Press Release June 12, 2023 STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE COMMEMORATION OF THE PHILIPPINES' 125TH INDEPENDENCE DAY Today, as we commemorate our 125th Independence Day, we remember the sacrifices made by our ancestors. They didn't just fight foreign colonizers and bullying regimes. 125 years ago, our lolos and lolas persevered and mounted gallant battles against oppression and inequality, lack of opportunities, and the widening gap between the rich and poor. In this light, our country's fight for independence did not end with the heroes of the past. What ignited our fight for independence then are the same battles we are waging now. Today, we are also making a stand for a more just and equitable society. Time and again, we stand up against oppression from poverty, abusive foreign powers, and the tyranny of some of our own. It is disheartening to think that we are repeating the same mistakes. Today, just as before, poverty, corruption, and inequality are still rampant. Historical revisionism, disinformation, and the violation of human rights are also just some of the many issues that hinder us from reaching our full potential. On one hand, it is true that our struggles shaped our identity. But as we revel in our independence, let us commit ourselves to a path to progress that will never, ever, leave the most vulnerable behind. Mga kababayan, democracy and freedom are hard-fought battles. But ours is a legacy full of resilience, perseverance, determination, and of course, bayanihan. Just as our heroes, let us look at our past and inspire ourselves to reshape our future, regardless of the many differences that we have. Let us continue to show the world what it means to be Filipino-- sa isip, sa salita, at sa gawa. Mabuhay ang Pilipinas! PAHAYAG NI SENADORA RISA HONTIVEROS SA PAGGUNITA SA IKA-125TH ANIBERSARYO NG KALAYAAN NG PILIPINAS Sa ating paggunita ng ika-125 na Araw ng Kalayaan, alalahanin natin ang sakripisyo ng ating mga ninuno. Higit sa paglaban sa mga dayuhang mananakop at mapang-abusong pamahalaan, tinuligsa ng ating mga lolo at lola ang malalang uri ng karahasan at kawalan ng oportunidad, pati na rin ang paglaki ng agwat ng mayayaman at mahirap. At ang mga laban na iyan ay hindi pa tapos. Ang mga problemang nagsilbing mitsa ng ating laban noon, ay pareho sa mga pakikibaka natin ngayon. Sa kasalukuyan, tuloy ang laban para sa isang mas pantay at makatarungang lipunan. Sa tuwina, nilalabanan natin ang kahirapan, mga mapang-abusong dayuhan, at maging ang kasakiman ng ilan sa atin. Nakakalungkot isipin na nauulit na naman ang mga kamalian noon. Tulad din dati, nananatili ang ang kahirapan, katiwalian, at lumalawak ang hindi pagkakapantay-pantay. Ang pilit na rebisyon sa kasaysayan at pagkalat ng maling impormasyon, pati na ang pang-aabuso sa karapatang pantao ay ilan lamang sa mga hamon na pumipigil rin sa ating pag-unlad bilang isang bansa. Bagamat hinubog ng mga pagsubok na ito ang ating pagkatao bilang mga Pilipino, sana sa araw na ito ay alalahanin natin na kahit sa gitna ng ating pakikibaka, dapat kailanman, hindi maiwan ang iba. Mga kababayan, totoo, napakahirap ipaglaban ng kalayaan at demokrasya. Gayunpaman, binigyan tayo ng ating mga ninuno ng kakayahang maging malikhain, matatag, buo ang loob, at syempre, ang makipagbayanihan. Katulad ng ating mga bayani, pagtibayin sana tayo ng ating nakaraan para sa ating kinabukasan, anuman ang ating pagkakaiba-iba. Tuloy-tuloy nating ipakita sa mundo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang Pilipino-- sa isip, salita, at sa gawa. Mabuhay ang Pilipinas! |
Monday, June 16
Sunday, June 15
Saturday, June 14
|