Press Release
July 17, 2023

TRANSCRIPT OF INTERVIEW SENATOR RISA HONTIVEROS ON KAPIHAN SA SENADO WITH SENATE MEDIA

Q: Based doon sa inyong statement, generally disappointed kayo sa first year ng marcos administration?

SRH: Kulang na kulang na nga ang unang SONA nila, hindi pa napaghusay at hinigitan iyon ay lalo pang nagkulang ngayong unang taon kaya buti na lang tinanggap ni presidente yung grado ng incomplete dahil incomplete talaga at marami pa talagang dapat habulin sa susunod na kalahating dekada.

Q: Kung kayo magbibigay ng grade ano ibibigay nyo failing grade na?

SRH: O sige para hindi bigyan ng failing grade, ano ba yung incomplete grade, INC nga. Four (4.0) ba? kwatro ang incomplete, mas malupit pa ang Senate media kaysa sa akin basta katanggap-tanggap sa kanila ang incomplete hindi talaga sila mabibigyan ng mataas na grado sa unang taon

Q: Considering na ganoon ang assessment nyo sa performance ng Marcos administration sa unang taon wala na ba kayong medyo magandang inaasahan na sasabihin niya sa SONA at magsasagawa po ba kayo ng kontra-SONA?

SRH: Kung may gagawa ng kontra-SONA, pag-usapan po namin yung ni minority leader Sen Koko Pimentel, pero syempre bilang mamamayan at bilang mambabatas inaasahan ko na tapat na state of the nation address ang ibibigay ni presidente sa atin at para punuin ang kanilang incomplete na trabaho sa unang taon at mas tugunan ang maraming concerns nating mga pilipino magbigay naman sila ng mas detalyado konkreto at sige ambisyosong plano para sa mga susunod na taon. Iyon ang gusto pa rin namin marinig sa kanya.

Q: Namention nyo sa inyong statement na yung smuggling parang may basbas pa ng pamahalaan, pero recently, si presidente mismo nag-utos mismo sa DOJ at NBi ng pag crackdown at pag-investigate dito nga sa talamak na smuggling lalo na sa agricultural smuggling hindi ba seryoso doon ang Pangulo?

SRH: Mabuti't inutos yan ni Presidente at gusto kong maniwala na seryoso sila sayang nga lang na dinugtungan pa nila na walang deadline, parang ayan na naman walang sense of urgency kahit hindi lang ngayon naman bumulaga sa atin ang problema ng smuggling ng agricultural products higit isang taon na nga eh kaya hindi ko maintindihan bakit baliktad, walang sense of urgency sa pag-iimbestiga sa agricultural smuggling pero sobra-sobra ang sense of urgency ng pagsulong nila ng Maharlika. Baliktad di ba? Sana ay magkaroon ng sense of urgency gamitin na rin yung mga findings at rekomendasyon sa dalawa nang imbestigasyon sa agricultural smuggling sa Blue Ribbon Committee pati Senate Minority Report noong imbestigasyon sa unang sugar fiasco noong nakaraang taon para hindi na rin umabot sa maling implementasyon at hindi na kailanganin pa ng imbestigasyon na naman dito sa bagong nailabas na Sugar Order No. 7 na ngayon pa lang ay nagsisimula nang magtanong ang mga stakeholders tungkol sa SO na yan.

Q: And then you're against sa transfer ng PhilHealth sa OP but the DOJ said there's no legal issue doon sa palano nga na ilipat sa OP itong PhilHealth.

SRH: Kahit sabihin ng DOJ na walang legal issue, higit sa lahat hindi naman legal issues ito eh. Ito po ay implementasyon ng isang polisiya na na ang Universal Healthcare Law na ang linaw doon na isang haligi ng itinatayong universal healthcare system ay ang Philhealth bilang health insurance at health financing pillar. At ang expertise naman diyan institutionally para ipatupad ang batas na iyan ay wala naman sa office of the President nasa public health authorities natin kaya dapat talaga manatili ang PhilHealth sa ilalim ng DOH doon linisin ang mga bitin pang resolbahin pang mga problema ng mga nakaraan hanggang sa ngayon. At huwag lalong i-expose sa political patronage at politicization sa ilalim ng pinakataas man pero syempre political office ng OP.

Q: So mas dapat tayong mangamba mam pag nilipat sa OP ang PhilHealth?

SRH: Nakapagtataka nga at oo, nakakapangamba bakit ba kailangang ilipat mula sa may expertise doon sa wala namang expertise sa kalusugan? Eh medyo sinasabunutan na nga natin ang ating sarili na wala pang ka-tandem si presidente sa DA, pati PhilHealth idadagdag sa portfolio ng OP, lalong hindi po matutugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng ating mga mamamayan, post-pandemic na ayan na nga lahat ng ebidensya na driver of growth at recovery din yan.

Q: Ma'am ano particularly yung fear niyo pag Office of the Presidente ang maghandle ng PhilHealth?

SRH: Well scenario po doon, unang-una, institutionally, wala naman siyang expertise sa pagpapatupad ng universal healthcare law eh hanggang ngayon may pagkakautang ang executive sa health emergency allowances at hazard pay dating back to 3 years ago mula noong nagsimula ang pandemiya sa ating mga healthcare workers ang dami pang kailangang isulong na health sector reforms na mas dapat bigyan ng executive at political support ng office of the president kaysa subukan nilang dumiretso sa ating universal healthcare system at siya ang magpatupad o siya ang makialam bakit nya aagawin ng mandato ang Department of Health na institutionally sa kanya talaga nakalagak ang expertise at ang mandato at ang accountability para i-realize progressively ang universal healthcare at pangungahin, sa pamamagitan, among others, institusyon ng PhilHealth, so illogical talaga bakit ililipat sa OP ang Philhealth mula sa DOH.

Q: Kasama ba doon sa fear yung possible na maliban sa mishandled pwedeng eventually magamit as a campaign kitty magamit for political propaganda or kung ano man, yung pondo ng PhilHealth.

SRH: Paggamit man para sa political kitty or campaign propaganda, ang pondo ng PhilHealth na galing sa mga kontribusyon ng mga miyembro ng mga employers ng gobyerno mismo mula sa sin taxes at sa GAA ay hindi dapat ni mabuksan sa ganyang takot o suspetsa mayroon na ngang natitirang mga issue mula sa nakaraan tungkol sa korapsyon sa loob ng PhilHealth na patuloy pa ring obligado ang PhilHealth na implementahin ang mga rekomendasyon ng senate investigations para linisin yan at ayusin at patuloy na imodernize at ireporma ang PhilHealth. We don't need another possibility or fear of the possibility na magagamit na mali ang pondo ng PhilHealth at ang isang pinakamabuting garantiya yan ay manatili siya sa mga kamay kung saan siya mandated na nakalagay at yun ay walang iba kundi sa ilalim ng DOH.

Q: Pero sa tagal ng panahon na nasa ilalim ng DOH ang PhilHealth laging may issue ng corruption and mismanagement.

SRH: That's why nangailangan ng Senate investigations at ibinalik yon primarily sa DOH din para ipatupad wag naman sanang gusto pa natin na magkaroon ng pangangailangan kung ilipat ang PhilHealth sa OP against the wisdom na sinasabi ng dumaraming stakeholders na mangailangan ng imbestigasyon later on sa dalawang ahensya DOH at OP at saka maitatanong ko rin kay presidente, hindi ba siya kumpiyansa sa DOH secretary na inappoint niya. Finally, nakapag-appoint ano po pagkatapos ng higit isang taon na walang kumbaga, captain in that seat ng Department of Health para isulong ang mga dapat na programa ng departamentong iyon.

Kaugnay ng naunang sagot ko rin, kapag pumalpak ang computerization, sasalang ba si Presidente sa Blue Ribbon kung talagang kunin ng OP ang PhilHealth? Dapat malinaw ang lines of accountability hindi lang para hindi dobleng mahirapan ang Senado sa pag-imbestiga, pero para hindi dobleng mahirapan ang mamamayan maka-access sa health services.

Q: Ang PhilHealth naman daw kasi ay not more on the health, but management of finances. So, tungkol daw yun sa insurance kaya tinutulak ni Former Ping Lacson at iba pang former senators na ilipat sa Department of Finance. Anong tingin nyo doon ma'am?

SRH: I-review ko yung sinabing iyon ni Sen Ping at ng ibang kasama pero today, I think the wisest advice we have been given ay health insurance o health financing pillar man ang PhilHealth ng Universal healthcare system na gusto nating itaguyod sa Pilipinas kaya't sa anim na pillars na iyon, sa ilalim ng universal healthcare law, siya ang may pinaka-kinalaman sa kaperahan pero higit pa sa kaperahan, ultimately, may kinalaman siya sa kalusugan. Kaya sa tingin ko po, pinaka-properly pa rin dapat nasa ilalim siya ng DOH at ano mang nakaraang problema, ang DOH pa rin ang accountable na ipatupad ito.

Q: Tomorrow the president is going to sign the MIF bill firm ba rin ba ang stand niyo against that bill?

SRH: Very firm pa rin ang stand ko at ang stand namin sa minority laban sa bill na iyon baka mas firm pa sa maipipirma ni Presidente, I don't know how he will bring himself to do that hanggang ngayon nagsusumamo pa rin ang mga dalawampung ekonomista mula sa University of the Philippines na huwag na huwag niyang pirmahan iyon dahil mas makasasakit siya kaysa sa makakatulong sa ating ekonomiya. Marami sa mga argumento na mula sa pagdinig sa komite mula pa nga sa briefing ng economic management team ni-raise na namin ni Sen Koko at pati ng iba pa naming kasama sa majority at oras na kung pimrahan pa rin nila iyon, balita ko may mga grupo ng mamamayan na naghahandang hamunin iyang bill na iyan o ang magiging batas na yan kung sakali sa Korte Suprema.

Q: At susuportahan nyo po ang mga grupo or individual na kukwestyon sa legality of this bill?

SRH: They have my full, they have our full moral support.

Q: Balika nko lang po yung bagong slogan ni Pangulo, what significance do you see from this new slogan a week before the second SONA parang paghahanda sa kanyang, pagreport sa kanyang pagkapangulo. What significance do you see from this?

SRH: Well syempre timing kaya lang kung pag-uusapan din lamang ang timing dapat nga kung magreerebrand sila, pagkatapos na mayroon na tayong nakikitang pagbabago talaga na umaandar na at papuntang irreversible na besides, honestly bilang isang Martial Law baby, Bagong Pilipinas sounds too much like Bagong Lipunan at alam naman nating kung gaano kahindi naging bago yung lipunan na iyon dahil hanggang sa ngayon, yung legasiya niya ng paglabag sa karapatang-pantao yung pandarambong sa pera ng mamamayan at gobyerno ay hindi pa nga resolved. Ewan ko ba hindi na sila natuto sa pagtatak ng Maharlika sa isang bill, heto na naman, something that sounds familiar.

Q: Ang dami nyong sinabing problema ng bansa doon sa statement nyo. Ano pong matutulong ng bagong slogan na Bagong Pilipinas?

SRH: Hindi slogan ang kailangan natin o makatutulong. Ang makatutulong talaga ay honest to goodness na pag-size up sa sitwasyon natin na iyon ang i-communicate ni Presidente sa atin sa pamamagitan ng SONA at maglatag na sila ng per department, per agency para per issue ano yung konkretong detalyadong planong gawin nila. Kapag sinimulan nilang gawin yun at pag tama yung kanilang mga isusulong na mga programa at mga solusyon at nagbubunga na ang mga ito ng konkretong positibo para sa ating bayan saka na nila lagyan ng slogan.

Q: Sabi ng pangulo yan daw bagong pilipinas is characterized by principled, dependable and accountable government. Pamahalaang may prinsipyo, maaasahan, at may pananagutan.

SRH: Gaya ng nabanggit ko kanina, magpakita muna ang administrasyon na sila talaga ay prinsipyado at epektibong gobyerno bago nila i-claim na iyon na talaga ang kanilang katangian. At muli kung nainspire sila sa bagong Pilipinas doon sa dating slogan na Bagong Lipunan, hindi rin naman naging principled, dependable, at accountable yung naunang slogan at lipunang iyon di ba? Dahil naging markado siya ng pang-aabuso at pandarambong na hanggang ngayon ay hindi pa inaamin hinihingan ng patawad at iwinawasto. Subject pa nga ng patuloy na historical revisionism. Paano natin sasabihing naging dependable yun? Eh yan ay ilan sa mga ugat ng maraming problemang dinadanas pa rin natin hanggang ngayon.

Q: Ano yun ma'am too early to claim na we're a Bagong Pilipinas at this point?

SRH: Much too early.

Q: When should they have a slogan claiming that we are indeed Bagong Pilipinas po?

SRH: Actually hindi ko naman binabawi sa kanila kahit magslogan sila kahit ngayon, sana yung realistic naman, medyo mas modest ng konti, lalo kung yung grade sa unang taon ay incomplete. Eh kung kahit nung estudyante tayo kung incomplete grade, hindi naman natin masasabing bagong school year ito o bagong estudyante tayo diba? Sabihin na lang natin pagmagtatapos na tayo siguro pero sila whenever they want basta yung makatotohanang namang slogan di naman ganyan overpromising na naman eh underdelivering na nga hanggang sa ngayon.

Q: It would appear na yung mismong secretary of health si Sec. Herbosa is amenable to the transfer of Philhealth under the supervision of the President. Kasi ang sinasabi niya it's not about, it's a management issue and it would be better and more efficient for things to be efficient if it would be under the supervision of the OP.

SRH: Yan ang isang tanong na pinakagusto kong tanungin kay Secretary designate sa kanyang confirmation hearing dito sa CA. Alam naman siguro nila bilang health professional na ang health financing or insurance system ng isang universal healthcare system ay haligi pipilayin ang sariling universal healthcare system kung babaliin at ililipat sa labas ang isang Philhealth. Bakit gugustuhin gawin yun ng kumbaga ng chief executive officer nung departamentong iyon? Kahit nga ospital hindi naman sinusubcontract ang finance office ng hospital, hindi naman nila sinusubcon at inililipat sa labas ng ospital. Lalo na yung isang universal healthcare system na ipinapangarap natin at inaasahan na ang secretary of health after one long year na inintay natin siyang maappoint ay excited pa nga na ipatupad so yan ay isang malaking tanong na nabuhay sa isip ko, at excited ako tanungin sa kanila sa confirmation hearing.

Q: Re: Using Philhealth as political payback

SRH: Kung ganunman ang nangyari and wala akong basis na sabihin na yun ang nangyari, basta ang prinsipyo ay ang pera ang PhilHealth ay perang pinanghahawakan ng Philhealth unde rthe DOH para sa mamamayan para makaaccess tayo ng dekalidad na health services na hindi nababankrupt ang bawat pamilya. At yan nga ay pagmamayari ng mga miyembro, employers, gobyerno mismo at hindi siya pera na subject to any other use, ni yung tinanong niyo, or iba pa. As for the politics of it, siyempre lahat naman ng iaappoint ni Presidente ay may confidence nila so may ganung elemento pero itong appointee na to ay isang health professional so mas malaki ang inaasahan ko sa isang health secretary both in terms of yung excitement na ipatupad yung Universal Healthcare Law, kasama ang Philhealth and in terms of managing any funds within the health system.

Q: What can you or the Senate to do to stop the transfer po aside from these calls?

SRH: Well, kung hindi pa nagbago ang opinyon ni Secretary by the time of the confirmation hearing susubukang kong kukumbinsihin sila parang baliktad no, ako na non-health professional magkukumbinse sa kanila pero if that's what's needed susubukan ko talaga and pwede naman kami dito sa Senado magpahayag ng aming pananaw whether through a resolution expressing the sense of the Senate o ano pa man kahit nga ganitong mga pagsasalita namin at sa tulong ninyo para maipaabot kay Presidente at kay Secretary o sa DOJ that it's a really bad idea.

Q: Will you be filing a resolution to stop that transfer of Philhealth?

SRH: Pag-aralan pa po namin kung ano ang kakailanganin para pigilin yan but I believe we will do whatever we can bilang matagal na isinulong ito ng mga health reform advocates na magkaroon ng universal healthcare system magkaroon ng Philhealth...

Q: Possible po ba through legislation na diba reorganization po ito, pero pwede ba na talagang yung philhealth ay affixed under an agency through legislation?

SRH: Yun yung nasa batas eh, yun yung nasa Universal Heatlhcare Law. May clear mandate ang Philhealth to deliver universal healthcare to Filipinos so pagnangyari ito hindi siya alinsunod sa batas. Under the law, attached talaga ang Philhealth sa DOH.

Q: Kaso pag nilipat sa OP dapat ba maglegislate pa?

SRH: It would follow na kailangan i-legislate. Pinagaaralan po namin.

Q: Pwede ba i-EO?

SRH: In principle yung mga bagay na provided for by law, halimbawa yung charter ng mga bangko ay hindi pwedeng baguhin ang nature or organizational structure without coming back to Congress. So subject to further ongoing study namin I would say the same principle applies dito na kung ang Philhealth ay attached agency sa DOH sa ilalim ng UHC, hindi pwedeng EO lang. Basahin ko din ang sinabi ng DOJ kung pinagaralan nila yun.

Q: You already mentioned the biggest failures of the President in his first year in office, in your scorecard meron bang positive scores and any positibo si Presidente if any?

SRH: Isang positibo ay yung pagpihit niya away from almost exclusively focusing on Beijing to the other capitals of our region and the world. Ibang mga bansa din ibang mga regional formations. So notably the US and ibang Western countries. Tingin ko dapat sundan niyan by forming a bigger coalition ng mga like-minded nations and formations yung Vietnam, Indonesia, Brunei, fellow member countries natin sa ASEAN, India, traditionally non-aligned sa maraming foreign relations issues pero ngayon pumanag na din sa atin sa tagumpay natin sa the Hague, Italy, NATO, and most recently the EU. So a bigger coalition is a better coalition. Isulong natin yung multilateralism and interdependent foreign policy. I dont know yet pero I hope the President is going in that direction at dahil sinimulan na rin niya yung pagpihit niya na iyon, sana, at sana sa SONA, sabihin na niya, finally categorically na pinanghahawakan din niya at itataguyod niya yung tagumpay natin sa Hague Tribunal. Kasi wala pa siyang ganyang categorial public commitment and I think that's what we need in order to bring the full force of the Executive behind this victory.

Q: You also mentioned the deafening silence ng Palasyo, during the 7th Anniversary of the Arbitral court ruling, what does it say about how they're seeing this?

SRH: Well, the President seems to be, I don't know, pulling some of his punches mabuti na lang yung DFA may inilabas na statement at malakas na statement tulad ng isang naunang statement ng DFA na kinikilala, itinataguyod ang tagumpay natin sa Hague ruling. Dahil na nagsalita na ng ganun ang isang alterego ni Presidente, bakit hindi rin si Presidente na? Ano ba ang hinihintay nila?

Q: Kahapon po may binanggit si SP Migz majority of the senators are supportive of your resolution to elevate the issue of arbitral court rulings sa UNGA.

SRH: At nagpapasalamat ako kay SP Migz sa pagbahagi niyan sa inyo may text exchange kami na sumangayon siya sa tanong ko na posible kayang maadopt itong resolusyon pag resume namin ng session kung hindi man sa Lunes, sa Martes. And ikakampanya, il-lobby, ig-groundwork ko ito sa mga kasamahan pa namin sa mayorya, umaasa ako para makapagsalita ang senado with one voice requesting DFA na on behalf of government maghain ng resolusyon sa UNGA calling on China to cease and desist sa kanyang mga aggressive actions laban sa ating sa West Philippine Sea.

Q: Gaano kaimportante itong magiging aksyon ng Senado?

SRH: Napakaimportante, lalo na kung somehow we take it all the way to the UNGA adopting the resolution kung mangyari man yun, wala man formal political weight ito, hindi magiging legally binding ito sa Tsina, pero yung political weight ay hindi magaan, ang political weight ay mabigat dahil magpapahayag ito ng sense at will ng international community sa UN pwedeng impluwensyahan ito yung mga attached agencies at institutions pa ng UN pwede ngang gabayan yung mga national actions siyempre ng Pilipinas sana dapat ng Tsina at iba pang mga bansa. So magiging napakahalaga ito, symbolically politically diplomatically, gayun naman din ang pagpapahalaga natin sa tagumpay natin sa Hague ruling siya ang pinakamakapangyarihang non-violent peaceful diplomatic and political weapon natin.

Q: (Unclear) ...si SP Migz regarding sa legislated across the board wage hike. Under this administration admittedly sabi ni Sen. Migz inaasahan niya na the economic team will be opposing such move. Hanggang saan tatahakin ito yung isang proposal for a legislated wage hike? Di ko kasi maalala ako po bilang isang unyonista hindi ko rin maalala kung kailan nagkaroon ng across the board wage hike kasi matagal ng pinapanukala kahit sa House yan pero hindi nangyayari, tingin niyo with the Supermajority here in the senate supporting such proposal, tingin niyo magffly under this administration?

SRH: Well at least may chance. Kasi meron tayong Senate president talking about and championing it, at kahit sasabihin nung iba na tututol ang government economic team pero nakapagpaksyon ang regional wage board ng NCR which is parang isang weather vein or pwedeng magsimula ng isang trend sa isang regional wage boards at the very least ang 40 pesos a day NCR minimum wag adjustment, mas okay na ito kesa nung panahon ni Duterte.

At ayun na nga sa NCR ay benchmark para sa ibang mga rehiyon. So pwede siya magsimula ng domino effect or some kind of virtuous cycle sa ibang regional wage boards kaya definitely sinusuportahan ko si SP Migz sa kanilang advocacy sa kanilang bill, pero tignan din natin ang kayang makuha sa iba pang mga wage boards kasunod ng sa NCR. Bargaining power ng labor ay palakasin din natin sa regional wage boards. May mga institutional adjustments din na dapat doon eh, one vote lang dapat ang DTI DOLE NEDA on the part of government... and dagdag pa sa mga ito wag po natin kalimutan isama natin sa diskusyon yung iba pang mga adbokasiya ng labor na matagal na rin. Halimbawa meron din po silang adbokasiya na pagtapos na ang panahon ng regional wage boards hindi kaya't mas maigi na mag-wage setting na tayo either if not nation wide then per industry. Tapos meron rin silang adbokasiya sa UBI, Universal Basic Income so magandang itong mga panukala din ng labor o at least yung mga elemento nito na kayang pagsabayin sa mga positive developments ngayon, tulad ng wage hike simula sa NCR at itong across the board minimum wage hike ay pagsamahin po natin.

Nako yang Ending Endo, ang Security of Tenure Bill, ang walang kamatayan para sa kilusang paggawa at para din sa aming mga kaalyado dito sa Senado. Yan talaga ang isang dapat at dapat na maipasa.

Q: Ang Minority ba kahit dalawa lang kayo meron kayong legislative agenda sa pagpasok ng second regular session ng 19th Congress?

SRH: Yes, kahit kaming lahat na dalawa ay may legislative agenda din po kaya tingin ko kung nagSOSONA lang ang Senado noh, at least masabi ko sa Minority, nakapag-produce kami ng Minority report sa unang sugar fiasco. Nag-engage kami ng malakas sa isyu ng mga improper na confidential and intelligence funds. Iginunita namin ang pag-impose ng batas militar, at nitong huli lamang, nag-engage din kami strongly laban sa Maharlika Bill.

So nag-uusap kami ni Sen. Koko sa papasok na sesyon ano ulit ano ulit yung aming mga ipraprioritize basta't tutuloy namin yung aming ugali at saka disposisyon na mag-fiscalize, mag-check and balance, based sa mga rules ng Senado at aligned sa nakikita naming pwede naming itulong sa agenda ng mga batayang sektor at ng mga mamamayan sa labas ng Kongreso.

Q: Supportive po ba kayo sa mga napagkasunduan na common legislative agenda sa LEDAC meeting?

SRH: Well, may mga kasama sa priority legislation sa LEDAC na magiging very active kami para iinterpellate para magpropose ng mga amendments at posibleng bumoto ng NO, halimbawa yun paring mandatory ROTC. Kahit wala sa priority legislative agenda ng LEDAC ay may maidagdag pa kaming mga priority legislation natin.

Q: Aside sa suggestion niyo to bring the WPS issue sa UNGA, meron ding nasabi si former Sol Gen Jardeleza na mag-file ulit ng kaso sa The Hague so kasuhan ulit ang China for the same issue. And then nabanggit din ni current Sol Gen Guevarra na may team na po sila na state prosecutors na tinitignan na yung mga nangyari daw po from 2016 until today regarding doon sa continued aggression ng Chinese coast guard sa WPS.

Meron ding nabanggit na dapat daw araw-arawin yung pag-file ng kaso ng diplomatic protest against China. So sa dami po ng mga suggestion na ito maam, ano po sa tingin nyo ang pinaka-possible, pinaka-pwedeng agarang solusyon na piliin ni Presidente since siya naman ang ultimately magdedecide ng magiging aksyon natin regarding WPS?

SRH: Yung isang immediate na magagawa at nasimulan na ng opisina ko. Nag-file po kami ng Maritime Zone Bill, ito din ay payo din nila Prof. Jay Batongbacal, bilang pagbigay ng force of law yung nandun sa Hague ruling, so ito yung assertion sana ng Philippine government, based dun sa Hague ruling, ano yung maritime zone natin.

I think hindi nagkukulang ang DFA sa posibleng araw-araw na pag-file ng mga diplomatic protest at mahalaga at may halaga din ito para ipakita na ang ating foreign affairs department ay hindi nagkukulang sa pagreklamo at ginagawa nila in writing ito, in black and white. Kung may nabuo nang task force si Sol Gen para pag-aralan yung napakaraming paglabag ng Tsina sa atin mula pa noong panahon ni Duterte, hindi po mahihirapan yung task force na iyan dahil mayaman ang research diyan. At kahit kayo sa media ay hindi nagkulang sa paguulat diyan kahit dinedma lang ni Duterte noon.

At doon sa payo ni dating Sol Gen Jardeleza, well dahil galing sa kanila, ay dapat sigurong pag-aralan, pero offhand, sa ngayon, napakayaman na at napakamakapangyarihan na nung Hague Ruling na pitong taong gulang na as of this month, at ang higit na kailangan nating gawin ay i-enforce ito mula sa panig natin.

Kung maari lang ako magdagdag doon sa naunang tanong, without prejudice to returning to your question, kasama din sa LEDAC priority yung EPIRA amendments. Napaka-interesante sa opisina ko ito dahil sa mga usapin ng sa wakas pagbabawal sa cross ownership, yung pagprotekta sa mga electric coops, yung pagsulong ng renewable energy at yung pagpapalakas ng energy regulatory commission, so ganitong mga panukalang EPIRA amendments, very interestedly ako magiinterpellate, susuporta sa spirit ng mga proposed amendments na ito at baka mag-amyenda pa para mas lalong palakasin.

Q: Anong nakita niyong kahihinatnan ng SOGIE Bill sa pagpasok ng second regular session considering na diba nasabi narin hindi ito priority, hindi kasama ito sa common legislative agenda at meron din po kayang implication yung naging controversial na video ng isang drag queen recently? Actually nanawagan kayo na sana huwag maka-apekto yan.

SRH: Una sinabi ko dun sa pinost na performance at paglahok ng ibang mga tao doon kay Pura Luka Vega na para sa akin din naman personally inappropriate yun, pero sana hindi ito gamitin laban sa isang komunidad na ang tagal tagal nang stinistigmatize, dinidiscriminate, pinagkakaitan ng pagkakapantay-pantay.

Ang gusto ko talaga sana sa pagitan ng ating mga religious communities at ako rin ay isang woman of faith at marami ding LGBTQIA+ ay persons of faith na sana sa pagitan ng mga religious communities at yung LGBTQIA+ community magkaroon pareho or pag mag oportunidad sama-samang pareho at least, self-reflection, empathy, at pag-unawa.

And having said that, hindi talaga bibitawan ng community sa pagkakaalam ko bilang ally, hindi din talaga bibitawan ang pagsulong ng SOGIE equality bill.

Q: So hindi yun magiging setback o another challenge sa pagsusulong ng SOGIE ng nangyaring insidente?

SRH: Sobrang yaman na ng challenges at setbacks ng SOGIE Equality Bill sa nakaraang 23 taon kaya wala eh laban talaga ito ng mga buhay natin so tuloy tuloy lang hanggang maipasa ito bilang batas.

Q: Yung SOGIE Bill nagsara yung first regular session nasa community on rules, so paano yung tatangkain o iaattempt na at least iencourage o pakiusapan yung committee para finally mairefer na siya dahil parang dalawa, isang taon na natutulog ulit under the 19th Congress.

SRH: Oo nga, nagiging sleeping beauty na ang SOGIE Equality Bill. Well, alam ko yung community hindi tumitigil mag-lunsad.. nitong nakaraang buwan lang napakamatagumpay na Pride Month at Pride Marches lalo na sa Quezon City. Hindi sila tumitigil at hindi titigil sa pagdisenyo at paglunsad ng mga kampanya para maparamdam sa aming lahat dito sa Senado ang pagnanais ng komunidad at ang suporta ng ating lipunan nitong mga nakaraang mga survey kahit ang pinakahuling survey, majority, ng ating mga kababayan ay gustong magkaroon ng equality sa pagitan ng bawat Pilipino anuman ang SOGIE natin.

At dito naman sa loob ng Senado, hindi rin po titigil maghanap ng pagkakataon na kumbinsehin ang committee on rules magtakda na ng pulong para madesisyunan na maibalik sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, yung bill. Dahil doon naman natapos sa plenary eh na hiniling magkaroon ng isa pang hearing. Nagcommit ang Committee on Women na gawin iyon kaya para magawa namin ang aming trabaho na hingi ng Senado, ibalik na hangga't maaga at huwag nang patagalin pa ang bill sa aming kumite.

Q: Mapapabilis po ba ang process since may common ground na na nakikita?

SRH: Well maipapakita ko yung common ground kapag napayagan na ang komite na tapusin ang aming trabaho at makarating sa plenary so wala pang specific reaction na ibinigay. Basta ako naman, basta sundin lang natin yung legislative process tulad sa kahit ano pang ibang bill and let the bill, let the advocates, let we the authors prove its merit. Dahil kapag binigyang daan ang process, mapoprove ng merit ang sarili niya.

Q: Yung international tribunal will come out with a decision whether to continue with the ICC probe, tomorrow, how do you think this will impact the Philippine government?

SRH: Ang laki ng impact po pagnagdecision ang ICC na huwag bigyang daan ang appeal ng administrasyon kundi ipagpatuloy ang proseso. Kahit naman nung inappeal, di naman tumigil yung pagimbestiga nila, ayon sa balita. So kapagka binigyang daan muli ang proseso eh maari pa ngang magripen yan into an issuance of a warrant of arrest. So napakalaki po ng implication para sa posibilidad na magkaroon ng hustisya ang mga balo, ang mga ulila at iba pang mga naulilang miyembro ng mga pamilya ng mga biktima ng War on Drugs.

Q: Yung wage so definitely ipupush ni SP and then may mga personal na bills ang mga senador, kung tama ang pagkakatanda ko mga 20 yung pinagagreehan sa LEDAC meeting.

SRH: More daw.

Q: Kung kayo ang masusunod, this time around, 2nd Regular Session, ilang percent lang dapat yung pagbigyan ng Senate leadership pagdating sa Malacanang sponsored measures, at ilan dapat yung ibigay naman sa bahagi ng mga senador para unahin ng Senado?

SRH: Well ang majority naman dito sa Senate, in a way obligado sila na iprioritize din yung priority legislative agenda ng presidente at ng LEDAC, ng kanyang economic management team. Pero sana sa mga iyon, iprioritize at dagdagan namin sa Senado and with the support of the Senate leadership yung mga economic reform bills, yung mga economic survival bills.

Kasi yun talaga ang pinakaurgent para sa mga tao sa ngayon, post-pandemic, post recession at aabot tayo sa "post" kapagka inayos natin yung mga usaping pang ekonomiya at yung iba pang drivers of growth lalong lalo na yung health at education. Pag bini-reakdown natin yung sa economy, ang daming areas dyan ano - sa agrikultura, inflation, anti-smuggling, employment generation na hindi lang yung sinasabing low-productivity, low income jobs pero yung mas may choice talaga ang mga Pilipino at hindi tayo mangangamba na kahit kailan ay pwede tayong mawalan ng trabaho or yung trabahong meron tayo ay napakaliit naman ng ibinubunga para sa ating mga pamilya.

It is no joke eh, sabi mismo ng government statistics, 600,000 jobs ang nashed sa agrikultura pa lang nitong nakaraan. So going in the opposite direction. I hope ito ay mabigyang daan namin sa Senado sa pagtakda ng Senate priority legislative agenda.

Q: Paano po ba ang naging assessment ninyo sa quality of work ng Senate during the 1st Regular Session? Yung body of work? Usually po kasi we are getting numbers, pero sa paningin niyo kamusta ang kalidad ng mga napasa ninyo?

SRH: Well kanina naibahagi ko nga sa inyo yung assessment ko sa trabaho ni Presidente, yung unang taon nila na "incomplete" nga. So first year ito, so may super majority sila sa Senado so understandably sinubukan ng mga kasama namin sa mayorya na bigyan ng push talaga yung legislative agenda ni Presidente.

Maganda kung hindi madamay ang Senado sa unsatisfactory assessment sa performance ni Presidente sa unang taon nila. Anyway ang Senado ay may tradition ng pagiging indiyependente, sinasabing last bastion of democracy sa mga panahong troubled ang democracy natin tulad ngayon. So maybe kung mayroon din kaming institutional at individual assessments ng trabaho ni Presidente ng unang taon, ay mapepreserve at maeenhance lalo ang reputasyon ng Senado kung pwede kaming, even as an institution, in a way mas magflank or mas mag-"check and balance" sa ipaprioritize ni Presidente, baka yung tinanong niyo kanina na possibly iba pang legislative agenda ng Senado as compared with the LEDAC, tingin ko sa ganyang paraan hindi lang mapepreserve namin ang reputasyong ganoon ng Senado but mas magiging kapaki-pakinabang kami sa mamamayan, na hindi malimita lamang sa priority legislative agenda lamang ni Presidente at ng LEDAC, pero dagdagan o baguhin in some ways ito ng Senado. Isa ito sa magiging effort namin sa Minorya.

Q: Himayin muna, tingnan muna, kasi may sarili kayong list of priority bills na isinusubmit sa Senate leadership then iblend together para magkaroon ng balance, unlike sa unang taon?

SRH: Blend not necessarily in a 50-50 balance kasi second year na ito, papuntang 6th year, kung ano ang sa wisdom ng Senado ang dapat suportahan sa priority legislative agenda ni President at ng LEDAC pero with a critical mind, ieenhance namin iyon, dadagdagan pa namin ng mas maraming inputs mula sa Senado lalo na hopefully on the economic side, at yung mga priority advocacies at legislative agendas ng mga senador. It may happen na more than 50 percent, mula sa Senado. Hindi iyan masama, okay lang yan.

Q: Kayo po ang nagfile ng resolution sa Senate Public Services Committee tungkol doon sa kinekwestyon na programa sa Philippine Ports Authority, yung TOP-CRMS o Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System. Ano na daw po yung status niyan dahil ang PPA ay isinusulong na mapatupad yan?

SRH: Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng optimism para maglobby na ipatupad yan dahil kitang kita sa hearing noon na hindi lamang yung private sector at civil society stakeholders ang tutol dyan. Lahat din ng department at attached agencies, pati yung mother department nila, yung Department of Transportation na nung hearing ay sinabi ng DOTr, talagang pinapasuspinde nila ang pagpapatupad niyan.

At hindi rin nagpeperform ng maayos recently ang PPA, for example from the perspective of COA, ang COA naglabas recently ng findings sa PPA, tungkol sa mga sasakyan, correct me if I am wrong but if I am not mistaken may finding recently ang COA tungkol sa PPA and itong TOP-CRMS sa dami ng findings na lumabas sa hearing at sa inaasahan kong recommendations sa committee report - inaalam namin kung nasulat na - hindi ko alam kung bakit umaasa pa ang PPA na mapapatupad yan.

Q: What do you make of the President's silence regarding the seizure of P6.4 billion shabu dito sa Manila?

SRH: Ito lang yung latest silence niya sa mga sunod sunod na issue o skandalo na talagang may marka ng korapsyon. Hindi ko talaga maintindihan, hindi lang sila yung commander in chief of the armed forces, sila din yung top official sa iba't ibang uniformed services tulad ng PNP. At alam nila yung nakaraang diumanong War on Drugs na naging War on the Poor na nagbunga ng hanggang 30,000 na patay na maliliit na tao, na isa sa pinakamabigat at madilim na legasiya mula sa kanila, mula kay Duterte.

Kung gusto nilang magsingil ng accountability, kung gusto nilang totoong solusyonan ang isyu natin sa problematic drug use, kung gusto talaga nilang ayusin ang mga institusyon natin kasama ang PNP, bakit hindi sila nagsasalita? Dapat silang magsalita tungkol dyan. I do not know what to make of it, kasi dapat sa posisyon nila sana sila ay nagsasalita.

Q: Does this contradict yung Bagong Pilipinas na slogan, ma'am?

SRH: Doesn't it, diba? Kasi kung Bagong Pilipinas edi dapat itigal na yung ganyang sunod-sunod, tulad ng nakaraang administrasyon, na may nasasabat pero hindi alam kung ano ang nangyayari, nawawala, nababawasan, nagtuturn up in the wrong hands, and by the wrong hands I mean yung dapat nagsusugpo sa problemang iyon ng iligal na droga.

Q: There are those opposing the Samal Bridge project funded from loans from China. Yung contractor din po is a Chinese-state owned company. Should DPWH also conduct a consultation with the affected sectors?

SRH: It should do both of those things. Itinanong ko na rin yan sa nakaraang DPWH noong nakaraaang budget hearing at nangako sila noon na gagawa sila ng environmental study at hindi rin nagkukulang yung mga oppositors dyan. Meron na ngang alternatibong site sana, kaya hanggang ngayon ipinagpipilit nila na with a valid reason na may alternatibo naman, kaya bakit ilagay sa panganib o sa ikasisira yung bahura doon, yung reef doon.

Q: A study conducted by a Japanese team said na may mas maayos sanang design na hindi maapektuhan yung ganoong kalaki, lalo na yung mangroves sa Samal Island part.

SRH: Yes. Hindi lang yung bahura or yung reefs kundi pati yung bakawan o mangroves and yes may alternatibong site at disenyo. So diba kung nagkakaroon ng ganoong findings at hindi lang puna, kundi may rekomendasyon pa, may alternatibo pa, bakit hindi iyan iconsider? Yan sana ay iconsider ng DPWH sa ipinangako nila at dapat ideliver na environmental review or study.

Idadagdag ko lang sa TOP-CRMS, yung binanggit ko na COA finding ay finding on high-end gadgets at unmarked vehicles with inflated budget costs and unauthorized vehicle use. So parang may TOP-CRMS mismo na inflated din daw yung cost, bukod pa sa iba pang maraming issue na laban sa kanya. Ito po yung parliamentary status - tungkol sa Senate Resolution No. 484 tungkol sa TOP-CRMS, ay nasa Senate Committee on Public Services, so wala pa pong committee report.

Q: Ano ang implication pag pinursue pa rin ng PPA?

SRH: Pag pinursue ng PPA baka hindi lang ako ang magsabi ng "Opps." Ongoing pa yung pagtingin ng committee dyan, sinuspend lang ni Chair Grace, so magkakaroon pa ng susunod na hearing. Harinawa, hindi pwedeng magfastbreak ang PPA dyan.

Q: Ang nakikita niyong recommendation dito, is to stop that program?

SRH: Well kung batay lang po sa narinig naming positions ng lahat, as in lahat ng department, pati yung mother department at yung mga iba pang mga attached agencies at yung mga private sector at civil society stakeholders at yung mga oversight agencies tulad ng ARTA, na panay no ang position nila sa TOP-CRMS then inaasahan ko na ang magiging rekomendasyon sa committee report ay ganoon din.

News Latest News Feed