Press Release
May 22, 2023

Gatchalian proposes Public School Database to streamline enrollment

Following the opening of early registration in public schools, Senator Win Gatchalian reiterated his push for the creation of a National Public School Database for streamlined enrollment.

Gatchalian made his proposal in the Public School Database Act (Senate Bill No. 478). Under the proposed measure, the Department of Education (DepEd) will develop, operate, and maintain a National Public School Database that contains learner information. These will include school grades, personal data, good moral record, and improvement tracking, among others.

The National Public School Database will also include other learner-specific data, such as exam scores, grade levels, attendance, and immunization records for the recording of learners' biographical data, the handling of admissions and discharges, and transferring to other schools. School administrators shall have access to these data so they can have timely, relevant, and accurate information to help them perform their tasks more efficiently.

The DepEd is further mandated to formulate a Database Information Program, which will train education professionals on the development of the National Public School Database, as well as the maintenance of information it contains.

Gatchalian pointed out that physical documents are easily damaged and lost due to fragile storage, flood, fire, and other disasters. By storing learners' school records in a database, school heads and teachers are assured that these important documents are preserved and easily accessible.

The lawmaker further pointed out that a national public school database will facilitate systematic monitoring of learners' records and progress, which are vital in school assessment, planning, and setting of operational targets.

"Batay sa karanasan natin noong kasagsagan ng pandemya, nakita natin ang napakahalagang papel ng teknolohiya, hindi lamang para sa pag-aaral at pagtuturo kundi pati na rin sa pamamalakad ng ating mga paaralan. Kaya naman isinusulong natin ang paglikha ng National Public School Database upang gawing mas madali ang proseso ng ating enrollment, at matulungan ang ating mga guro at mga school heads," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.


Public School Database para sa mas madaling proseso ng enrollment isinusulong ni Gatchalian

Kasunod ng pagbubukas ng early registration sa mga pampublikong paaralan, muling isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang paglikha ng National Public School Database para sa mas madaling proseso ng enrollment.

Iminungkahi ito ni Gatchalian sa Public School Database Act (Senate Bill No. 478). Sa ilalim ng naturang panukala, lilikha at magpapanatili ang Department of Education (DepEd) ng National Public School Database na paglalagyan ng impormasyon ukol sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang mga school grades, personal na datos, good moral record, improvement tracking, at iba pa.

Magiging bahagi din ng National Public School Database ang mga exam score, grade level, attendance, at immunization record para sa biographical data ng mga mag-aaral, pag-proseso ng admission at discharge, at paglipat sa ibang mga paaralan. Magkakaroon ang mga school administrator ng access sa datos na ito upang magkaroon slla ng napapanahon, akma, at wastong impormasyong gagabay sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin.

Minamandato rin ng panukala ang DepEd na bumuo at magpatupad ng Database Information Program, kung saan sasailalim sa training ang mga education professionals sa paglikha at pagpapatakbo ng National Public School Database, pati na rin sa paggamit ng impormasyong nakasaad dito.

Binigyang diin ni Gatchalian na madali kasing masira ang mga pisikal na dokumento dahil sa kawalan ng maayos na lalagyan lalo na kung nagkaroon ng pagbaha, sunog, at iba pang mga sakuna. Kung mailalagay sa isang database ang mga datos at impormasyon ng mga mag-aaral, matitiyak ng mga guro at mga school head na madaling mahahagilap ang mga mahahalagang dokumentong ito.

Dagdag pa ng senador, padadaliin ng national public school database ang pagmonitor sa pag-usad ng mga mag-aaral, bagay na mahalaga sa assessment, pagpaplano, at pagtakda ng mga target.

"Batay sa karanasan natin noong kasagsagan ng pandemya, nakita natin ang napakahalagang papel ng teknolohiya, hindi lamang para sa pag-aaral at pagtuturo kundi pati na rin sa pamamalakad ng ating mga paaralan. Kaya naman isinusulong natin ang paglikha ng National Public School Database upang gawing mas madali ang proseso ng ating enrollment at matulungan ang ating mga guro at mga school heads," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

News Latest News Feed