Press Release
June 22, 2023

Cayetano's Sampung Libong Pag-asa honors hard-working fathers on special episode

The office of Senator Alan Peter "Compañero" Cayetano on Wednesday honored hard-working Filipino fathers by giving them assistance to grow and augment their sources of income in a special episode of the senator's Sampung Libong Pag-Asa (SLP) program.

The SLP program, which was first introduced by Cayetano in 2021, provides assistance worth P10,000 to thousands of Filipino families for their economic recovery (pang-ahon) and temporary relief (pantawid) during difficult financial situations.

The special episode aired on June 21, 2023 and featured 55 father-beneficiaries from all over Metro Manila.

The beneficiaries work in various sectors, including security personnel, laborers, electricians, construction workers, delivery drivers, food vendors, and barangay tanod.

City of Taguig Mayor Lani Cayetano joined the senator's team in the handover of assistance. In her speech, she commended the fathers for all the hard work they do to provide for and guide their children.

"Marami sa inyo ay kalsada ang opisina - namamasada, nagde-deliver ng goods. Napakahirap ng inyong pang-araw-araw na trabaho," she told the fathers.

She also requested them to manage the assistance wisely.

"Napakasarap tulungan ang mga taong tinutulungan ang kanilang sarili. Sana mag-multiply pa nang mag-multiply ang P10K na natanggap ninyo," she said.

Cayetano first introduced the SLP program in 2021 to complement the 10K Ayuda Bill, which he filed in the House of Representatives during the 18th Congress. He intended the bill to provide every Filipino family with P10,000-worth of assistance to help them overcome the economic hardships amid the COVID-19 pandemic.

Now as Senator in the 19th Congress, Cayetano continues to push for the SLP to provide for the same benefits through the proposed Sampung Libong Pag-asa Law (Senate Bill No. 62) after it was not included in the enacted Bayanihan 3 COVID-19 package.


Sampung Libong Pag-Asa ni Cayetano binigyang pugay ang mga Pilipinong ama sa special Father's Day episode

Binigyang-pugay ng opisina ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang mga Pilipinong ama sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong na makapagpapalago sa kanilang kabuhayan sa isang special episode ng programang Sampung Libong Pag-Asa (SLP) ng senador.

Unang ipinakilala ni Cayetano ang SLP program noong 2021 na nagbibigay ng tulong na nagkakahalagang P10,000 sa libu-libong pamilyang Pilipino bilang pang-ahon at pantawid sa panahon ng krisis na pinansyal.

Ipinalabas ang special episode noong June 21, 2023 kung saan itinampok ang 55 haligi ng tahanan mula sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Nakiisa si City of Taguig Mayor Lani Cayetano sa pagbibigay ng tulong, at nagpahayag ng paghanga sa mga benepisyaryong aniya'y nagsusumikap na gampanan ang kanilang responsibilidad na matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at gabayan ang kanilang mga anak.

"Para sa mga tatay at mga tumatayong ama, happy Father's Day po! Kayo ang gusto namin ni Kuya Alan na parangalan at bigyan ng kaligayahan sa special episode na ito," ani Mayor Cayetano sa mga tatay.

Hiniling din ng Mayor sa mga benepisyaryo na gamitin para sa kabuhayan ng pamilya ang natanggap na tulong.

"Palagi po naming sinasabi na masarap tulungan ang gustong tulungan ang sarili nila. Gamitin niyo sana ito para mabuti ang inyong sarili, ang inyong buhay, at inyong kabuhayan," pahayag niya.

Unang ipinakilala ni Cayetano ang SLP program noong 2021 bilang kakambal ng 10K Ayuda Bill, na inihain niya sa House of Representatives noong 18th Congress.

Nilalayon ng nasabing panukalang batas na bigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng P10,000 na cash assistance upang matulungan silang malampasan ang kahirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ngayon bilang Senador sa 19th Congress, patuloy na isinusulong ni Cayetano ang SLP na nagkakaloob ng parehong benepisyo sa pamamagitan ng panukalang Sampung Libong Pag-asa Law (Senate Bill No. 62) nang hindi ito maisama ng mga mambabatas sa isinabatas na Bayanihan 3 COVID-19 package.

News Latest News Feed