Press Release
July 29, 2023

Tulfo demands accountability from PCG, MARINA over sinking of Princess Aya

Senator Idol Raffy Tulfo demanded accountability for the reported death of 27 passengers of Motorbanca Princess Aya that capsized off Binangonan, Rizal on Thursday, July 27.

It was reported that Princess Aya's maximum capacity is only 30 passengers but it was allowed to sail with about 70 passengers on board without enough life vests, in addition to bad weather conditions.

Tulfo said the relevant government authorities, including the Philippine Coast Guard (PCG) and the Maritime Industry Authority (MARINA), that allowed this tragedy to happen should not get off the hook.

"27 na buhay ang nasawi dahil sa lumubog na bangkang Princess Aya. Nangyari ito sapagkat naging pabaya na naman ang mga awtoridad tulad ng PCG at MARINA. Na gaya sa mga nakaraang trahedya sa karagatan, pinayagang maglagay ang lumubog na bangka kahit na masama ang panahon, overloaded at walang sapat na live vest dito," he said.

"Bukod sa may-ari ng bangka at mga tripulante nito, dapat mayroon ding masampolan na mga taga PCG at MARINA dahil sa paulit-ulit nalang na pangyayaring ito at tila nananadya na sila," he added.

Tulfo lamented that the sunken ship or boat's crew members are often the ones punished and sent to jail, and in most cases, the boat owners get away with their lapses. "Ang masaklap pa, puro imbestigasyon na lamang hinggil sa kapabayaan ng PCG at MARINA at wala pa talagang nasasampolan sa kanila."

The Senator from Isabela and Davao likewise maintained that this is not the first time that something bad and fatal happened due to the negligence of maritime authorities, but not a single person from the PCG and MARINA has been held accountable and imprisoned for their neglect that caused harm to passengers.

It may be recalled that in a Senate hearing last March 14, Tulfo also berated the PCG personnel who allowed MT Princess Empress to sail without permit to operate. The sinking of said tanker caused a massive oil spill in Oriental Mindoro and other areas, and affected 172,928 individuals with some of whom acquired injuries or illnesses.

That's why Tulfo drafted a Senate Resolution to ensure that the PCG and MARINA, along with its officers are held accountable in the name of command responsibility whenever a ship or a boat sinks due to negligence.


Tulfo: Panagutin ang PCG, MARINA sa paglubog ng Princess Aya

Sinabi ni Sen. Idol Raffy Tulfo na kailangang may managot sa napaulat na pagkamatay ng 27 pasahero ng Motorbanca na Princess Aya na lumubog sa Binangonan, Rizal noong Huwebes, Hulyo 27.

30 passengers lamang daw ang maximum capacity ng lumubog na bangkang Princess Aya pero ito ay pinayagang maglayag ng may sakay na humigit kumulang 70 na pasahero at walang sapat na life vest para sa lahat ng lulan nito, dagdag pa rito ang masamang lagay ng panahon.

Ani Tulfo, paulit-ulit na lang na nangyayari ang ganitong klaseng trahedya pero wala pa ni isang napapanagot at naipapakulong na mga taga Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) kahit malinaw na mayroon silang kapabayaan sa nangyaring mga paglubog ng mga barko o bangka at sa pagkasawi ng maraming buhay.

"27 na buhay ang nasawi dahil sa lumubog na bangkang Princess Aya. Nangyari ito sapagkat naging pabaya na naman ang mga awtoridad tulad ng PCG at MARINA. Na gaya sa mga nakaraang trahedya sa karagatan, pinayagang maglagay ang lumubog na bangka kahit na masama ang panahon, overloaded at walang sapat na live vest dito," saad ni Tulfo.

"Bukod sa mga tripulante ng bangka at mayari nito, dapat mayroon ding masampolan na mga taga PCG at MARINA dahil sa paulit-ulit nalang na pangyayaring ito at tila nananadya na sila," dagdag niya.

Paliwanag ni Tulfo, palagi na lang ang mga maliliit na tripulante ng mga lumubog na barko o bangka ang nakukulong at madalas nakakalusot pa ang mga may-ari nito. Ang masaklap pa, puro imbestigasyon na lamang hinggil sa kapabayaan ng PCG at MARINA at wala pa talagang nasasampolan sa kanila.

Kaya nag-craft na Senate Resolution si Sen. Idol upang mayroon nang mananagot na mga taga PCG at MARINA kasama na ang mga opisyal nito, sa ngalan ng command responsibility tuwing may lumulubog na sasakyang pandagat dahil sa kapabayaan.

"The time has come para mahinto na ang ganitong klaseng kapalpakan," saad niya.

News Latest News Feed