Press Release July 16, 2023 Transcript of DZBB Interview with Senate President Migz Zubiri Q: Sa July 24, balik na kayo sa sesyon, meron na kayong napagkasunduan sa LEDAC na priority measures. Ano ang talagang magiging prayoridad? SP MIGZ: Opo, Isa and Nimfa, may listahan po tayo, nakipag-meeting tayo two weeks ago sa LEDAC, ito pong priorities namin hopefully matatapos namin til year end, ito po yung amendment of the BOT Law, yung Public and Private Partnership bill, para mapadali po natin ang pagsasagawa ng BOT sa ating mga government projects, programs. Alam mo minsan mas maganda kapag may private sector participation at sila na lang ang gumagawa ng project para mabilis at walang gastos ang gobyerno. Itong National Disease Prevention Management Authority, yan din ay priority together with Internet Transactions or E-Commerce Law, yung Medical Reserve Corps, yung pagtayo po ng medical reserve corps, yung Virology Institute of the Philippines, yung Revitalizing the Salt Industry, andun din po ang E-Governance o E-Government Law, together with Mandatory ROTC/NSTP, andiyan din po ang Ease of Paying Taxes, National Government Rightsizing Program, ito yung medyo madugo dahil gusto po nila i-streamline ang government agencies. Itong Unified Separation and Retirement and Pension of MUPs, ito yung sa military at police personnel na parang magsagawa tayo ng isang GSIS para sa kanila para sa ganun maging sustainable ang kanilang pension system. Yung LGU income classification bill, andiyan din po ang Waste to Energy bill, yung Philippine Passport Act, Magna Carta for Filipino Seafarers, yung amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act at isinama po nila, ginawa po nilang priority, hopefully by December maipasa natin, ang Bank Secrecy Law. Currently, tayo na lang po ang naiwan na bansa sa buong mundo na hindi pa po nakakapasa ng Bank Secrecy Law. Ito po ay kung merong dubious transactions kaya parang tinatarget po tayo ng Anti-Money Laundering Council sa buong mundo na tayo po ay red flag na maraming nagma-money laundering dito sa atin o nagtatago ng perang iligal dito sa Pilipinas dahil wala po tayoang Bank Secrecy Law. So pumayag po kami kasama ng Kamara na ipasa natin sa lalong madaling panahon. Q: Sir, yung reform po sa pension ng military and uniformed personnel, sa hearing po sinabi po ng top officials, marami mag-eearly retirement kapag ito ay ipinasa kasi ayaw nilang mawala ang benefits? Ano ang trajectory, oobligahin na ba silang magbayad ng conrtibution? SP MIGZ: Well, nagsasagawa po ang chairman ng Committee on National Defense, si Senator Jinggoy Estrada sa iba't ibang grupo which is stakeholders nito, which is the military, the Armed Forces of the Philippines, kasama po ang Philippine National Police, BJMP, ang ating Bureau of Fire at ang sabi po niya sa akin, at sabi rin po ng committee members na willing naman daw po silang makipagshare. Hindi naman lahat ay totally against. Kasi lahat po tayo ay nagbibigay, nag-aambag ika nga. Kayo nga Isa and Nimfa, nagbibigay kayo sa SSS, may kaltas ang sweldo nyo. Ako po GSIS, kumakaltas sa sweldo ko ang GSIS para sa ganun kapag tumanda na po tayo and we're in 60s meron na tayong pension. Ang military kasi, gobyerno po ang may sagod niyan. Ibig kong sabihin ang buwis na binabayaran niyo, yung kinakaltas sa sweldo niyo, yung withholding tax, ako yung withholding tax ko po ay pumupunta po sa pension nila. Hindi po siya sustainable dahil ang nangyayari po bilyung-bilyong piso po ang inilalagay natin sa national budget for pensions and ang alam mo darating na po ang taon, if not this year, next year, 2025 magiging mas malaki na ang ating binabayarang pension sa ating military and PNP kaysa sa actual budget ng PNP at AFP. Ibig ko pong sabihin, yung budget po natin sa modernization, budget po natin sa pagbili po ng mga armas, pagbili po ng pang-modernize sa military, pagbigay sa sweldo ng ating incumbent soldiers ay magiging mas mababa pa kesa sa pension na binabayaran natin taun-taon dahil wala pong GSIS, wala pong SSS na kung saan inilalagay po natin ang pondo doon para lalong gumanda, lalong lumaki, kapag maganda po ang management niyan ay sustainable na po siya, magka-income po ang ganung klaseng military-style na GSIS para sa ganun taun-taon hindi na po tayo magbabayad sa kanila galing sa ating buwis. Yun ang gusto nating mangyari. Q: Oobligahin na po sila na mag-contribute, ang pag-uusapan na lang ilang percent ng kanilang sweldo? SP MIGZ: Right now ang magic number is 5%. May umaalma pa, medyo hindi pumapayag sa 5%, pero ang iba naman medyo accepted na po nila kasi nagkausap po kami ni Chief of Staff Gen. Centino at sabi nga po niya sa akin, sila po ay sang-ayon na, yung ibang mga officers na gawin po ito.So may panibago po tayong Deparment of National Defense Secretary, Secretary Gilbert Teodoro and Secretary Gilbert Teodoro is excited, umiikot po siya, bilang batikang abogado, magaling na abogado si Secretary Gilbert Teodoro ay pwede niyang i-explain sa ating mga kapulisan, sa ating mga military, ano po ang effects nito. Dahil pwede naman nating hindi pansinin ito, pwede naman nating sabihing, "O sige medyo madugo ito wag na natin pansinin." Pero ang problema sa susunod na administrasyon, ito po ay magiging malaking problema sa kanila dahil ang mangyayari diyan the bulk of the budget will go to the payments of pension of former military and PNP officials, so ang mangyayari po diyan baka aabot ang panahon na sa P6 trillion o P5 trillion budget baka P1 trilyon ay para lang sa pension. Sayang kasi pwede po natin gamitin yan para sa edukasyon, pwede po natin gamitin yan para sa pagdagdag classroooms, pagdagdag ng teachers, housing para sa masa. Yan po ang cut off dyan. Naintindihan ko naman po na they risk their lives for us. Diba binuwis po nila ang buhay nila para sa bansa, tama po yan, kaya ang kaltas sa kanila hindi katulad sa ating mga GSIS and SSS pensioners. Mas maliit ng konti. Q: Yung 5% magiging across the board or depende po sa ranggo? SP MIGZ: Yun ang magic number na tinitignan, nabasa ko po sa mga thread namin sa Viber ni Senator Jinggoy, they are looking at 5%. Pero hindi pa po final yan kasi tinatapos pa po ng ating committee chairman ang kanyang committee report, magkakaroon ng malawakang debatehan yan, alam niyo naman sa atin, matagal ang debate diyan. So we will make sure na hindi rin ganun kadugo para sa ating mga sundalo at kapulisan dahil nga nagbubuwis buhay din sila para sa ating bansa para sa ating mga kababayan, so meron ding mga nagsasabi na "Why don't we also use their military reservation" dahil malawak po ang reservation ng ating Armed Forces of the Philippines, meron sa amin sa Mindanao, sa Bukidnon I think 40,000 plus or 80,000 plus hectares. Doon sa Luzon, dito sa Luzon, napakalawak ng military reservation nila. Pwede po silang magkaroon ng PPP or some sort of, diba development, joint development sa mga Megaworld, sa mga Ayala, sa mga SM, para yung income doon ay pupunta po sa MUP fund, so magkaroon sila ng parang seed money ika nga. Yan ang gagamitin nila para lumaki ang pondong yan na pwede nang gawin natin mas maliit na ang kaltas sa kanila. So maraming proposal on the table but we are trying to make it as painless as possible para sa ating uniformed personnel. Q: Yun nga po, Senate President, kayo po bilang lider ng Senado, paano niyo po matitiyak sa MUPs natin na hindi sila madedehado? SP MIGZ: Well, nakipag-meeting na rin po ako sa Army, Army Chief, Gen. Brawner, together with his troops, bumisita na po ako sa Fort Bonifacio sa kanilang headquarters, nakipag-meeting na rin po ako sa Philipine Navy, Air Force na lang po ang hindi ko pa nakasama, naka-meeting but overall, overall maganda naman ang feedback nila. Naiintindihan naman po nila ang sitwasyon. I think the overall sentiment is kailangan talaga nating gumawa ng parang GSIS o SSS para sa military. Yan po ang acceptable ng lahat. And I think it is just a matter kung gaano kaliit ang kaltas, gaano kalaki, and of course kung pwede nating ma-utilize ang kanilang mga assets para madagdagan po ang pondo nitong parang kanilang version ng SSS. So itong tinatawag na MUP fund. Alam mo priority natin ang military at kapulisan dahil sila po ay nagsasakripisyo para sa ating bansa. And as a matter of fact, dinoble na natin ang sweldo nila nung panahon ni President Digong, doble na po ang sweldo nila. Malaki na po, ang entry level ng pulis is almost P40,000 plus, entry level lang po yan, pati sa mga sundalo, so tumaas na po siya. Ang amin lang po sana mag-sharing lang ng konti dahil baka, hindi ako nagsasabi na baka, talagang darating ang panahon na kung hindi natin igalaw o gumawa ng hakbang ay mas lalaki pa ang pension kaysa actual budget na kailangan ng AFP at PNP. So it is very important na magkaroon ng formula para maging sustainable po ito. Q: Sir, ito po ba maisasabatas na bago matapos ang taon? Tama ho bang sabihin na kung hindi ito aaksyunan maaari tayong mauwi sa fiscal collapse na sinabi ng mga economic managers? SP MIGZ: Yes, totoo po yan, Nimfa at Isa. Kung hindi nga po natin ito gagawin ngayon, I'm worried about the future generations, particularly the future administration, dahil kung maghuhugas kamay na lang natin tapos ibibigay na lang natin sa kanila, katulad ng binanggit ko baka 1/4 or 1/5 of the budget in five years time will be on military or uniformed pension, napakalaki, napakasayang kasi ang mangyayari diyan, yung buwis na binabayaran ng ating mga kababayan, doon papunta sa kanilang pension na sana pwede sa healthcare, edukasyon, of course anti-poverty measures, yung livelihood and several others, pabahay program ng administrasyon o ng gobyerno. So kailangan lang naman, Nimfa and Isa, gumawa tayo ng formula and of course management system katulad ng SSS at GSIS, napakaganda ng management po ng dalawang ahensyang ito. At nakikita niyo walang korapsyon, walang issue. Yung pera ng ating mga workers at pera ng government employees talagang protektado at lumalaki. Lumalaki at nagkakaroon ng ganansya para nang sa ganun walang problema ang gobyerno, hindi kailangang pumasok ang gobyerno para pondohan ang pension ng ating mga pensioners. So we need to do this, it has to be done. And tama po si Secretary Diokno, alam nyo initial na pagsalita nya, binash siya ng mga military, ex-military, lalo ex-generals, binanatan siya. But we have to look at it at fiscal standpoint. Talagang unattainable ang sitwasyon kung pabayaan po natin. So we have to come up with a formula. And my suggestion nga kay Senator Jinggoy, tignan ang mga assets ng military in terms of military reservations na nakapangalan sa kanila. Maybe under the law, pwede nating bigyan itong fund na ito, an opportunity na mainvest ang pondo na makuha nila if they privatize it or they have a joint venture na mailagay sa pension fund ng ating military at PNP para sa ganun baka pwedeng mas maliit na lang ang kaltas. Kasi may seed money na po, may pera na po na ilalagay natin sa loob. Q: May sinabi po si Mayor Benjie Magalong sabi niya as active and retired military and uniformed personnel may be made to contribute part of their income para raw po maagapan ang fiscal collapse, sana raw po ang mga mambabatas gawin din daw po ang kanilang share. Kasi may sinasabi po siya na hanggang ngayon may pork barrel pa ang mga mambabatas at malaking bahagi nun ay napupunta sa corruption. 52% ang natitira sa project, only about 45-50% ang naiiwan sa budget, the rest ay napupunta na sa corruption. May pork barrel pa po ba talaga Sir? SP MIGZ: Alam mo tama ang sinabi ni former general and now Mayor of Baguio City Mayor Magalong, kailangan nating itigil ang bleeding or pagdurugo ng pondo sa korapsyon. And it's not only the pork barrel, even the local government units, grabe rin ang nakawan doon, pati yung, hindi lang sa mambabatas, marami ring kaso if you look at the cases in Sandiganbayan, marami rin pong misuse of funds when ito comes to local government officials, mayors, governors. So dapat matigil yan lahat without having to point just one group of politicians. Lahat nang may access sa funds, dapat yan matigil natin ang corruption. Andyan ang batas, sapat na plunder, alam mo panghabambuhay ang kulong niyan. So I totally agree with Mayor Magalong, dapat matigil na po yan. Kasi ang pondong ninanakaw pwedeng magamit po yan sa napakagandang mga programa ng gobyerno. But that is an implementation problem. Ang ibig kong sabihin yung corruption is in implementation problem. So kung may public works yan na project for example, at kinukunan ng 10-25% ng pulitiko, ang may kasalanan niyan ang DPWH, bakit nagkaganun kasi implementation yan. Dapat may mekanismo na hindi makapili ang pulitiko sa contractor. Dapat yan may protocol, kaya may bidding process yan. So that is an implementation problem. And the problem lies with the implementing agency, whether it is buying equipment for the DOTr, di ba? Or buying or building roads for the DPWH, dapat nakatutok ang watchdogs na makita na hindi collusion ang nangyari sa bidding, dapat nakabantay ang mga watchdogs or at least ang COA o Ombudsman, dapat walang shenanigans. Pero I agree we have to stop corruption in the country. Ang dami kong mga experiences dahil ang dami kong iniinvite dito na investors, kailangan ko talagang silang i-guide. Ako na mismo ang tumatawag sa Secretary ng DTI para mabigyan sila ng investment. May ease of doing business na tayo. Pero unfortunately parang recommendatory lang ang ease of doing business. Parang recommendation lang po, hindi parang kailangang tuparin. Parang ganun ang lumalabas kaya naiinis ako lalo akong nagagalit at kumukulo ang dugo ko dahil hindi po nila ginagawa ang batas na andiyan na po ang ease of doing business. The ease of doing business was to prevent corruption kasi pag apply mo ng permit sa local government kapag hindi po nila ginalaw po yun, dapat makasuhan po yan ng Ombudsman, under the Anti Red Tape Authority na sana ganyan ang mangyayari matatakot po ang members of government agencies na magdelay nang magdelay ng project. Dahil siyempre kung gusto po nila ng lagay, ang gagawin lang po nila ay hindi nila ilalabas ang permit nang ilang buwan, nang ilang taon hangga't walang lagay. Kaya may ease of doing business po tayo. It's an implementation problem. I think that is a problem. Yung pork barrel kasi, sinasabi niyo pong per se. Ang problema, hindi naman po problema ito. For example, the legislator for his district can propose amendments to the budget. For example, kailangan nila ng kalsada dahil ang barangay po and I think even in Baguio, there are barangays na nasa taas ng bukid, kailangan nila ng kalsada. Nilalapitan po nila ang kanilang mga congressman, syempre inila-lobby po ng congressman yan sa DPWH, na malagyan ng kalsada. Walang masama diyan, there's nothing wrong with that. For example, kailangan ng barangay na ito ng water system dahil walang tubig dyan, so bilang representante doon sa Kongreso ay talagang mag-propose ng amendment para malagyan ang barangay na ito ng kalsada at tubig. Ang problema lang dyian kung nakialam ang mambabatas sa bidding process or nakialam sila sa proseso ika nga. Diyan po nagkakaroon ng problema. Ngayon, that's the implementation problem. And that problem we need to come up with a better solution. Saka kasi sa ngayon parang wala tayong nakikitang magandang solution. Q: Sir, babaling lang po ako ng ibang topic, paano raw po ang legislated wage hike? SP MIGZ: Alam mo, itinaas na nga, parang thanks but parang it's too little too late ang pag-akyat po ng regional wage board sa NCR na P40. Alam mo hindi naman sa pagyayabang, with due respect to the Regional Wage Board sa NCR, kung hindi po tayo nag-ingay six months ago at nagsalita at nagsabi na napakababa ng sweldo ng mga kababayan natin sa NCR, baka hindi gumalaw yang mga yan. So buti gumalaw na sila but paano naman ang buong Pilipinas? Q: Sir, yung P40 na tinutukoy niyo NCR lang po yan. SP MIGZ: NCR lang po yan. Yung mga taga-Cagayan del Oro, taga-Davao, taga-Zamboanga, taga-Dipolog City, taga- Cebu, taga-Visayas, Bicol, ang sweldo po nila is still P350-P400 a day. Ganun naman po ang presyo ng kuryente, hindi po bumababa sa kanila, mas mahal pa nga ang kuryente sa Mindanao, yung tubig ganun din kamahal. Yung cost of living, yung bigas ganun din kamahal doon. Sabi ko nga it's not fair to the other areas. Sabi ko nga one time big time, across the board wage hike. Marami akong kausap na senador pabor po sila. Gusto po naming gawing stand ng Senado yan. At nagkaroon po ng survey, ipinadala ko po sa inyo sa ating Viber. Ang number 1, Pulse Asia. Urgent concerns ng ating mga kababayan, of course number 1, 63% controlling inflation, yung pagtaas po ng presyo ng bilihin. Ang pangalawa po ang increase of pay of workers, 44%, creating more jobs 34%--so ang ibig ko pong sabihin number 2 po, pangalawang pwesto po, talagang hinihiling ng taumbayan ang pag-akyat po ng sweldo nila dahil talagang napakababa, ang dami pong Pilipino umaalis ng ating bansa dahil nakikita po nila wala po silang pag-asang mabuhay nang disente sa ating bansa. Q: Ibig sabihin kahit wala doon sa 20 na panukalang batas na priority niyo sa LEDAC, tuloy pa rin po ang pagsusulong nyo ng legislated minimum wage increase na P150 a day? SP MIGZ: Alam mo naman Nimfa, isa ang problema natin, ang economic team ng ating Pangulo. Medyo kumokontra palagi yan kapag itinutulak natin ang wage hike, pero kailangan na talaga. Sa ibang bansa ay nag-umpisa na po sila. Dati ang sabi nila we are the second highest wage in Southeast Asia. It's no longer true. Inangat na po ng Malaysia ang kanilang minimum wage to about P880 a day. Ang Indonesia inakyat na nila sa P810 ang kanilang minimum daily wage. They can look it up. Nasa internet, kapag ginoogle mo lalabas doon ang minimum wage ng mga bansang yun. Ang balita ko pati Vietnam na katumbas natin, pati Vietnam daw dahil umaalma na ang mga tao doon. They are very hardworking, napakalaki po ng ekonomiya nila pero mababa raw ang kanilang salaries, tumataas ang inflation sa Vietnam. They are looking at increasing their minimum daily wage so wag naman po tayong mahuli pa. Napakarami sa ating mga kababayan ay hirap na hirap na sa buhay nila. And I came up with another survey, rider question po sa Pulse Asia na shinare ko rin po sa inyo, ipapakita ko lang sa screen para makita ng ating mga kababayan. Pero ang lumalabas po, ang tanong "Are you in favor or not in favor on the proposal to increase the daily minimum wage by P150 in the private sector nationwide? Pabor ba kayo o hindi kayo pabor sa pag-increase o pag-akyat ng inyong sahod na P150 a day sa mga pribadong sektor?" Ang sagot 97% pabor, 2 percent lang ang against. Q: Hingan lang namin kayo ng posisyon sa West Philippine Sea. Nakapitong anibersaryo na po ng artibitral ruling, sabi ng China na hindi nila yan kikilalanin at may sinabi pa sila na America naman ang nag-udyok niyan na tayo ay umakyat sa Arbitral Tribunal. Ano po ang pwedeng itulong ng Senado para maiassert natin na atin yan? SP MIGZ: Well, ako po ay sumang-ayon sa plano ni Senator Risa Hontiveros na magpasa ng isang resolution asking the government to file a protest at the Hague lalo na kung saan po lumabas ang arbitral ruling of the West Philippine Sea kung saan talagang inilagay po doon ang pagrespeto sa ating Exclusive Economic Zone. Alam mo, ipapakita ko lang po ang mapa, tignan mo kung gaano kalapit ang Recto Bank, kung saan napakarami ang military ships ng China ang nag-istambay. It is only 80 nautical miles from Mainland Palawan. Ang China is 450 nautical miles. Ang layo po nila. Sa Reed Bank at sa Spratlys mas malayo pa, 500 nautical miles kung saan ang Ayungin Shoal sa atin 125 nautical miles lang. Hindi ko alam kung saang vocabulary, kung saan pong pag-iisip na nakikita nila na kanila yun. Hindi ko talaga maintindihan. For the life of me, I do not understand na paano nila masabi na sa kanila yun at hindi po sa atin na napakalapit sa ating bansa at napakalayo sa kanilang bansa. Kaya almost 16 countries, European Union ang naglabas na po ng pahayag na respetuhin ng China ang arbitration law. Itong 16 European countries, EU countries say that they respect the arbitration ruling at sa kanilang pananaw ay sa Pilipinas po yan. At meron po akong naipalabas na--kasi maraming haka-haka kuno, na nagagalit na bakit nakikialam daw ang Amerika dito sa atin. Meron po akong, ito exclusive ito, I have not shown it yet. Meron po akong rider question sa Pulse Asia, ang tanong pabor ba kayo o hindi na palakasin ang ating military ties o cooperation sa Estados Unidos at Pilipinas amidst security tension in the West Philippine Sea, 75% are in favor. Not in favor is 14%. 86% ang NCR, 69% Balance Luzon, 83% ang Visayas Mindanao, 76%--kaya ang lumalabas 75% sa ating populasyon pabor na pumayag tayo na tulungan tayo ng Estados Unidos dito sa West Philippine Sea issue. Ang hindi lang pabor ay 14%, napakalaki ang disparity. Ibig kong sabihin nagagalit na po ang ating mga kababayan sa China. Nagagalit na sila. Kung hindi po sila galit sa China, dapat mas maliit po yung porsyento na binasa ko po sa inyo. They are sick and tired, talagang sawang-sawa na po sila sa pagpasok ng China dito sa ating bansa, lalo na sa mga incursions dito sa Reed Bank na napakalapit po sa El Nido, sa Coron, napakalapit po niyan. Q: Yung resolution ni Senator Risa Hontiveros para panawagan sa administrasyon na dalhin po itong issue sa United Nations General Assembly ipapasa po ninyo sa pagbabalik sesyon nyo? SP MIGZ: Yes. By Tuesday. Monday po ang opening natin, by Tuesday pagdebatehan po natin yan. I'm sure we can get the majority to vote in favor of this resolution na we will take it back up to the Hague as an opposition to what is happening right now. Lahat po ng protest ipapakita natin diyan as exhibit A, lahat itong litrato na ito, we will present it back to the United Nations para manghingi po tayo ng bagong ruling sa kanila o desisyon sa kanila sa mga araw-araw na pagpasok at illegal incursions sa ating teritoryo. |
Tuesday, June 17
|