Press Release July 22, 2023 Rising involvement of POGOs in criminalities may dampen tourist arrivals -- Gatchalian Senator Win Gatchalian said the rising involvement of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) in various criminalities, including human trafficking, could drive away tourists and dampen arrivals in the country. "Nagpalit pa nga tayo ng slogan na Love The Philippines kasi gusto nating i-promote ang kagandahan ng bansa tapos mababalitaan natin na may mga krimen dahil sa negosyo ng POGO," Gatchalian said. "It is peace and order that will lead us to sustained growth and more employment opportunities for our people. However, the POGO industry is giving us additional problems as far as peace and order is concerned," Gatchalian said. He previously voiced his worries about recent police raids conducted separately in two POGO hubs in Clark, Pampanga, and in Las Pinas City resulting in the rescue of thousands of foreign and local employees. Based on data from the tourism department, the country welcomed a total of 2.02 million foreign tourists last year from the time the country's borders opened in February 2022. Including overseas Filipino workers, arrivals totaled 2.65 million. Based on data from the Philippine Tourism Satellite Accounts, inbound visitor expenditure in 2022 amounted to P368 billion, with food and beverage accounting for P94.74 billion or 25.7% of the total, shopping expenditures at P80.83 billion or 21.9% and accommodation services at P63.32 billion or 17.2%. According to Gatchalian, the government's efforts to enhance tourism revenues, increase job opportunities, boost local sales, and increase government revenues could be rendered useless by reputational risks brought by rising criminalities attributed to the POGO industry. "People often travel for pleasure. How can we effectively promote our country as a tourism destination when there are reports of criminalities such as human trafficking and kidnap-for-ransom? Potential tourists could just easily skip the Philippines in favor of other Asian destinations," he emphasized. "Kung turista ka tapos mababalitaan mo na may mga krimen, natural matatakot ka. Sasabihin mo, anong klaseng bansa ito? At hindi magiging tahimik ang bansa hanggat nandyan ang mga POGO," said the chairperson of the Senate Committee on Ways and Means, who has been calling for the immediate expulsion of POGOs from the country amid rising incidence of crimes involving the POGO industry. Pagkakasangkot ng mga POGO sa kriminalidad dagok sa turismo -- Gatchalian Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang patuloy na pagkakasangkot ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa iba't ibang krimen, kabilang na ang human trafficking, ay maaaring makapagtaboy ng mga turista. "Nagpalit pa nga tayo ng slogan na Love The Philippines kasi gusto nating i-promote ang kagandahan ng bansa tapos mababalitaan natin na may mga krimen dahil sa negosyo ng POGO," ani Gatchalian. "Kapayapaan at kaayusan ang magdadala sa atin sa patuloy na pag-unlad at magbibigay ng mas maraming oportunidad na trabaho para sa ating mga kababayan. Pero ang industriya ng POGO ay nagbibigay ng karagdagang problema sa kapayapaan at kaayusan," sabi ni Gatchalian. Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pag-aalala ang senador matapos ang magkahiwalay na pagsalakay kamakailan sa dalawang accredited na service provider ng POGO, partikular na sa Clark sa Pampanga at Las Piñas, na nagresulta sa pagkakahuli ng ilang mga banyagang pugante at pagkakaligtas sa libu-libong banyaga at Pilipinong mga empleyado. Batay sa datos ng Department of Tourism, nakapagtala ang bansa ng 2.02 milyong dayuhang turista noong nakaraang taon mula nang magbukas ang bansa sa mga turista noong Pebrero 2022. Kabilang ang mga overseas Filipino workers, ang tourist arrivals ay umabot sa 2.65 milyon. Batay naman sa datos ng Philippine Tourism Satellite Accounts, ang inbound visitor expenditure noong 2022 ay umabot sa P368 bilyon, kung saan ang food and beverage ay nagkakahalaga ng P94.74 bilyon o 25.7% ng kabuuang kita, shopping expenditures na umabot sa P80.83 bilyon o 21.9%, at accommodation services na umabot sa P63.32 bilyon o 17.2%. Ayon kay Gatchalian, wala ring kahihinatnan ang mga pagsisikap ng pamahalaan na palakihin ang kita sa turismo, dagdagan ang mga oportunidad sa trabaho, palakasin ang bentahan ng mga lokal na produkto, at dagdagan ang kita ng gobyerno dahil sa panganib sa reputasyon na dala ng tumataas na bilang ng kriminalidad na nauugnay sa industriya ng POGO. "Madalas na bumibyahe ang mga tao upang mamasyal. Paano natin maikakampanya nang mabisa ang bansa bilang isang tourism destination kung may mga ulat ng kriminalidad tulad na lang ng human trafficking at kidnap-for-ransom? Malaki ang posibilidad na imbes na sa Pilipinas ay baka sa ibang destinasyon sa Asya na lang sila pumunta," diin niya. "Kung turista ka tapos mababalitaan mo na may mga krimen, natural matatakot ka. Sasabihin mo, anong klaseng bansa ito? At hindi magiging tahimik ang bansa hanggat nandyan ang mga POGO," sabi ng chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, na paulit-ulit ang panawagan ng agarang pagpapatalsik sa mga POGO dahil sa dumadaming bilang ng krimen na kinasasangkutan ng industriya. |
Friday, May 16
Thursday, May 15 Wednesday, May 14
|