Press Release
June 16, 2023

After flirting with EU ban
Jinggoy: Enactment of Magna Carta of Filipino Seafarers, a timely move

THE near banning of Filipino seafarers from working on European Union-flagged vessels has made timely the passage of the enabling law that will protect the rights and welfare of seafarers, Senator Jinggoy Ejercito Estrada said in underscoring the significance of the approval of the proposed Magna Carta of Filipino Seafarers.

"Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, inaasahan nating maiiwasan ang ganitong mga problema, at sa halip ay lalo pang mai-angat ang kalidad ng serbisyo ng ating mga marino na siyang batayan ng respeto, paghanga at pati na rin ng mataas na demand para sa kanila sa international maritime industry," said Estrada, principal author and co-sponsor of Senate Bill No. 2221.

The seasoned lawmaker, who had been advocating for the passage of the measure since the 16th Congress and the first to file a bill way back in 2013, was referring to the averted crisis - the non-hiring of new Filipino seafarers in EU member-states and the displacement of around 50,000 currently deployed in the region - due to the country's repeated failure to pass the European Maritime Safety Agency (EMSA) evaluation since 2006.

Early last year, the EU flagged the Philippines for deficiencies in local seafarers' training and education and urged the government to improve its efforts to comply with the Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Convention (STCW). They threatened to withdraw the recognition of Filipino seafarers' qualifications in EU flag-carrying vessels if the issues they raised years ago remain unresolved.

Fortunately, this year, the EU Commission announced its decision to continue recognizing the safety certifications issued by the Maritime Industry Authority (MARINA) after noting the efforts of the Philippines in complying with the requirements, particularly in key areas such as monitoring, supervision, and evaluation of training and assessment.

It likewise noted that the Philippines is one of the world's largest maritime labor supply countries.

"Ang malaking bilang ng mga Pilipinong marino ay patunay na kailangan talaga nating isabatas ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa lalong madaling panahon upang siguruhin ang proteksiyon ng kanilang karapatan at kapakanan," Estrada said in his co-sponsorship speech.

One of the salient features of the bill is the creation of the One-Stop-Shop Centers for Seafarers (OSSCS) that will be established in major crew-change ports for the convenient and speedy processing of their documentary requirements.

"This will allow them to spend more time with their families and friends during their vacation from work, and find respite in their care, comfort, and company, before returning to work. The proposed measure also ensures the clear and coordinated fulfillment of mandates of the concerned government agencies. This will improve the services given by the government to our seafarers and facilitate the proper implementation of this law," the chairperson of the Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development explained.

"The passage of the Magna Carta for Filipino Seafarers is long overdue. Once enacted into law, it will be another landmark legislation that will benefit our kababayans - the seafarers and their families - and our economy as a whole," Estrada said.


Jinggoy: Pagpasa sa panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, napapanahon

BINIGYAN diin ngayon ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang kahalagahan ng pagpasa ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers at sinabing napapanahon ang pagsasabatas nito matapos magbanta ang European Union na ipagbabawal nila ang pagkuha ng mga marinong Pilipino hangga't hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan.

Ang panukalang batas, ayon kay Estrada, ang magbibigay proteksyon at magtataguyod sa mga karapatan ng mga Pilipinong seafarers.

"Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, inaasahan nating maiiwasan ang ganitong mga problema, at sa halip ay lalo pang mai-angat ang kalidad ng serbisyo ng ating mga marino na siyang batayan ng respeto, paghanga at pati na rin ng mataas na demand para sa kanila sa international maritime industry," sabi ni Estrada, principal author at co-sponsor ng Senate Bill No. 2221.

Ang mga pahayag ng batikang mambabatas ay patungkol sa napabalitang banta ng EU na ipagbawal ang pagsampa ng mga Pilipinong seafarer kabilang na ang mga nasa 50,000 na marinong Pilipino na kasalukuyang naka-deploy sa rehiyon dahil bigo umano ang bansa mula pa noong 2006 na makapasa sa pagsusuri ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Nagbigay ng babala ang EU sa Pilipinas noong nakaraang taon dahil sa kahinaan sa pagsasanay at edukasyon ng mga Pilipinong marino. Hinimok nito ang gobyerno na tumalima sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Convention (STCW) at nagbanta hindi kikilalanin ang sertipikasyon ng kwalipikasyon na ibinibigay sa mga seafarers kung hindi aaksyunan ang nasabing usapin.

Unang isinulong ni Estrada ang pagpasa ng panukalang batas noong 16th Congress at siya rin ang unang naghain nito noong 2013.

Sa unang bahagi ng taong kasalukuyan, inanunsyo ng EU Commission ang desisyon nila na patuloy nilang kikilalanin ang mga safety certifications ng Maritime Industry Authority (MARINA) matapos na isaalang-alang ang pagsisikap ng Pilipinas na makatupad sa requirements nila.

Nabanggit din nila na kinikilala ang Pilipinas na isa sa pinakamalaki ang ambag sa maritime labor supply sa buong mundo.

"Ang malaking bilang ng mga Pilipinong marino ay patunay na kailangan talaga nating isabatas ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa lalong madaling panahon upang siguruhin ang proteksiyon ng kanilang karapatan at kapakanan," sabi ni Estrada sa kanyang co-sponsorship speech.

Isa sa salient features ng panukalang batas ay ang pagtatag ng One-Stop-Shop Centers for Seafarers (OSSCS) sa mga pangunahing pantalan para mapabilis at mapagaan ang pagproseso ng mga documentary requirements ng seafarers.

"Makakapaglaan na sila ng mas maraming oras kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa tuwing sila ay nakabakasyon sa trabaho at makapagpahinga bago bumalik sa trabaho. Matitiyak din ng panukalang ito na mas maayos na maisasakatuparan ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga tungkulin. Mapapabuti rin ang mga serbisyo ng gobyerno sa ating mga seafarers at mapapadali ang papatupad ng batas na ito," paliwanag ng chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resource Development.

"Ang pagpasa ng Magna Carta for Filipino Seafarers ay dapat naisakatuparan noon pa. Kapag ganap na itong batas, maituturing itong landmark legislation na pakikinabangan ng ating mga kababayan - mga seafarers at kanilang pamilya - maging ng ekonomiya ng bansa," sabi ni Estrada.

News Latest News Feed