Press Release July 12, 2023
TRANSCRIPT OF INTERVIEW Senator Risa Hontiveros with Kabayan Noli De Castro Radyo 630 Q: Ito naririnig ko lang at mga text sa amin kaya daw hinawakan at hindi bitawan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture ay gusto niyang mapaayos ang DA pero ang napapansin nila, sa kabila ng lahat na si pangulo na nga ang secretary of agriculture pero yung mga pinagkakatiwalaan nilang tao sa DA. ay parang hindi nakakasunod sa kagustuhan ni Pangulong Marcos dahil sa problema natin sa agrikultura. Ano po ang nakikita natin diyan, Senator? SRH: Well sa ganyan man o ano pa mang dahilan ay walang maipagmamalaki pa rin ang agrikultura sa ilalim ng Department of Agriculture sa ilalim kahit pa ng kasalukuyang agri secretary na walang ibang nga kundi ang pangulo mismo eh mas nakasama pa nga eh sa halip na nakabuti na sila rin ang concurrent secretary. Unfortunately, he did more harm than good,. Tingnan lang natin yung sitwasyon natin sa agricultural smuggling at sitwasyon nati. sa gitna ng El Nino lumala pa ang state=sponsored smuggling sa agrikultura sa unang taon ng administrasyon nila. Okay lang ang importasyon kung tama ang timing at sakto lang para punan ang kulang sa domestic supply natin pero hindi ganyan eh, hindi ganyan ang nangyari sa nakaraang taong ito. May mga nagpuslit ng imports sa panahon ng anihan, pero sa halip na pigilan ay sinundo pa ng wang-wang, at inihatid sa Malacanang para magpa-photo kasama si Presidente. May mga kumorner ng sibuyas at asukal, binili ng mura ang supply nitong mga negosyanteng malakas ang kapit, at walang ibang pinaporma kaya't wala ding ibang mapagbilhan. Pilipinong mamimili ang kawawa. Mapaminsala ang mga kalamidad, hindi na magbabago yun sa ating arkipelago, itong ating kalamidad na tumatama sa ating sakahan taun-taon, pero mas matindi ang pinsala ng kalamidad ng iligal, wrong timing na pag-aangkat, Kumbaga kung may natural disaster, ito human-made disaster, iligal na pag-aangkat at wrong-timing na pag-aangkat. Ito rin ang nagpa-atras sa pamumuhunan sa rural areas natin. Biruin mo, 600,000 ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa agrikultura, fisheries at forestry kahit pa pina-doble ni Pangulo ang budget para sa Agrikultura. Baliktad ang epekto di ba? Mung ang pinakamataas na opisyal ang iuupong secretary of agriculture itong panahon na paangat na tayo sa pandemya at resisyon higit kalahating milyong mga trabaho ang nashed ang nawala sa ating kanayunan. Q: Ito po ang latest survey ng pulse asia, ang sabi 63% ng mga Pilipino ay kinoconsider na ang pagcontrol ng presyo ng basic commodities ay isyu, number one isyu tungkol sa inflation po ito. SRH: Eh itong inflation hindi naman kumbaga madali sa ating mga Pilipino maintindihan noong nakaraang mga panahon pero ngayon sabi nyo na top of mind, kaya tuloy top of surveys yan mismong issue ng inflation kaya gusto nating marinig kay Presidente ang gagawin para habulin ang naging napakabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin habang usad-pagong ang pagtaas ng kita at hindi nadagdagan ang disenteng pagkakakitaan? Isipin natin ganito, ang inflation ay salary deduction, Ayan ang pinaka-konkretong at kaagad na epekto nyan. Ipagpalagay na 6 percent ang inflation. Ito ay katumbas ng 6 percent na salary deduction sa mga pamilya na middle class halimbawa may 2 minimum wage earners na nagtatrabaho sa labas ng bahay. Kung ganito Doble ang bigat na kailangang pasanin ng mahihirap dahil sa inflation, halimbawa, may isang nagtatrabaho lang, o dalawang part-time lang. Pwedeng hindi lang nasa 6% kundi 10 percent ng sweldo nila ang katumbas ng nangyaring inflation. Dahil pinaka-tinamaan ang pagkain na bulto ng gastos ng mga mahihirap na pamilya; Isipin din natin, hindi rin sila kasama sa mandated wage adjustments, lalo na kung suma-sideline lang sila para kumita, o kaya sa mga maliliit na negosyo ang trabaho na exempted sa minimum wage. Kumbaga double whammy, Kung ang inflation ay nasa 6% pero kung mahihirap sila, at hindi kasama sa wage adjustments higit sa 6% maaaring umaabot sa at least 10% ang bawas sa kita na epekto sa kanilang kita. Salary deduction yan. Q: Ang concern pa ng mga Pilipino well of course yung dagdag na sweldo, magkaroon pa ng maraming trabaho, yung bakante. Mabawasan ang kahirapan ng mga Pilipino, 30% po ang nakuha nyan. At paglaban sa graft and corruption of course sa gobyerno yon. SRH: Of course, pangunahin sa gobyerno kabayan, kasunod yung private sector kaya pati sila nagkakaroon ng katulad na integrity initiatives at alam natin ang civil society hindi nagkukulang sa pagsusulong ng anti-corruption. And napansin natin kasunod na kasunod ng inflation o yung bawas sa sweldo at mataas na presyo ng mga bilihin, talagang nasa top 10 talaga ay panay economic, pangkabuhayan na mga isyu na inaalala nating mga Pilipino at hinahanay doon ang anti-corruption at take note, mula noong kampanya sa eleksyon, mula pa ng kanilang inagurasyon, mula pa noong unang SONA wala pa tayong narinig na explicit na anti-corruption commitment ni Presidente, ewan ko na lang kung sa parating na pangalawang SONA ay makarinig na tayo sa wakas na kahit anong tungkol sa corruption doon lang sa pinamumunuan nilang departamento o sa buong gobyerno. Q: Ano pong gusto nyong marinig sa kanyang SONA? SRH: Well marami-rami pa nadagdagan, humaba ang listahan na gusto ko sanang marinig noong unang SONA. bagamat may ilan silang nabanggit noon pero mas maraming naiwang hindi so humaba lalo yung listahan. Ang gusto ko sanang marinig ngayong pangalawang SONA, masyado kasing laidback si Pangulo parang walang sense of urgency sa pagtugon sa pangunahing problema ng mga PInoy at yun yung pinag-uusapan natin na top 10 talaga mga economic mga livelihood issues natin. Parang nasayang ang panahon sa unang taon ito. Huwag po sanang asahan ni Presidente na willing to wait lang ang mga Pilipino, ang mga pamilyang Pilipino para umunlad ang kanilang buhay. Dahil hindi rin makapaghintay at hindi naghihintay ang kahirapan, ang gutom, ang kawalan ng disenteng trabaho at yun na nga mataas na bayarin sa bills kada buwan, napapag-usapan na nga. Q: Bumaba raw ang kureynte SRH: Kaya lang yung pagbaba ng kuryenteng ganyan sa palagay ko ay pansamantala lang at maliit pa. Mas marami talagang mas estratehikong repormang magagawa at dapat gawin ang gobyerno sa ating sektor ng enerhiya at para talagang tuluyan at sa mahabang panahon ay permanenteng ibaba ang presyo ng kuryente. Isa na sa matagal ko nang pinupukpok talaga ay yung pagbaba sa tinatawag na WACC or weighted average cost of capital. W-A-C-C yan wina-whack talaga ang mga Pilipino. Ibig sabihin kasi kung sa buong Asya, 7 o 8% lang ang wacc na pwedeng singilin either ng transmission tulad ng NGCP o distribution utility tulad ng mga DUs natin. Baka naku ha, dito sa Pilipinas 15% yan halos doble at sa loob ng maraming taon kumbaga malaki ang binabayad ng Pilipinong konsyumer ng kuryente para lang kumita ang kapital noong energy sector kumpara sa energy sector ng mga bansa at matagal ko nang hinihingi yan sa ating gobyerno na ating askyunan. Sa pangalawang SONAng parating, dapat hindi na po sana hindi na mapakali si presidente para tugunan ang mga problemang ganito. Q: Babanggitin din kaya po ni Presidente ang tungkol sa West Philippine Sea na umiinit nang umiinit. SRH: Yun na nga eh tama yung sinabi nyo hindi lang tumataas yung temperatura sa dagar literally pero figuratively dahil hindi talaga tumitigil ang Tsina sa panghaharass at pagtataboy pa sa ating mga mangingisda, yung kanyang panghaharaas sa ating Philippine Navy, Philippine Coast Guard at saka Bureau of Fisheries and Aquatic Resources hindi siguro tumitigil yung kanyang pagkayod sa sarili nating seabed para maglikha ng kanyang mga artipisyal na isla sa ating mga karagatan para kanyang i-occupy at i-militarize at magkunwaring kanila na ang bahaging yun ng kanilang dagat. Itong kamakailan lang, inintercept nila yung resupply mission natin sa ating mga personnel sa ayungin shoal and tama ka, ako'y naghihintay din na may unequivocal na pagtatayang sasabuhin si presidente na ina-uphold nila ang ating tagumpay sa Hague ruling. In fact, ngayong araw mismo, a-dose ng Hulyo ay anibersaryo, ikapitong anibersaryo ng tagumpay nating iyan. Q: Pero ang maganda ho rito, ang European Union po ay nagreact na, yung lahat ng kasapi ng EU SRH: Yes. Actually tama ka eh. Sila ang, ang EU ang huli lamang sa mga regional formations sa buong mundo na nagsabing sinusuportahan nila ang ating tagumpay laban sa Tsina dyan sa Hague tribunal. Nauna na yung mga indibidwal na kapwa-bansa natin sa ASEAN, sumunod po of course ang Estados Unidos, sinuportahan din po tayo ng India, napaka-pleasant surprise po niyon, pati ng Italy, pati ng NATO at nitong huli ng EU. So talagang naa-isolate ang Tsina sa kanyang pagdedeadma sa ating pinakamakapangyarihang political at diplomatic na sandatang iyon at mapayapang ar non-violent na sandatang iyon pero napaka-makapangyarihan, naaasiolate ang Tsina sa kanyang pangdedeadma doon tulad nitong huling pagharang niya sa pagresupply natin sa ating kababayan at ating personnel sa ayungin shoal so sana naman wag magpahuli pa rin si Presidente bilang presidente ng ating bansa, ihanay na niya iyong ating bansa muli, yung kanilang administrasyon na magsasabing itinataguyod niya ang ating tagumpay sa Hague. Q: Dapat ay matigas na ang paninindigan natin sapagkat senator, remember, matagal na itong issue, although minana lang ni President Marcos ay yun la ng paghahanda nila diyan paggawa lang artificial na sila ay patunay na seryoso rin ang China and sabi nga ninyo susunod kaya ang China? SRH: Sobra man silang seryoso sa kanilang pambubully sa atin, mas seryoso tayong mga Pilipino na magpushback at kailangan paratingin natin ang araw na wala silang choice kundi sumunod hindi lang sa will natin bilang Pilipinas, kundi sa will ng International community. May pending din po ako na bill nitong July 12 Q: Ito ba yung SB 2205? SRH: Buti namemorya nyo pa yung numero. May dalawa akong pending bill, isa na gawin nating West Philippine Sea Victory Day taon-taon itong July 12 at may isa pang dapat di ba? At may isa pa po na resolusyon nananawagan sa ating gobyerno sa pamamagitan ng DFA na maghain sila ng resolusyon sa UN General Assembly na patigilin na itong masasamang pag-uugali ng Tsina laban sa atin sa West Philippine Sea. Q: Ang tinitingnan ko rito yung isa pang bill na inihain ninyo, yung anti-agri smuggling law SRH: Yes isa pa yun. Dahil yun na nga yung una at isa sa pinakimportanteng pinag-usapan natin sa ilalim ng watch ni presidente bilang hindi lang presidente kundi agriculture secretary at kabalintunaan talaga. Mayroon nang hindi kukulang sa dalawang sugar smuggling fiasco na sa laki niyan ay nagmumukha nang economic sabotage na ang masaklap hindi lang favored importers, sabi ko nga kanina, parang mistulang sinundo ng wang-wang at luiterally nakarating sa malacanang para magpaphoto sa presidente, ang mas masaklap pa diyan, mayroong mga opisyal tayo, at ahensya sa gobyerno, sa DA yung SRA Office of the Executive Secretary unfortunately na hindi ipinatutupad yung ating mga batas at matagal nang tradisyon sa usapin ng ordinaryong pag-aangkat ng mga agricultural products at binabawi pa yung mga safeguards para siguruhin na ito ay sumusunod sa mga batas tulad ng huling sinabi ng ES na hindi na kailangan ng sugar order para makapag-angkat ng asukal kaya ito nga may pinakabagong sugar order na naman na nagsisimula nang magtanong ang mga tao tungkol diyan. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|