Press Release
July 18, 2023

Gatchalian vows rigorous oversight of Inclusive Ed law; recognized for advocating PWDs' welfare

After receiving a "Special Apolinario Mabini Award" this afternoon at the Malacañang Palace, Senator Win Gatchalian has vowed to pursue a rigorous oversight on the implementation of the inclusive education law for learners with disabilities.

Non-government organization Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc. gave the "Special Apolinario Mabini Award" to Gatchalian in recognition of his contributions in promoting the welfare of persons with disabilities (PWDs).

During the 18th Congress, Gatchalian sponsored Republic Act No. 11650 or "Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act." The law, which was signed on March 11, 2022, institutes the policy of inclusion in all public and private early and basic education schools. It provides that all schools shall ensure every learner with disability access to quality education and that no learner shall be denied admission on the basis of disability.

"Bagama't isang tagumpay para sa atin ang pagkakaroon ng batas para sa ating mga mag-aaral na may kapansanan, isang hakbang lamang ito para maitaguyod ang kanilang kapakanan. Patuloy nating sisiyasatin ang pagpapatupad ng batas o kung naipapatupad nga ba ito upang walang mag-aaral na may kapansanan ang mapag-iiwanan," said Gatchalian.

The law also provides that the Department of Education (DepEd), in coordination with local government units, shall initially establish and maintain at least one Inclusive Learning Resource Center for Learners with Disabilities (ILRC) in every city and municipality in the country. ILCs refer to a physical or virtual center that provides support and related services to teaching and learning. These include therapies, quality reading and writing materials, and other types of aids and services that aim to facilitate the learning process of learners with disabilities.

Gatchalian has pressed the need to increase enrollment among learners with disabilities, especially because they are among the hardest hit by the COVID-19 pandemic. DepEd data as of March 14, 2022 revealed that there were 126,598 learners with disabilities enrolled in DepEd schools for School Year (SY) 2021-2022, 65% lower than the 360,879 recorded for SY 2019-2020.


Gatchalian pinatitiyak ang pagpapatupad ng Inclusive Ed law; kinilala sa adbokasiya para sa PWDs

Matapos niyang makatanggap ng "Special Apolinario Mabini Award" ngayong hapon sa Malacañang, nanindigan si Senador Win Gatchalian na titiyakin niya ang maayos na pagpapatupad ng batas para sa inclusive education sa pamamagitan ng puspusang oversight.

Iginawad kay Gatchalian ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc. ang "Special Apolinario Mabini Award" bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Noong 18th Congress, inisponsor ni Gatchalian sa Senado ang Republic Act No. 11650 o "Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act." Nakasaad sa batas na titiyakin ng lahat ng mga paaralan ang access sa dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral na may kapansanan. Itinakda rin ng batas na walang mag-aaral na may kapansanan ang pagkakaitan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa kanyang kapansanan.

"Bagama't isang tagumpay para sa atin ang pagkakaroon ng batas para sa ating mga mag-aaral na may kapansanan, isang hakbang lamang ito para maitaguyod ang kanilang kapakanan. Patuloy nating sisiyasatin ang pagpapatupad ng batas o kung naipapatupad nga ba ito upang walang mag-aaral na may kapansanan ang mapag-iiwanan," ani Gatchalian.

Sa ilalim ng batas, binibigyan ng mandato ang Department of Education (DepEd) na makipag-ugnayan sa mga local governments upang magtayo at magpatakbo ng Inclusive Learning Resource Center for Learners with Disabilities (ILRC) sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Magbibigay ang mga ILRC ng mga serbisyong may kinalaman sa pagtuturo at pag-aaral, kabilang ang mga therapy, mga dekalidad na reading at writing materials, at iba pang mga serbisyo upang matulungan ang proseso ng pag-aaral para sa mga mag-aaral na may kapansanan.

Iginiit din ni Gatchalian ang pangangailangang taasan ang enrollment rate sa mga mag-aaral na may kapansanan, lalo na't isa sila sa mga lubos na napinsala ng pandemya ng COVID-19. Batay sa datos ng DepEd noong Marso 14, 2022, may 126,598 mag-aaral na may kapansanan na naka-enroll sa mga DepEd schools para sa School Year (SY) 2021-2022, mas mababa ng 65% kung ihahambing sa 360,879 na naitala noong SY 2019-2020.

News Latest News Feed