Press Release May 21, 2023 Tulfo wants to investigate NORDECO amid power crisis in Samal Senator Idol Raffy Tulfo is calling for the investigation of the Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) to prove its negligence and hold it accountable for the power outages in the Island Garden City of Samal, which is now under a state of calamity. "Sunod -sunod na energy crisis na ang nararanasan sa ating bansa. Matapos sa Occidental Mindoro at Panay Island, ngayon naman sa Samal Island!" he said. "Sa darating na hearing sa Committee on Energy sa Miyerkules, May 24, 2023, tatalakayin ang usapin hinggil sa energy crisis sa Samal Island at pananagutin ang may kapabayaan at mahanapan ng pangmatagalang solusyon. "Pero sa lumilitaw ngayon, ang NORDECO umano ang ugat ng kapalpakan dahil sa sintanda na ng kanilang mga ninuno ang naghihikahos na submarine cable doon na hindi pa napapalitan," he added. On average, the power outage in the area lasts up 7-8 hours during peak load and 2-3 hours during off peak, daily. This has been going on since last year. The Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) apparently failed to prepare for the increase in electricity demand in the area, considering that before the island became a tourist spot, the lack of electricity here was unnoticed. And now that Samal Island is frequented by tourists, its peak demand went up from 3 megawatts (MW) to 9MW due to the rise of establishment such as resorts, restaurants and markets. It can be noted that Samal Island is connected to the Pantukan Grid via a submarine cable owned by NORDECO. The antiquated submarine cable is installed in 1980s or 43 years ago, and it can no longer cover the entire capacity of the island. Presently, the Mindoro Grid Corporation (MGC) can provide 6.962MW electricity in the island while NORDECO can provide 3MW. In total, there is only 6.12MW supply in the island with a demand of 9MW. Nordeco, formerly known as Davao del Norte Electric Cooperative, Inc. (Daneco), has been reportedly criticized by its consumer cooperatives for its failure to provide a stable power supply to its area coverage. As such, the Senator from Isabela and Davao underscored the need to ensure that there would be a provision in the Power Supply Agreement (PSA) requiring replacement power, through modular gensets, for all power providers to ensure reliable electric service. He added that the said agreement should also include the requirement for "causer's pay" clause so the consumers will not be required to pay for gensets. In turn, the party with mistakes are the ones responsible to pay for power service. ### Tulfo pinaiimbestigahan ang NORDECO dahil sa power crisis sa Samal Island Isinusulong ni Sen. Idol Raffy Tulfo na maimbestigahan ang Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) upang maisiwalat ang mga kapabayaan nito at mapanagot sila sa kanilang mga kapalpakan. Dadag ni Tulfo, na Chairperson ng Senate Committee on Energy, ito'y para malaman din ang mga bagay na maaring punan ng gobyerno upang siguraduhing tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa Samal lsland. "Sunod -sunod na energy crisis na ang nararanasan sa ating bansa. Matapos sa Occidental Mindoro at Panay Island, ngayon naman sa Samal Island!" he said. "Sa darating na hearing sa Committee on Energy sa Miyerkules, May 24, 2023, tatalakayin ang usapin hinggil sa energy crisis sa Samal Island at pananagutin ang may kapabayaan at mahanapan ng pangmatagalang solusyon. "Pero sa lumilitaw ngayon, ang NORDECO umano ang ugat ng kapalpakan dahil sa sintanda na ng kanilang mga ninuno ang naghihikahos na submarine cable doon na hindi pa napapalitan," he added. Noong May 16, 2023, idineklara ang Samal Island under state of calamity dahil sa sunod-sunod na brownout na nangyayari sa lugar. Kada araw, nagkakaroon daw ng 7-8 hours na pagkawala ng kuryente doon kapag peak load at 2-3 hours naman kapag off-peak, at ito'y nangyayari mula pa noong nakaraang taon. Hindi napaghandaan ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO) na tataas ang demand ng kuryente sa lugar. Noong hindi pa kilala ang isla sa turismo, hindi nabigyang pansin ang kakulangan ng kuryente dito. Sa paglipas ng panahon at nakilala ang Samal Island bilang isang tourist destination, umakyat ang peak demand ng Samal Island mula sa 3 megawatts (MW) na ngayon ay umabot na sa halos 9MW ang kinakailangang kuryente sa isla dahil sa paglago ng mga negosyo doon at pagdami ng mga restaurants, resorts at mga pamilihan at iba pang mga establisyimento. Ang Samal Island ay konektado sa Pantukan Grid sa pamamagitan ng submarine cable na pagmamay-ari ng NORDECO. Umabot na sa 43 years old ang submarine cable na ito at hindi na kayang punan ang buong capacity ng isla. Noong nakaraang taon pa nakatakda na ang pagpapalit ng bagong submarine cable ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin at malayo pa sa katotohanan ang pag-construct nito! Sa kasalukuyan, ang Mindoro Grid Corporation (MGC) ay nakapagbibigay ng 6.962MW na kuryente sa isla habang ang NORDECO ay nakakapagpadala ng 3MW. Sa kabuuan, mayroon lamang 6.12MW na suplay doon mula sa 9MW nilang demand. Samantalang may 2MW na genset mula sa MGC ang paparating sa Samal Island at naka-schedule raw na ikabit sa May 26. Sinabi ng mambabatas na hindi dapat ipataw sa mga consumers ang karagdagang gastos sa paggamit ng modular gensets. Imbes, ang may sala ang dapat magbayad, katulad ng nakasaad sa kanilang kontrata na nakapaloob sa "causer's pay" clause. |
Thursday, June 12
|