Press Release
August 1, 2023

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
Senator Risa Hontiveros with Ivan Mayrina, Unang Hirit, GMA 7

August 01, 2023

Q: Sen, paano po nauwi, paano humantong sa desisyong yan ang mga senador kasama ang AFP at DFA officials? Ano po ang mga napag-usapan ninyo before you arrived at this decision?

SRH: Well, pagkatapos po ng briefing na ibinigay ng mga opisyal natin ng Department of Foreign Affairs at National Task Force on the West Philippine Sea sa presensya rin ng Armed Forces of the Philippines e talagang isinulong namin ni Senate President Migz Zubiri, ako yung aking Senate Resolution No. 659 at si SP Migz yung kanilang Senate Resolution 707 yung pangangailangan na ipahayag ang sense of senate na udyukin, i-urge ang gobyerno sa pamamagitan ng DFA na ipursue ang various multiple options sa iba't ibang mga pandaigdigang larangan. Naglista pa nga ng apat pero sinabi namin unlimited yan, kasama na, posible ang isang resolusyon sa UN General Assembly pero hindi eksklusibong yun lang pero napaghain ang gobyerno natin o gumawa ng mas asserive na actions sa pandaigdigang larangan para maparamdam din ng ibang mga bansa at ibang mga regional formation sa mundo na dapat ang Tsina ay magcomply dun sa ating tagumpay sa Hague Ruling at doon po nagkasundo na amin nga pong iaadopt ang resolusyon ngayong araw din.

Q: Senator baka pwede kayong magshare sa amin ng ilang mga bagay sa ibinigay na briefing ng AFP sa inyo without compromising national security of course, baka mayroon pa po bang hindi nababalitaan ang ating mga kababayan na nangyayari sa West Philippine Sea?

SRH: Wala naman po in general basta't binigyang-diin ng mga opisyal mula sa executive na nagbrief sa amin kahapon na tuluy-tuloy nga ang iba't ibang pagkilos ng gobyerno para igiit ang ating pambansang interes sa west philippine sea dahil mayroon na po tayo, ika nga ni maritess vitug sa kanyang aklat, Rock Solid, mayroon nga tayong rock solid na pundasyon para tigilin na ng Tsina ang panghaharass at pangbabastos sa atin sa West Philippine Sea at pati na sa ating exclusive economic zone at sa dulo ng caucus ay sinabi naman ng mga opisyal ng executive ay naunawaan nila yung sense nung aming mga resolusyon, resolution 659 at resolution 707 at sa huli ng aming caucus wala naman po silang pagtutol sa iaadopt naming resolution mamayang hapon.

Q: Senator sa kada insidente po ng aggressive action ng China dyan sa wps we file a diplomatic protest. Ano ano po ba ang ating mga option? May nabanggit po kayong four other options na mas assertive action from the government na pwede nating gawin?

SRH: May iba't iba pa po, ituloy ang diplomatic protest na mahalaga pag pinagsama-sama mo lahat para ipamalas na ang gobyerno ay nagtataguyod sinabi na rin ito ng DFA, gusto ko lang marinig explicitly mula kay Presidente, dahil hindi pa nila isinambit yung mga salitang iyon na west philippine sea noong sona nila at saka yung Hague arbitral ruling, pwede pong maghain nga ng reosliusyon ang gobyerno sa pamamagitan ng DFA sa UN General Assembly pwede pa silang patuloy na dumulog tulad ng sinabi ng officials ng executive kahapon sa amin na kanilang patuloy na ginagawa sa iba't iba pang mga formations sa mundo, asean man yan o iba't iba pang komite sa loob din ng United Nations bukod sa General Assembly. So yung apat na binanggit sa isang reoslusyon ay partial list lang dahil unlimited po ang dapat gawin at dapat lang dahil gaya rin ng binigyang-diin ni Sen Migz mula noong kino-sponsor naming apat, ni SP, ni Sen Jinggoy, at Sen Raffy nung nakaraang linggo ang aking resolusyon, sinabi kahit noon ni SP na talagang karamihan ng ating mga kababayan ay top of mind ang usaping ito at umalabas pa ito sa ating mga surveys at kapag tayo ay nagsasambit ng panatang makabayan ay sinasabi po natin iniibig ko ang Pilipinas, ang patuloy na paggiit ng ating tagumpay sa West Philippine Sea, ay pagsasabuhay nyan. Kapag atin ding inaawit ang Lupang Hinirang, inaawit po natin sa manlulupig di ka pasisiil, so pagsasabuhay din po ang ating ginagawa bilang mga mamamayan, ang patuloy na ginagawa ng gobyerno ayon sa ating mga executives at itong sense of the Senate resolution na aming iaadopt mamayang hapon ay kadiwa rin dyan.

Q: Habang nasa state visit sa Malaysia, sinabi ni Pangulong Marcos na sa usapin ng foreign policy ang United Nations General Assembly ay makikipag-usap lang sa executive, hindi sa judiciary at legislative. Sa tingin nyo pakikinggan po ito ng UNGA? At may quote, I'd like to read this exact quote from the President, ang sinabi po niya, "the senator's free to file whatever resolution she wants, but I don't know how that would translate to any action that would reach the UN General Assembly. What exactly do you want to happen here?

SRH: Naku naging senador din naman si Presidente noon, baka nakalaigtaan lang nila or baka nalito lang sila sa reso ng senado at yung inuudyok namin na reso ng gobyerno sa pamamagitan ng DFA sa UN General Assembly among many other possible more assertive actions. Yun amin pong iaadopt mamayang hapon ay sense of the senate na nag-uudyok ng ganitong mas maraming mas assertive na actions ng executive sa iba''t ibang international fora. yung hiningi ng orihinal kong resolusyon number 659 ay resolusyon ng gobyerno, ng executive nga sa pamamagitan ng DFA sa UN General Assembly wala naman pong nang-aagaw sa papel ng presidente bilang sila ang architect of foreign policy at alter ego nila ang DFA. Ito po ay resolusyon ng sense of the senate bilang independiyenteng institution na hindi pwedeng walang gawin ang gobyerno at kami po ay naghahain ng iba't iba pang mga options para mas assertive pa nilang maiigit nga tulad sa ating pambansang awit, sa ating panatang makabayan ay igiit pa ang pambansang interes.

News Latest News Feed