Press Release June 6, 2023 Tulfo vows to protect migrant workers in Kuwait, denounces crackdown on OFWs Senator Idol Raffy Tulfo denounced move by the Kuwaiti government to crackdown on Overseas Filipino Workers (OFWs) who are victims of crimes and other abuses despite his suggestions to protect their rights through mandatory pre-engagement seminars, background checks, and psychological and medical exams for employers of domestic workers during a Senate hearing on the murder of domestic helper Jullebee Ranara. The Kuwaiti government recently moved against documented and undocumented OFWs in Kuwait which resulted into the deportation of multiple Filipinos. There are also claims that shelters rented out by the Philippine Embassy are violative of the Bilateral agreement and its amendments entered in year 2012 between the two countries. Notably, the recent action of the Kuwaiti government to deport some 350 Filipinos was done while negotiations between Kuwait and the Philippines are being undertaken in order to settle the temporary deployment ban imposed on domestic helpers who are statistically more prone to abuses at the hands of their foreign employers. Tulfo, Chairperson of the Senate Committee on Migrants workers, also deplored demands by the Kuwait government for the Philippines to issue an apology for supposedly violating agreements between the two countries, when it should be the other way around. "We cannot come to the negotiating table on bended knees and folded arms," Tulfo said. "Imbes na masunod ang mga gusto nating terms at conditions, kabilang na ang apology from the Kuwaiti government, binabaliktad pa nila tayo." He emphasized that the Philippines does not lose the right to protect its citizens simply because the crimes and abuses were done in Kuwaiti soil. "Kadalasan, ang biktimang OFW ay napipilitang pumunta sa ating embahada upang paniguraduhin na hindi sila mapasailalim sa biased na proseso sa paghahabol ng hustisya. Madalas din, kapag pumunta sa pulis ang biktimang OFW, sila ay sinasaoli sa kanilang amo kung saan sila ay nababaliktad at nakakasuhan ng pekeng kaso tulad ng pagnanakaw at nakukulong dahil mas pinaniniwalaan ng pulis sa Kuwait ang kanilang mga kababayan. "Ang ending nito ay makukulong pa kaysa makakauwi ang ating mga OFW sapagkat wala silang kakayahang lumaban mag-isa laban sa Kuwaiti nationals na pinapaboran ng kanilang batas doon," he said. Tulfo also stressed that providing shelter for OFWs in distress is a necessity due to the experience of many victims having to sleep in the streets when the embassies' shelters are at full capacity while they are in the process of complying with the requisites of repatriation or while they are gathering pertinent documents related to filing their own cases. The Senator from Isabela and Davao likewise pointed out that the renting and maintenance of property to serve as OFW shelters is also non-violative of any accord, bilateral agreement, or contractual obligation between Kuwait and the Philippines. "Kailangan ng mga biktimang Pilipino ng shelter habang sila ay naghahanda para makauwi o para makapag-file ng kani-kanilang kaso. Tandaan natin na ang mga OFW sa shelter ay naabuso at biniktima ng kanilang mga amo. We cannot expect them to stay in the house of the person who committed crimes against them nor seek help alone from a forum that is notoriously in favor of the abuser," said he. To address the further escalation of negotiations, Tulfo has begun coordinating with the Department of Migrant Workers (DMW) and the Department of Foreign Affairs (DFA) in order to constitute a negotiating team with the involvement of the Joint Committee on Migrant Workers. "Dahil sa twenty years of experience ko sa pagtutulong sa mga OFW, tingin ko mayroon din akong bagong madadala sa negotiating table upang mabuksan ang employment ng domestic workers sa Kuwait. Pero hindi ako papayag na may mamatay ulit na Pilipinong nag-hahanap buhay dahil masyado ng maraming kababayan natin ang umuuwing naka-kabaong. Kung gaano sila kahigpit sa ating mga OFW, dapat tayo din ay maging mahigpit sa mga employers," he said. Currently, Tulfo is openly coordinating with the DMW and the DFA in order to actively participate in negotiating for better pre-engagement protocols for OFWs and is consulting with the said departments in order to draft legislation that will help secure their safety and ease their enforcement of rights. To date, the transfer of OFWs in counties that are safer for them, including Guam, Hungary, Austria, Oman, UAE, Jordan, is already being considered. Tulfo said that Filipinos are looked up to by employers in different parts of the world because of reliable traits and qualities, such as the ability to speak and understand English, and being respectful, and hardworking. Tulfo, tinuligsa ang aksyon ng Kuwait gov't laban sa mga OFW Tinuligsa ni Senator Idol Raffy Tulfo ang hakbang ng Gobyerno ng Kuwait laban sa mga nadeport na Overseas Filipino Workers (OFW) doon at ang paghiling nito na magpublic apology ang gobyerno ng Pilipinas sa mga taga Kuwait. Kamakailan lang ay pina-deport ng Gobyerno ng Kuwait ang nasa 350 Pilipinong manggagawa habang ang Kuwait at Pilipinas ay nasa ilalim pa lamang ng patakaran ukol sa pansamantalang deployment ban na ipinataw sa mga domestic helpers na masasabing kadalasang nakararanas ng abuso sa kamay ng kanilang dayuhang employer. "We cannot come to the negotiating table on bended knees and folded arms." saad ni Tulfo. "Imbes na masunod ang mga gusto nating terms at conditions, kabilang na ang apology from the Kuwaiti government, binabaliktad pa nila tayo." Dismayado si Tulfo sa aksyon ng Kuwait government na tila hindi binigyang pansin ang kanyang suhestiyon noong Senate hearing ukol sa murder ng domestic helper na si Jullebee Ranara. Sa nasabing hearing, matatandaan na minungkahi ni Tulfo na protektahan ang karapatan ng OFWs sa pamamagitan ng mandatory pre- engagement seminars, background checks and psychological and medical exams para sa employers ng mga domestic workers Binigyang diin din ni Tulfo, Chairperson of the Senate Committee on Migrants Workers, na ang Pilipinas ay hindi dapat mawalan ng karapatan na protektahan ang mga mamamayan nito dahil ang karahasan at abuso ay nangyari sa Bansang Kuwait. "Kadalasan, ang biktimang OFW ay napipilitang pumunta sa ating embahada upang paniguraduhin na hindi sila mapasailalim sa biased na proseso sa paghahabol ng hustisya. Madalas din, kapag pumunta sa pulis ang biktimang OFW, sila ay sinasaoli sa kanilang amo kung saan sila ay nababaliktad at nakakasuhan ng pekeng kaso tulad ng pagnanakaw at nakukulong dahil mas pinaniniwalaan ng opisyal ng Kuwait ang kanilang mga kababayan. "Ang ending nito ay makukulong pa kaysa makakauwi ang ating mga OFW sapagkat wala silang kakayahang lumaban mag-isa laban sa Kuwaiti nationals na pinapaboran ng kanilang batas doon," ani Tulfo. Ipinunto rin ni Tulfo ang tungkol sa pagbibigay ng kanlungan para sa mga OFW na nakararanas ng dalamhating dulot ng kanilang mga mapait na pinagdaanan. Aniya, maraming mga biktima ang natutulog na lamang sa kalsada sapagkat ang embahadang kukupkop sana sa kanila ay kasalukuyang puno na ang kapasidad. Sinabi din ng Senador mula sa lalawigan ng Isabela at Davao na ang pag-upa at pagpapanatili ng mga ari-arian na magsisilbing kanlungan ng mga OFW ay hindi lumalabag sa anumang kasunduan sa usaping bilateral agreement, or contractual obligation sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas. Dagdag pa niya: "Kailangan ng mga biktimang Pilipino ng shelter habang sila ay naghahanda para makauwi o para makapag-file ng kani-kanilang kaso. Tandaan natin na ang mga OFW sa shelter ay naabuso at biniktima ng kanilang mga amo. We cannot expect them to stay in the house of the person who committed crimes against them nor seek help alone from a forum that is notoriously in favor of the abuser." Upang matugunan pa ang negosasyon, nakikipagunayan na si Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) upang makabuo ng grupong tatalakay sa negosasyong may kaugnayan sa Joint Committee on Migrant Workers. "Dahil sa twenty years of experience ko sa pagtutulong sa mga OFW, tingin ko mayroon din akong bagong madadala sa negotiating table upang mabuksan ang employment ng domestic workers sa Kuwait Pero hindi ako papayag na may mamatay ulit na Pilipinong nag-hahanap buhay dahil masyado ng maraming kababayan natin ang umuuwing naka-kabaong. Kung gaano sila kahigpit sa ating mga OFW, dapat tayo din ay maging mahigpit sa mga employers," ayon pa sa kaniya. Sa kasalukuyan, bukas si Tulfo sa pakikipag ugnayan sa DMW at DFA upang masigasig na lumahok sa usaping makabubuti sa pre-engagement protocols para sa mga OFW. Gayundin ang pagkakaroon ng pakikipag unayan sa mga departamento upang magkaroon ng draft legislation na makatutulong siguraduhin ang kanilang kaligtasan at pagtibayin ang kanilang mga karapatan. Sa ngayon, binibigyang puwang ang paglipat ng mga OFW patungo sa mga bansa na matitiyak ang kanilang kaligtasan katulad ng Guam, Hungary, Austria, Oman, UAE, Jordan. Ayon pa kay Tulfo na ang mga Pilipino ay hinahangaan ng mga employer sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa hindi matatawarang katangian at kanilang kalidad tulad ng abilidad na makapagsalita at makaintindi sa wikang Ingles gayundin ang kanilang pagiging kapitagan at masigasig. |
Tuesday, June 17
|