Transmission Development Plan noong panahong iyon. Yung parehong order na yun dinirect din ang NGCP na magprovide sila ng technical data saka related documents. Pero hindi lang dinedma ng NGCP noon ang order ng Department, in fact, hiniling pa nila noon ang korte na pigilin ang implementasyon. Ano po ang status ng implementation order na iyon?

Marasigan (DOE): Sa halip po na ituloy naming ipatupad yung ganong sistema ag ginawa na lang po namin para doon sa pinakahuling submitted na transmission development plan, kasi alam po natin yung impact pag di po naapprovan yung transmission development plan, hindi po makakapag-apply ng capex sa ERC so hindi matutuloy ang mga project, ang ginawa na lang po namin, pinassess po at humingi kami ng tulong sa national transmission corporation to do a comprehensive assessment of the transmission development plan at base po sa mga punto na niraise ng transco sa Department of Energy ito po yung pinagbasehan namin kasama po yung sarili naming pag-assess ng submitted transmission development plan at siya pong naging daan kung paano naparevise natin at eventually napaapprove ang transmission development plan. Sa ganoong paraan na lang po naming ginawa dahil nga po hindi nasunod ang polisiya natin dati na dapat sa pagpaplano pa lang ng transmission development plan, magaksama at magkatulong na ang TransCo at NGCP.

SRH: Dapat nga po talaga ganon, kapag may order ang department, simpleng nasusunod hindi pahirapang yung department pa ang gagawa ng paraan na mapatupad ang order. I'm at my last topic na po Mr Chair, i-on record ko na lang po yung mga tanong ko for submission in writing to the Committee through the chair siguro isa lang dito ang hihingan ko ng sagot ngayon kung masasagot na po. So ito po ay mga paksa ay proposed solutions moving forward. Ang mga tanong ko po dito ay tulad ng sa DOE pa rin na masaya akong marinig na sa wakas sumang-ayon na ang NGCP na magsubmit sa isang audit, di po ba a couple of years back, nagresist sila sa ganitong klaseng audit.

Senator Raffy Tulfo (SRT): Bakit sila nagresist? Pinayagan nyong magresist sila? Anong ginawa nyo nung nagresist?

Marasigan (DOE): Hindi po kami binigyan ng access sa facilities

SRT: Then what did you do?

Marasigan (DOE): Hindi po kami nakatuloy ng audit at that time at hanggang ngayon wala po kaming nagawa na audit

SRT: So hanggang ngayon hindi pa rin kayo pinapayagang maka-access?

Marasigan (DOE): Hopefully po sa ngayon under a different policy po ay magkaroon na tayo ng audit.

SRH: Lastly Mr chair with respect to the performance review, tanungin ko po yung hard question last for this hearing, ano po yung mangyayari kung yung transco at psalm napag-alaman nyo po atty dona na ang NGCP ay nagfail na magcomply sa kanilang obligation sa ilalim ng kanilang concession agreement?

Atty. Aleria (TransCo): Nasa concession agreement we can point out if they are considered in default. For instance, yung in default, if they are no longer eligible to hold the franchise, may mga grounds nga, just in case, they would be declared in default, doon na naman magtetake place yung mga nasa concession agreement din like transco and psalm will give a termination notice and then we expect to receive some of the record from the NGCP so that we can continue the transmission business then andoon din yung pagtanggap namin ng mga manpower from NGCP they could join TransCo, may mga ganoong provision din ang concession agreement

SRH: Salamat Atty Caloza-Aleria very clear po ang sagot doon. For the record, Mr Chair, yung iba ko pang mga tanong sa paksang ito ng proposed solutions so with respect to critical projects posible po ba ang gobyerno ang magundertake ng mga proyektong ito lalo na kung may mga inordinate delays. Pangalawa po in a previous hearing, nagrefer ang Transco sa power grid bilang crown jewel ng power sector , prior to the concession agreement, kinlaim ng Transco na kumikita siya ng mga 20 Billion pesos annually mula sa pag-operate ng transmission network, ito po bang numero ay accurate pa rin? Pangatlo, considering the transmission business has always been profitable, posible nga bang irenationalize ang operasyon at management ng ating national grid kung yon ang lalabas na makatwirang gawin. Fourth, kung sakali will that require an act of Congress for the revocation of NGCP's franchise, medyo nasagot na rin ng Transco kanina and last but not the least, posible ba short of that, posible bang concession agreement ay maamyendahan para bawasan yung scope niya at i-rebid ang operation and maintenance ng mga critical areas halimbawa Mindoro or the rest of the Visayas maybe kaugnay noong practice na ginagawa na nga ng TransCo sa for a possible takeover of the operation of the grid.

News Latest News Feed