Press Release June 12, 2023 Padilla: Statement on the Passing of former Senator Rodolfo "Pong" Biazon Today is a day of sorrow, due to the passing of our beloved former Armed Forces of the Philippines Chief of Staff and Senator Rodolfo Biazon. As the Philippine flag was raised today to mark the 125th anniversary of our country's independence, I remember the honor of having known Senator Pong Biazon-- a public servant who stood tall for our Motherland's democracy and freedom. His principles, both as a soldier and as a lawmaker, will be one legacy we will never forget. His place in our history is secure, and what he has left behind - which was briefly considered to be made into a movie where I would have played a role - will always be an inspiration to me. I am one with the Filipino people who mourn the loss of a great public servant, yet remain thankful for the service he rendered to our Motherland. My salute! Padilla: Pahayag sa Pagpanaw ng Dating Senador Rodolfo "Pong" Biazon Isang araw na puno ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng ating mahal na dating Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at Senador Rodolfo "Pong" Biazon. Sa araw na ito, habang tinutunghayan ang pagtataas ng ating bandila para sa ika-125 na anibersaryo ng proklamasyon ng ating kalayaan, akin pong inaalala ang karangalan na makilala si Senador Pong Biazon-- isang lingkod-bayan na tunay na tumindig para sa demokrasya at kasarinlan ng ating Inang Bayan. Ang kanyang prinsipyo, bilang sundalo at bilang mambabatas, ay isa sa mga hindi natin malilimot sa makulay na buhay ni Senador Biazon. Ang kanyang bahagi sa ating kasaysayan ay minsan na pong napag-usapang buksan sa pinilakang tabing na gagampanan at isasabuhay ng inyong lingkod. Mula noon hanggang ngayon -- ito po ay aking isasapuso bilang napakalaking karangalan. Kaisa ko ang sambayanang Pilipino na nagluluksa dahil tayo ay nawalan ng isang magiting na lingkod bayan, ngunit nagpapasalamat din na nagkaroon ng isang Pong Biazon ang ating Inang Bayan. Saludo! |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|