Press Release
June 8, 2023

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE COURT'S DENIAL OF FORMER SENATOR LEILA DE LIMA'S BAIL PLEA

I am deeply frustrated over the prolonged detention of former Sen. Leila De Lima. She deserves a speedy trial as enshrined in our Constitution.

I cannot help think about all the speedy trials of other prominent individuals recently, while Leila, who brought to light the abuses of the bloody drug war under the Duterte administration, is still languishing in jail for six years and counting.

I call for an immediate and decisive end to this cycle of oppression. Stop this travesty of justice now!

It is also alarming that testimonies from self-serving sources are still being entertained here. Many of these false witnesses have already recanted their accusations against Leila, so why is her case still caught in the incredible lies and deception woven by these drug lords?

Again, for the sixth year in a row, this ruthless tide of injustice against Leila must stop, and the trumped-up charges immediately dropped.

And to my fellow Filipinos and to all human rights advocates, let us ensure that justice is not just reserved for the powerful and privileged, and that in this country, justice is not just a fairy tale. ###


Nakakadismaya ang patuloy na pagkakulong ni Leila De Lima. Karapatan niya ang isang mabilis na paglilitis, gaya ng nakasaad sa ating Konstitusyon.

Hindi ko maiwasang isipin ang iba pang kaso diyan na kaagad nalutas, samantalang si Leila, na naglahad ng mga pang-aabuso ng drug war sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, ay anim na taon nang nakapiit.

Nananawagan ako ng agaran at malinaw na resolusyon tungkol dito. Itigil na ang kabulastugang ito. Tigilan na ang pagpapahirap kay Leila.

Nakakabahala na yung mga pekeng testimonya mula sa mga drug lord ay nangingibabaw at pinakikinggan pa rin. Marami sa kanila, binawi na ang kanilang mga huwad na paratang laban kay Leila. Kaya mapapatanong ka na lang: Bakit naiipit pa rin siya sa kasong ito sa kabila ng kasinungalingan ng mga sinasabi nilang mga star witness?

Muli, gaya sa nakaraang anim na taon, pareho ang aking panawagan: Tigilan na ang kawalang-puso at walang kamatayang pagkakait ng katarungan kay Leila.

At sa aking mga kababayan, magtulungan tayong tiyakin na ang katarungan ay hindi lamang para sa kanilang mga makapangyarihan at mayaman. Sama-sama nating patunayan na sa Pilipinas, ang katarungan ay para sa lahat, at hindi lang gawa-gawa lamang.

________________________

LINK OF VIDEO STATEMENT IN ENGLISH AND TAGALOG:

https://drive.google.com/drive/u/3/folders/1pElNzJ0q4ZIQAwjbayiqplVQ2SCM8Yi4

News Latest News Feed