Press Release May 24, 2023
TRANSCRIPT OF SENATOR RISA HONTIVEROS Q&A WITH PROFESSOR WALI DEL MUNDO
SRH: Gusto ko lang dugtungan yung pagtatanong ng chair sa ngcp on the numbers so yung net income capital outlay budget dividends... I'm guessing most of these numbers, related doon sa business ng NGCP as transmission service provider. Curious din ako dun sa role ng NGCP as system operator. So gusto ko ring balikan Mr Chair si prof wally at tanungin ano pong percentage ng business ng NGCP ay konektado naman sa function nila bilang system operator? Mayroon po ba tayong number na mailalagay don? PROF WALI: In my recollection when i was vice president of transco, inupdate po natin yung value ng assets ng transmission and system operation nang magkahuwalay at lumalabas po samaing pag-aaral ay 6.8 percent lamang po ng total assets ang sa system operator, meaning the value of the business of the transmission is about 93 percent and 7 percent is the value of the business so meaning hindi po iyon lucrative na aspeto ng negosyo as a matter of fact, sa buong mundo po ang framework po gn system operator at saka po ng market operator this is independent non-profit industry coordinators. nakahiwalay po doon sa transmission dahil ang business function ay nahati po sa generation, transmission, distribution, supply tapos may overarching po magkocoordinate ng industry, ang technical coordination gagawin ng system operator at ang practice po sa buong mundo ay non-profit po ang system operator kaya rin po sa buong mundo rin, ang system operator at naiiwan sa gobyerno. SRH: Interesting Mr chair na ang practice pala o best practice sa mundo, ang system operation ay napakahalaga pala kasi siya yung tumatawid sa lahat ng mga iabng aspeto na dapat nasa gobyerno, at non-profit pero kahit dito sa pilipinas na ang system operation ay nasa NGCP, small percentage lang pala ang inaaccount for niya sa buong negosyo ng corporation 6.8 percent Thinking ahed lang doon sa pinopropose nating lahat na reviewing the concession agreement so if eve ryung system operator function kung kukunin uli ng gobyerno o kukunin uli ng TransCo, it would actually cost less than the total buyout of NGCO and lastly at this point, mabalikan lang yung line of questioning ng chair, particularly on the capital outlay, tanong po sa NGCP, yung some of the CAPEX po ng NGCP AY SOURCED mula sa transmission charges na iniimpose sa consumers? PROF WALI: That's part of it, Madam. SRH: Yes that's right. that's part of it at pati yung WACC as I noted earlier. And lastly at this point kay Professor Wali, ano po ang opinyon nyo dito sa puntong ito, dapat po bang ishoulder ng consumer yung CPAEX ng NGCP? PROF WALI: Sa negosyo po kasi kahit sa ibang bansa naman po ang ating pong investors sa industriya ay pinaglalagay ng kapital at dahil sila po ay naglagay ng kapital, they will always deserve profit, but it will be usually a reasonable rate of return na tinawag nyo po na WACC o weighted average cost of capital. SRH: Reasonable ba yon? PROF WALI: Sa akin pong personal na opinyon at sa akin ding obserbasyon dahil ako rin po naman ay inassign ng World Bank in different countries sa mga regulatory agencies na tumulong din.. hindi po ganun ang level. SRH: Yung isang point ng slides nyo, tanong ko has NGCP which acts as both system operator and transmission service provider, naprovide niyaa po ba nila yung ancillary services yung binanggit niyo na kailangan para sa reliability or ito yung last line of defense paa sa reliability ng grid naprovide nya po ba yung AS na kailangan para siguruhin yung efficient yung stable at saka yung reliable operation ng national grid? PROF WALI: sa slide 8 po, nandoon po yung datos nung performance nung ancillary services na naprovide po sa grid Mula po 2011 hanggang 2020 kada taon po ay mayroon tayong tinatawag na automatic load dropping or brownouts sa power grid natin dahil po nagkaroon ng outage ang generating unit. As I mentioned po kanina, ang sinasaad ng grid code, mayroon ka dapat operating reserve, contigency reserve na ipoprcire mo ididispatch mo para pag may nawawalang geenrating unit ayon ang sasalo at hindi magkakaroon ng brownout. At bukod po dpoon, in fact, ang sinasabi ng grid code, magdadagdag ka pa ng reserba na tinatawag na dispatchable reserve or another back up na kung saka-sakaling may sumunod pang generating unit ay may sasalo at hindi tayo magkakaroon ng brownout SRH: Ayun pong mga iyon po yung AS na since the previous hearings sinasabi po ng Komite na dapat icontract ng NGCP. PROF WALI: Opo noong 2011 po dalawa pong auitomatic load dtopping po ang nangyari: 2012 - 1 2013 - 1 2014 - 2 2015 - 5 2016 - 3 2017 - 10 2018 - 18 2019 - 46 2020 - 22 Now I would like to recall po since I've been in the industry since the 1980s, noon pong pre-EPIRA ang mga automatic load dropping na nangyayari noon ay once or twice every two years. Pero ito pong nagkaroon tayo ng EPIRA at nagkaroon ng restructure ang akin pong pananaw ay lumala po ang performance sa system operations. SRH: kabaligtaran po ng intensyon ng EPIRA at saka dapat kung nakontract ung mga AS na yun dapat sana either naeliminate or malaking nabawasan sa mga automatic load disruption na iyon or dropping, PROF WALI: Doon po sa mga taong inaral namin again, ito po ay pag-aaral na ginawa namin sa TransCo dahil noong ako ay nag VP isa po sa tinutukan ko ay ano po ang performance ng ating concessionaire at doon po sa procurement pa lamang ng ancillary services ay wala pong taon na tama ang kanilang naprocure. Lahat p ng taon kulang ang kanilang naprocure kaya walang kumpletong nadispatch, kaya pag nagkaroon ng event na mawala yung generating unit natural po na mag-automatic load dropping gagamitin niya yung sinasabi ng Grid Code na your last line of defense, ibig sabihin pag nagkaroon ng automatic load dropping your contingency reserve and your dispatchable reserve na nirerequire ka, failed. SRH: And even beyond sa pagfail ng last line of defense na iyon, even beyond yung hindi naocntract, hindi nadispatch ng mga AS, kabaligtaran ng instensyon ng EPIRA dumami nagmultiply almost geometrically yung mga brownouts sa mga susunod na taon, kung papalawakin nyo pa, how has NGCP performed so far bilang system operator nung national grid. PROF WALI: Well, yun nga pong sinasabi ng datos responsibility ng system operator under the grid code na hindi tayo dapat nagkakabrownout, gamitin nyo binigyan ka ng kapangyarihan, in fact, yun pong ancillary services, ay ERC-approved kung ilan po ang megawatt na dapat nilang pinorprocure. Approved po yun ng ERC, Luzon ay 647 MW dapat andyan yung insurance mo na pinrocure mo dahil kung di mo yan pinrocure, di mo yan magagamit, wala kang binili eh. So yun po ang nangyaring performance kung performance po ang pinag-uusapan. SRH: Tama no, ang NGCP ay parehong system operator at transmission service provider sa ngayon? PROF WALI: Opo SRH: And kanina napag-usapan yung global practices. balikan po natin, as far as those practices go sa power industry, globally, technical arrangement po ba ito na pagsasamahin yung dalawang function na yon? PROF WALI: Hindi po, siguro magandang gumawa ng konteksto. Pagkatapos po ng starting 1993 po nang nagkaroon ng pagiisip ang ating gobyerno na magrestructure ng ating industriya, ang United Kingdom national grid corporation, NGC, ang kulang lang sa kanila ay P, we may guess na ang kanilang pangalan ay galing din don, sila po ang tumulong sa atin sa pagdedesign ng privatization and restructuring dahil po noong 1993 sa buong mundo, UK po ang nagsimula ng restructuring, at dahil sila po ang unang nag-initiate, nagdecide po sila na ang system operator at saka ang transmission operator at ilagay muna sa isang entity pero pagkatapos pp ng ilang taon, narealize po nila, ng UK government, ng Parliament, yung system operator at saka transmission operator ay dapat magkahiwalay in fact wala pong bansa na sumunod sa design ng UK except the Philippines SRH: Tayong nag-iisa sa buong mundo?walang ibang pinagsama yung dalawng function PROF WALI: Tapos sa history po ng system operator at transmission operator ng UK, noong nakita po ng parliament na walang sumunod na ibang bansa sa kanilang disenyo, so, binigyan po nila ng mandato ang national grid corporation sa UK na ang system operator a gawing independent unit under national grid corporation, however, pagkatapos po ng ilang taon na inoob serve pa rin nila, hindi po nakuntento ang parliament, nagdecide po ang parliament ng UK na iseparate sila juridically. Ngayon may tinatawag sa UK na electricity system operator which is a different company separated from the electricity transmission operator or ETO so meaning sa mundo po malamang ay tayo na lang ang naiiwan na magaksama sa isang kumpanya ang system operator at ang transmission operator,. SRH: Salamat Mr Chair. Certainly hindi ito yung area na gusto kong manatali tayong unique sa buyong mundo. ngayon po, will allowing a single entity both a system operator and transmission service provider, maglilead po ba ito posible sa conflict of interest? Halimbawa yung entity na iyon maaabuso ba nya yung posisyon nya bilang system operator na pakapalin yung profit niya bilang transmission service provider to the detriment of its consumers and other industry participants? PROF WALI: Opo, well unang una ho yung system operator doon lamang sa system impact study itself dahil ang system impact study ay isang malaking function na kinakailangang gawin ng system operator para po masigurado na secured and reliable nga po yung operation ng grid kaya tinawag po siyang system impact study nang akin pong sinulat ang grid code, yan po ang intensyon nyan at therefore, may malaking kapangyarihan at lahat po ng power plant na papasok kailangan pong magpapagawa ng system impact study para maisgurado natin secured ang grid bago pumasok ang mga planta so meaning mayroon silang pagkakataon o mayroong kinakailanagn sa kanila ang mga power plant na gawin at aprubahan bago po maiconnect sa grid yung kanilang mga planta. In that aspect is still a power I believe, is a power you can control. Pangalawa po importante yung dimension na tinatawag siyang independent system operator dahil cross-cutting coordination po ang ginagawa at under the grid code, sila po ang taga imbestiga kapagka po may power outage SRH: Ang hirap naman imbestigahan ang sarili di ba PROF WALI: Kung ang power outage ay manggagaling sa transmission mahirapan na sila ay magsabi ng totoo. Hindi ko sinasabi na hindi sila nagsasabi ng totoo pero may insidente tayo noong 2016 noong nagkaroon ng power outage sa Luzon dito sa San Jose, ang unang report ng NGCP according to the record of TransCo, ay nireport nila sa DOE na kasi po bumitaw yung mga power plant kaya nagkaroon tayo ng malaking outage sa Luzon grid. But si Sec Cusi ay bagong secretary pa lang noon at nagcreate siya ng technical committee na imbestigahan talaga dahil nagreklamo rin ang ** na bakit kami sinisisi. Kaya ang transco ang naging chairman ng committee na yan at napag-alaman po doon na may sumabog sa transmission doon sa San Jose. At yun ang reason kung bakit bumitaw ang mga planta. ito po ang example na pwede kang magkaroon ng conflict kung di magkahiwalay ang transmission at ang system operator. SRH: Dahil nga diyan halimbawa ganyang sitwasyon pwedeng magkaroon ng in a way regulatory capture kung medyo schizophrenic ang isang korporasyon kasi kailangan nyang ioperate ang transmission at the same time, kailangan nyang imbestigahan kung anong naging causes kung may power outage. Another example of conflict of interest,. PROF WALI: May isa pong although hindi naman ito pormal na impormasyon na available sa industry pero sa mga kwentuhan ay madalas na sinasabi na yung mga power plant ay kailangan pang mag-aabono muna ng kanilang transmission commission at kapag approved na ng ERC saka lang sila babayaran. SRH: Dagdag doon sa tanong ni chair kasi ang ngcp bukod sa pagiging part owned ng China state run company, ang SCADA na ininstall nila ay supplied ng NARI o yung Nanjing Automation Research Institute. Na yung NARI na yan, yung NARI Group, pagmamamay-ari ng State grid Corporation of China kaya nagjojoin ako sa tanong ni Chair ano yung mga security implications ng potentially hostile na foreign country na may control sa system operation ng ating national grid. PROF WALI: Siguro po para maging fair din naman, lahat po ng manufacturer ng SCADA, pare-pareho po ang kanilang modus o pagkaakdesign ng SCADA. Number one feature, pagka may system upgrade or system update o kailangan may i-troubleshoot, pareho lang yan nu MIcrosoft o ni Mac na yung operating system niya kung kailangan syang i-update, may bugs for example o kailangan baguhin, ginagawa po yan remotely. Pwede po nating tanungin yung mga dating system operator from TransCo and even yung National Power corporation at pwede ring tanungin ang NGCP kung sila ho ba noong nagkaroon ng mga troubleshooting, nagkaroon po ba sila ng pagkakataon na yung foreign supplier na naggawa ng SCADA, o manufacturer ng SCADA, in the case of NAPOCOR or Transco, ang naalala ko po yung general electric. Nasa US po ang supplier, ang technician o expert na nagsasabi nag-uutos po doon sa control engineer, ito ang gagawin nyo so nafifix po mayroon pa hong gianagwa yan na dahil sa okay maglalagay na kami ng upgrade so just like cellphone, kapagka clinick mo yung okay I agree with upgrade, i-automatic na mapalitan natin yung program now so whether Siemens po yan ABB GE o ung NARI na nabanggit, pare--areho lang silang ganoon sa tingin ko po kaya tayo ay may agam-agam on national security, naiba po kasi yung NARI na kumpanya dhail pag-aari ng estado ng China whereas the others, wala naman silang ganoong relasyon sa kanilang gobyerno. |
Monday, June 16
Sunday, June 15
Saturday, June 14
|