Press Release August 7, 2023
Committee on Health and Demography joint with Local Government; Ways and Means; and Finance
Agenda:
Magandang umaga po sa inyong lahat! Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ang ating mga Barangay Health Workers o BHWs ang isa sa naging katuwang ng national at local government para mapigilan ang pagkalat ng virus. Kasama sila sa tinatawag natin ngayong "frontliners". Kahit mukhang tapos na ang delubyo ng COVID-19 virus, nanatili pa ring frontliners ang BHWs. Sila pa rin ang inaasahan sa ating mga community para siguraduhin na maibigay ang barangay immunizations, naisasagawa ang deworming, napamimigay ang mga gamot at vitamins, namo-monitor ang mga buntis at sanggol, pati na rin ang pagkuha ng blood pressure. Sa mga malalayong lugar, sila rin ang nagsisilbing first responder sa tuwing may problemang pangkalusugan ang mga mamamayan. Kasama ng mga barangay tanod, nakatulong din natin ang ating BHWs para masugpo ang paglaganap ng iligal na droga at mapanatiling drug-free ang ating mga komunidad. Sa kasamaang palad, marami sa ating BHWs ang naiipit sa away politika. Sa tuwing napapalitan si kapitan, pinapalitan din ang ating BHWs. Nasasayang ang training at expertise nila. Nababalewala ang kanilang naging serbisyo sa komunidad. Naaapektuhan ang delivery of health services sa ating mga barangay. Kaya naman po ako ay nagagalak sa araw na ito. Sa pangunguna ng ating Chairperson, Senator JV Ejercito, ating diringgin hindi lamang [ang] mga panukala na makapagbibigay ng mas mataas na benefits at incentives para sa ating BHWs, kundi kung paano rin natin mabibigyan ng job security ang ating mga magigiting na BHW. Tayo po ay magtulungan upang mas mapaganda pa ang mga panukalang inihain para sa kapakanan ng ating BHWs. Maraming salamat po. |
Friday, April 25
Thursday, April 24
|