Press Release
June 21, 2023

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON AIRLINE PASSENGERS' COMPLAINTS
Senate Committee on Tourism
June 21, 2023

Magandang umaga po Madam Chair, magandang umaga sa lahat ng nandito ngayon.

Ang sabi sa isang post online, kapag nagsimula nang mamigay ng ensaymada, bottled water, o packed lunch sa airport, kabahan ka na. Dahil confirmed: delayed ang flight mo.

Ngayon, maaaring tawanan na lang natin yan, pero sa mga nakaranas nyan sa kanilang mga holiday at filed leave, sangkaterbang abala, horror story, at bangungot ang kasabay ng mga pagkaing iyan.

Nang magsulputan na ulit ang mga inaabangang promo fares, ang nasa isip ng mga tao, yung kanilang experience sa travel destination. Pero lately, sa sunud-sunod na aberya, na sumasakto pa sa mga long weekend, imbis na marelax at makapag-enjoy ng bakasyon ay stress pala ang aabutin.

Sa social media, trending ang airlines natin, but for all the WRONG reasons: Ang daming reports ng biglaang pag-kansela at mga last-minute rescheduling ng flights. After this hearing was set, my office email and social media accounts were also flooded with complaints from passengers.

Ang hinaing nila, lalong napapagastos ang mga bakasyonista, ang daming hindi nakakapunta sa mga appointments, hanggang sa yung iba, sa airport na lang talaga nagpapalipas ng holiday or natutulog.

Kaya huwag po sanang masabi ngayong umaga na ito ay tungkol lamang sa mga flight. Friends, dear colleagues, the cost of a delayed or canceled flight is almost always more than the price of the ticket. Hindi lang ang biniling ticket ang nasayang, pati na ang canceled hotel reservations, business opportunities, at stress dahil sa naunsyaming bakasyon. Ilang buwan din tayong nag-aayos ang itinerary, at nagko-coordinate sa mga pamilya at kaibigan, kasama na ang mga uuwi galing abroad, para lang matuloy ang mga plano sa group chat.

These kinds of inconveniences disrupt the travel experiences also of tourists, and as the chair said, could negatively affect the tourism sector. Paano pa natin ipagmamalaking top tourist destination ang bansa kung puro stress at aberya ang pwedeng sumalubong pati sa mga turista?

Umaasa po ako na sa pagdinig na ito, hindi lang airlines ang dapat managot. The regulators -- Civil Aeronautics Board and the Department of Transportation -- the agencies mandated to supervise, control and regulate these air carriers should also be held accountable. Kasama ng chair, at ng aking mga kasama, hindi ako papayag na isama sa kultura natin ang canceled, rescheduled, at delayed flights.

Maraming salamat po, Madam Chair.

News Latest News Feed