Press Release
August 3, 2023

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
Senate President Juan Miguel Zubiri

Teleradyo Serbisyo and Radyo 630 Isyu Spotted
August 3, 2023

SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL "MIGZ" F. ZUBIRI: Magandang hapon, Carmina and Tony. Matagal na po tayong hindi nagsama, and I'm happy to be with your program. Magandang hapon po. At sa lahat ng mga nakikinig po sa sais-trenta, good afternoon po.

Q: Anong oras ba kayo natapos?

SP ZUBIRI: Maaga, mga 10:30 umuwi na po kami, Carmina and Tony. Actually, to answer the question, para masagot ko po 'yong tanong ni Sir Tony about the minority, lahat po imbitado. We invited also the minority pero they begged off dahil mayroon daw silang prior engagement.

Q: Ah, ayon naman pala. Hindi naman pala sinasabing "Kami lang 'to." Wala namang ganoon. Anyway, SP matagal na ho bang planado itong dinner na ito, Senator?

SP ZUBIRI: Matagal na. It's been a year, 'no. Almost one year na po, pag-upo ni Presidente bilang lider ng ating bansa, palagi po kaming nangangantiyaw, "Kailan po ba kami pwedeng makipag-dinner sayo, busy ka na masyado." Eh, finally nag-set na siya ng date after the SONA, sabi niya, "Tuloy natin 'to after the SONA." So, nagkataon lang, nagkaroon ng maraming issue, itong West Philippines Sea, itong meeting nila ni President Duterte kagabi -- all these were prior to the setting of the date. So, kagabi, purely casual and ano lang po, 'yung bonding sa ating mahal na Pangulo, bonding lang po siya. Wala pong masyadong serious discussions. Although marami po kaming pinag-usapan, from agriculture, 'yong baha. Napaka-concerned po ng ating Pangulo sa pagbabaha nitong Central Luzon at Northern Luzon and other parts of the Philippines. Kaya, tumitingin palagi siya sa cellphone niya habang nagdi-dinner po kami nakatingin siya sa cellphone niya, tinitignan niya, sasabihin niya, "Kailangan tayong magpadala ng relief goods sa mga lugar na ito." So, the President was very concerned, even he let his hair down last night, para mag-bonding sa ating mga senador, talagang naka-monitor po siya sa mga nangyayari kahapon.

Q: Ang tanong po namin ni KC, 'yon pong nangyaring pag-uusap nila Pangulong Marcos Jr. at saka ni dating Pangulong Duterte, eh, naisiwalat ba sa inyo, Senator, kung ano ba talaga ang pinag-usapan ni President Xi at ni President Duterte?

SP ZUBIRI: Konti lang. Konti lang. Actually na-late nga si Pangulo dahil, 'yong dinner, the invitation was 6:30, dumating na po si Pangulong Bongbong, mga around, almost 8 na po. So dahil nga medyo na-late po sila Pangulong Duterte sa meeting nila with BBM, so konti lang ang pinag-usapan namin dito. Of course, the topic came up, kung ano po ang pinag-usapan nila sa China. Ang sabi naman ng Pangulo, verbatim na, "Napakaikli ng discussion namin dito sa topic na ito." Basically, binanggit lang niya na si President Xi Jinping daw, hindi daw nila tinake up 'yong isyu ng West Philippines Sea. In other words, wala po siyang binabanggit na "West Philippines Sea." It was Pres. Duterte daw who brought it up and he said, according to the President, he said to Xi Jinping na "the issue on the West Philippines Sea, please look kindly to the Philippines." "Please look kindly to the Philippines," 'yan ang sinabi niya. Of course, I don't want -- I'm just quoting from the President, but I'm not at liberty to expose whatever else they said, kasi, ano 'yon, executive session. Wala naman po kami doon. We were in Bahay Pangarap and iyong meeting nila sa Malacanang proper, so wala naman po kami doon, we don't know what happened.

Q: Mr. Senate President, which brings me to my next point, dahil, ayaw na rin po namin na mag-quote na lamang kayo dahil wala naman din po kayo doon, pero 'yung dati pong Senate President na si Franklin Drilon, ang sinasabi din po niya, eh sana magreport itong si dating Pangulong Duterte kung ano ba talaga ang napag-usapan. Hindi lang sa Pangulo ha, pero, maybe sa Senado, sa buong bansa ba 'yan, parang hindi tayo nandito na hindi pwedeng magsabi dahil wala naman doon, you can't quote him. Go ahead, Senator.

SP ZUBIRI: Well, I think, Karmina, that is the reason why bumisita, iyan po ang rason bakit bumisita si Pangulong Duterte sa ating Pangulo doon sa Malacanang. You noticed 'yong news items saka 'yung video na pinalabas sa Malacanang, nandoon si Sec. Gilbert Teodoro, nandoon 'yong Executive Secretary, and I think several other delegates were there as well, or secretaries. So, for sure, hindi 'yon casual meeting, hindi po 'yan parang bonding lamang. I'm sure what was discussed was their meeting in China with Xi Jinping. The best person to ask, Karmina, is to interview from the Malacanang beat. It will be the best --

Q: Alam mo, Sen. Migz, hindi talaga magsalita kasi ayaw talaga magbigay ng detalye doon sa mga tao doon, ba.

SP ZUBIRI: Hindi, kasi, sa totoo lang, we discussed the issue sa Malacañang, maybe 15 seconds, 15 to 30 seconds. Kasi nakita namin 'yung itsura ni Pangulo, medyo pagod na pagod na siya, eh. So, the dinner was supposed to be very casual, light, and friendly. We did not want to make it a... Ayaw naman po naming gawin na parang committee hearing like i-grill namin ang Pangulo. So that's the truth, and God strike me now, totoo po yan, yan ang pinag-usapan namin tapos nag-shift na yung topic sa agrikultura dahil tinanong ako ng pangulo about sa sugar issue, naghahanap pa siya ng areas na makadagdag po sa sugar farming at from there I shifted my subject from sugar to rice. Kase nga ang pinag-usapan po namin sa Senado before going to the Malacanang Palace was the plan of India. Di'ba may plan ang India na itigil na po ang export ng non-basmati rice. Iyan po yung mga kinakain natin, yung mga non-basmati rice. So malaking bagay yun kasi inaasahan ni Pangulong Marcos noon at I think he made an announcement about three weeks ago na wala tayong problema sa supply dahil bibigyan daw po tayo ng India, eh biglang nagkaroon ng ban, biglang nagsabi po ang India na itigil na muna ang export dahil pati sila, dahil sa global warming, dahil sa pag iba po ng klima ay itatago din po nila yung kanilang rice stocks, rice supplies. So, I discuss with him a proposal which he found to be very interesting. Ang Sabi ko Mr. President gawa tayo ng mga rice producing zones (RPZ). Itong pong Rice Producing Zones, for example Region 3, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, we can call that RPZ 1 (Rice Producing Zone No. 1) mag-assign po siya ng asec or usec na tutukan po ang pagbigay ng mga binhi, tutukan po ang pagbigay po ng modernized equipment, ng fertilizer, pest control, tapos bantayan niya na dapat gumanda ang ani ng mga lugar na ito para magkaroon tayo ng rice buffer stocks dito sa mga lugar na ito. That is only one area in the Philippines there are several rice producing (inaudible) in Visayas and Mindanao.

Q: Sa suggestion ninyo diyan, anong sabi ng Pangulo?

SP ZUBIRI: Iyan pinag-usapan namin for a while dahil he was thinking at it that this could be a good idea, then binanggit nga niya sa akin na ang problema sa agriculture sector devolved na po yung function kase. It was devolved and the DA was devolved to the local agriculturists. Ang problema kase sa local government unit pag yung mayor hind mahilig sa agrikultura, kung minsan yung hina-hire nilang MAO (Municipal Agriculture officer) yun MAO, at minsan glorified landscaper lang eh. Yung trabaho niya pinapaganda lang yung plaza. Nawalan na po ng technician yun dahil nga nag-devolve na sa mga provincial, municipal and city offices ang trabaho ng DA. So I said marami ka pa rin na tao Mr. President, the Department of Agriculture even on a regional level still has thousands of employees, tap them as much as you can para mag-monitor nitong rice production natin. Ang kagandahan po nito wala po tayong bigas ngayon pero after three months pwede na po tayong magkaroon ng bigas dahil three-month cycle lang po ang planting of rice, so that's 90 days, so we can plan for it for the next cropping season.

Q: Basta huwag kayong abutin ng kalamidad katulad ng nangyayari sa mga rice farmlands natin, binabaha.

SP ZUBIRI: May variety kasi galing, nag-aral po ako sa Los Baños yung IRI po nandun yung sa International Rice Institute. May mga varieties po tayo na pwedeng mag survive ng baha up to almost three weeks, even under water for three weeks, basta mag subside lang po yung tubig reliable po yung tanim na yan. So may mga alternatives tayo. So that was basically what we were discussing with the President. We touched also on the West Philippine Sea issue resolution, but the President said that "I respect the Senate when it comes to the sense of the Senate" nirerespeto naman po niya yun, so yeah, wala naman kami problema.

Q: In that senate resolution pagkatapos ninyo po makipagpulong sa DFA, sa AFP, why did you all of the sudden stopped short of bringing it up to the UN?

SP ZUBIRI: Well, let me correct you Carmina no, nandyan. It's part of the solution. Bringing it up to the United Nations is an option. But gusto po naming, ang ginawa po namin pinatibayan po namin ang resolution. Na hindi lang isang action ang gagawin ng DFA, Department of Foreign Affairs, kundi maraming action. Not tie the hands of the DFA and say okay go up to the United National General Assembly. What about taking it up to other fora like APEC? What about discussing this with the ASEAN? So, yan po ang ginawa po namin ay nagdagdag po kami ng mga hakbang katulad nito: No. 1 bringing to the international attention the Chinese harassment and continued violation of The Hague ruling; No. 2 utilizing international fora to rally multilateral support. So, maraming pwedeng gawin hakbang, yung mag bring to international attention. May APEC itong darating na taon mayroon po taong sa San Francisco. Meron din pong ASEAN meet. Pwede nating ipakita sa ating mga kapitbahay at ating mga kaibigan at kaalyado kung anong ginagawa po ng China sa ating bansa sa pag napaka malapit na lugar dito sa ating teritoryo. When I say napakalapit Karmina at Tony we are talking about 80 nautical miles from Northern Palawan. Three weeks ago nandun po sila sa ....shoal, pag meron po kayong binocular makikita po ninyo ang mga barko na yun ganun kalapit sila, baka pag matulog lang tayo at wala tayong ginawa paggising natin nasa Palawan na sila. They are 40 nautical miles from Malampaya gas facilities. Ganun kalapit sila sa bansa.

Q: The resolution itself at least naipasa.

SP ZUBIRI: The resolution po is out, we share it in the resolution and we came out with 5...As I mentioned earlier the first two: 1 bringing to the international attention the Chinese harassment and continued violation of The Hague ruling; No. 2 utilizing international fora to rally multilateral support; 3 engaging....in various international organizations meeting to respect the UNCLOS ruling and pang apat yung filing of the resolution to the UN General Assembly. So hindi po tayo nag back out. Pwede nilang gawin first option yun in DFA. Ang sabi lang po sa amin ng DFA bigyan mo kami ng maraming bala dun sa resolution so that paglaban po naming marami po tayong magagawa.

Q: May tanong si outgoing French Ambassador to Manila, ang tanong ano po ba expectation ng Pilipinas kung elevate natin itong isyung ito before the General Assembly? Ipaliwanag po natin what do we expect to the GA pag nilapit natin ito? Ano po ba ang pwede natin ibanggit kay madam ambassador?

SP ZUBIRI: Well, kasama ko si ambassador 15 minutes ago, kakaalis ko lang sa bahay nila. Nakapa-supportive po ng Republika ng French sa ating posisyon sa arbitrary ruling. The ambassador is asking what's the point of taking it up to the UNGA? Well, napakasimple, the point is, we present it to the international community na ganito nga ang nangyayari, di ba nanalo na po tayo sa arbitral ruling, 7 years has passed since the arbitral ruling, ano ang nakalagay sa arbitral ruling, nandun ang 200 miles exclusive economic zone, yung Pag-Asa Island nasa 114 nautical miles mula sa Palawan. Yung mga kaibigan natin taga China, palapit na ng palapit na po sila, ang daming violation po ang ginagawa nila. Unang una, di ba nagka laser tagging sa ating navy and coast guard boats, pangalawa hinaharang nila ang ating supply lines not only for Pag-Asa Island, hinaharang nila yung sa Ayungin Shoal eh mas mapalapit nga ang Ayungin Shoal sa Palawan gusto nilang tanggalin ang mga sundalo natin dun at i-take over nila ang Ayungin Shoal. Kailangan malaman po yan ng buong mundo kasi kung hindi po tayo magsasalita at kung puro diplomatic protest lang tayo alam mo ang may alam lang ng diplomatic protest ay ang China, kung hindi natin isusumbong yan, yung mga pangyayaring ito, ang akala siguro nila ayos lang lahat. So, we have to present this to the UNGA and show to our like-minded allies there, mga democratic countries there na mga naniniwala po sa rule of law, na naniniwala sa freedom of navigation na ang dami na po nilang violation since the arbitral ruling was given to us 7 years ago.

Q: Senator, dahil ito ay isa lamang sa maraming options na inilathala dito sa Senate Resolution No. 718, tingin nyo ba ito ay makakaiwas din dun sa sinasabi ni Sen. Cayetano na kapag ito ay na-bring up sa UNGA ay baka maging pro-US sentiment ang tingin dito? Dahil ito ay isa lamang sa iba't ibang klaseng option?

SP ZUBIRI: Tama po iyon, Karmina. Alam mo, sa Resolution ko nga tinanggal ko whatever mention of United States. In the initial Resolution of Sen. Risa Hontiveros, there was mention of like-minded countries like the United States, Australia, Japan, and South Korea. Pinatanggal ko po iyon because I don't care what... I do not want this to be a geopolitical move. Hindi ito geopolitical move. Ayaw ko magkaroon ng political color na tayo ay bata-bata ng Amerika kaya nagagalit yung Tsina. Wala po iyan, gusto ko po tanggalin sa equation yan. Of course, meron po tayong Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos. Ako po ay nagpapasalamat na kung magkagulo man, tumulong sila sa atin, malaking bagay, malaking tulong po sa atin iyon. Ang punto ko lang is, this is an issue of sovereignty. Binanggit ko nga ito sa isang forum, sa isang media interview. Imagine kung yung barko ng Tsina nasa 80 nautical miles ng from Hawaii, United States. Sa tingin ko magpapalabas ng 7th Fleet ng napakaraming barko. Lagay mo nang 80 nautical miles from the Russian coastline, pati yung Russia magre-react sila. They will not agree to it. And even, as a matter of fact, yung BRICS, diba sa BRICS, yan po yung iba-ibang bansa katulad ng India, Brazil, Russia - isang grupo sila. But India already has come out in support against the Nine Dash Line. Lumabas na po sila na kinokontra nila at ayaw nilang... ang sinasabi po nila mag-ingat ang China sa pagpu-push-through nitong Nine Dash Line dahil hindi po tama na ganoong kalaki ang sasakupin nila sa South China Sea and West Philippine Sea. Ang sinasabi ko nga: Halimbawa, kung ito [points to a ballpoint pen] po yung Palawan, 80 nautical miles is here [point to an approximate inch from the ballpoint pen] from Northern Palawan and their closest, nandito po sila last week three weeks ago - almost a hundred ships. Now, the closest to China ng lugar na ito is 600 nautical miles to Hainan province. Yan po yung isla sa ilalim ng China. Ganoon kalayo sila sa atin kaya nagtataka ako. No rhyme, no reason, illogical po ang conclusion na kanilang teritoryo ito. Kaya ang payo ko sa kanila, "Lumayas na kayo, sa Pilipinas ito."

Q: Nagrereklamo na daw yung mga taga US Embassy na yung reclamation project na nasa likod mismo ng US Embassy tatama. Alam naman natin na ang isa kumpanyang nagmamay-ari ay blacklisted in partnership with the ama ni Sen. Gatchalian? Titignan ba ito ng Senado?

SP ZUBIRI: Well hindi ko pa nakakausap si Sen. Sherwin Gatchalian ukol dito pero napakinggan ko kagabi sa inyong programa sa ABS-CBN sa TV Patrol, binanggit po ni (DENR) Secretary Yulo that they will take a look into this situation. Sabi nga niya, this is before her time bilang Secretary. Ang kagandahan po ni Sec. Yulo ay isa po siyang scientist. Dati po siyang nagtatrabaho sa isang NGO, which ang trabaho po ng NGO ay tignan yung fault lines dito sa bansa. Not only fault lines but pati yung pagbabaha sa low-lying areas. So, nakakaintindi po siya unlike yung former (DENR) secretary who is a general. Secretary Yulo is a true-blooded environmentalist. Gusto kong hintayin ang kanyang imbestigasyon. Ang kanyang ginagawang..of course ano.. studies. Alam mo, kapag sinara mo yung buong Manila Bay at wala na pong nakakalabas na tubig, saan po maiiwan ang tubig dito?

Q: Are you talking about the ecological impact? You haven't talked about the security aspect sa US Embassy.

SP ZUBIRI: The US Embassy can formally write to the DENR. Sana noong nagkaroon ng stakeholders' meeting, kasi may mga ECs yan eh. Hindi naman po lalabas yung Environmental Compliance Certificates kung wala pong public hearings. They (DENR) should really release their findings. I think now, what they (DENR) can do is pwede nilang sulatan ang US Embassy. Pero dumaan na proseso niyan. Personally, I'm not in favor because ang mangyayari diyan is mababaha nanaman ang Metro Manila. Nakikita na po natin ngayon. Bahang-baha ang Bulacan. Bahang-baha ang Cavite. Bahang-baha ang iba't-ibang lugar. So maybe, it is necessary to make an impact study on. A real to goodness impact study on all these developments.

Q: Pero isipin niyo Senator, yung nagnakaw sa isla natin sila pa yung nandyan. Kanina lang sinabi mo sila ay nasa Palawan. Yun pala nandyan lang sila sa Manila Bay...

SP ZUBIRI: Opinion ko lang ito Karmina ha. Opinion ko lang. Di ko naman sinasabi na posisyon ng Senado ito. Opinion ko lang... lumayas kayo...

Q: (laughter)

SP ZUBIRI: Layas... Alam mo delikado yan. May security implications. Of course, it is true. Ako, mangingibabaw ako sa best interest ng ating bansa. It is a security risk and I'll go back to my previous statement. Layas.

News Latest News Feed