Press Release
July 17, 2023

Gatchalian calls out BI for failure to prevent entry of foreign fugitives in POGOs

Senator Win Gatchalian called out the Bureau of Immigration (BI) for its failure to prevent the entry of foreign fugitives into the country, who engage in various criminal activities such as human trafficking and various online scams by using Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) as a front.

In June, police authorities conducted a raid at Xinchuang Network Technology in Las Piñas, resulting in the turnover of seven foreign fugitives to the BI. Similarly in May, seven foreign fugitives were also identified at the raided CGC Technologies in Sunvalley Corporation in Pampanga. Both Xinchuang and CGC were POGO-accredited service providers.

"Paano nakakalusot ang mga puganteng ito papasok ng bansa na kinukuha pa ng mga lisensyadong kumpanya ng POGO?" Gatchalian asked.

Based on police reports, the foreign fugitives, including individuals from China and Taiwan, are wanted for crimes such as fraud, theft, drug trafficking activities, human trafficking, and online scams, among others.

"POGOs corrupt the system kaya maraming palusot ang nangyayari. By allowing these fugitives to enter the country, some Bureau of Immigration personnel might have also been tainted by POGOs and the individuals involved should be properly investigated," Gatchalian said.

He emphasized that the meticulous scrutiny shown by immigration officers towards outbound Filipino passengers, including demanding numerous documents such as birth certificates and transcript of school records, should also be applied to suspicious inbound passengers to prevent the entry of criminal elements.

The chairman of the Senate Committee on Ways and Means, Gatchalian has been calling for the expulsion of POGOs from the country, stating that the existence of POGOs greatly contribute to the deterioration of peace and order in the country.


Gatchalian pinuna ang BI dahil sa pagpasok ng mga dayuhang pugante sa POGO

Pinuna ni Senador Win Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa kabiguan nitong pigilan ang pagpasok ng mga dayuhang pugante sa bansa, na kalaunan ay nasasangkot sa iba't ibang kriminal na aktibidad tulad ng human trafficking at iba't ibang uri ng online scam sa pamamagitan ng paggamit ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Kung matatandaan noong Hunyo ay nagsagawa ng raid ang mga awtoridad sa Xinchuang Network Technology sa Las Piñas, na nagresulta sa paghuli ng pitong dayuhang pugante. Noong Mayo ay natukoy din ang pitong dayuhang pugante noong ni-raid ang CGC Technologies na nasa Sunvalley Corporation sa Pampanga. Ang Xinchuang at CGC ay pawang mga POGO-accredited service provider.

"Paano nakakalusot ang mga puganteng ito papasok ng bansa na kinukuha pa ng mga lisensyadong kumpanya ng POGO?" tanong ni Gatchalian.

Batay sa mga ulat ng pulisya, ang mga dayuhang pugante, kabilang ang mga indibidwal mula sa China at Taiwan, ay pinaghahanap dahil sa krimeng may kinalaman sa pandaraya, pagnanakaw, iligal na droga, human trafficking, at iba't ibang uri ng online scam, bukod sa iba pa.

"Kino-korap ng mga POGO ang sistema kaya maraming palusot ang nangyayari. Sa kabiguan ng ahensiya na mapigilan ang mga puganteng ito na pumasok ng bansa, ang mismong ahensya ay nababahiran ng mga kalokohang nangyayari sa mga POGO at kailangang maimbestigahan ang mga sangkot dito," sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin niya na kung dumadaan sa masusing pagsisiyasat ang mga Pilipinong pasahero na palabas ng bansa, na dumating pa sa puntong hinahanapan ang mga ito ng kung anu-anong dokumento tulad ng birth certificates at transcript of school records, dapat istrikto din aniya ang ahensiya sa mga kahina-hinalang dayuhang pumapasok ng bansa.

Muling nanawagan ang chairman ng Senate Committee on Ways and Means na patalsikin na ang mga POGO sa bansa at nagpaalalang ang presensya nila ay 'di hamak na nagpapalala sa kaayusan at seguridad ng bansa.

News Latest News Feed