Press Release
May 24, 2023

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS DURING THE COMMITTEE ON ENERGY HEARING ON NGCP
May 24, 2023

Minsan nang itinanggi ng NGCP na hindi kayang targetin ng anumang foreign entity, tulad ng China, ang power grid ng Pilipinas.

Pero dahil na rin sa mga kapabayaan tulad ng delayed projects at madalas, kawalan ng pananagutan ng NGCP, hindi naman maiiwasan na magduda o magtanong tayong mga consumer.

Paanong hindi tayo mag-aalinlangan? Kung sino na ang network operator, sya na rin ang system operator. At ang malala dyan, 40% ng NGCP ay pag-aari mismo ng China.

Kulang ba sa pondo ang NGCP?

Pero lumilitaw sa financial records nila, hindi naman dahil galante nga sa payout ng dividends at pagamit ng pondo for non-power related expenses like ads and entertainment. Magkano na ba ang latest sa payout of dividends nila?

Ang nais kong puntuhin ngayong umaga, alin na ba talaga ang mas makabubuti para sa ordinaryong Pilipino para makamit natin ang isang abot kaya at sapat na suplay ng kuryente?

Ilan sa mahalagang tanong ko mamaya ay makabubuti ba, lalo na laban sa mga banta sa labas ng bansa, na magkaroon ng isang independent at nationalized na system operator? Nariyan ang TRANSCO na handang sumalo sa NGCP.

Hindi ba't kung mapaghihiwalay natin ang papel ng transmission network operator at ng system operator, mas magiging malinaw ang seguridad ng grid operation? Anong mga technical consideration ba ang kailangan para dito? O may mga conflict of interest ba na humahadlang?

Habang hinahanap natin ang sagot dyan, sa huli, uunahin natin ang interes ng Pilipinas at ang integridad ng ating power sector. At sana, please lang, makahanap na tayo ng paraan na tuluyan nang ibaba ang presyo ng kuryente, sapat at maasahan ayon sa ating pambansang interes.

News Latest News Feed