Press Release
August 7, 2023

Robin to Basilan Youths: Plant Seeds of Goodness In Order to Succeed

Plant the seeds of goodness in order to succeed. This was the advice of Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla to the youths of Basilan province after he took part in the Taguima Youth Congress there on Sunday.

In his speech at the Basilan National High School, Padilla stressed this is the key to success, aside from the youth congress' focus on the environment, education, health, active citizenship, and peace-and-security.

"Tayo naman sa Islam, sa Kristyanismo, kahit anong religion ang pinakamahalaga sa lahat ang laman ng puso mo at ang laman ng puso mo yan ang uusbong. Pag usbong niyan, lahat ng swerte ay lalapit sa inyo. Success sa pag-aaral mo, trabaho mo, pera, susunod lahat yan (Whether we are Muslims, Christians or belong to other religious groups, the most important thing is to have a good heart. The actions from the goodness of our hearts will attract good luck and success, whether it be in our studies, work or finance)," he said.

"Hindi ka susuwertehin kahit anong galing mo, kahit anong sabihin mo na nag-aral ka sa ganito, ikaw ang pinakamagaling, pero hangga't meron kang katabi na inapi mo o talagang hindi mo tinrato nang maganda, hindi ka susuwertehin. Dahil dito sa mundong ito, maniwala kayo sa hindi, kailangan good karma. Kailangan ang ginagawa mong kabutihan ay babalik sa iyo yan at ginagawa mong pangit babalik sa iyo yan (Good luck will not come to you even if you're the brightest or most well-schooled, so long as you continue to mistreat others. Believe it or not, our world needs good karma. The good or bad that you do will come back to you)," he added.

He cited as an example his nephew Daniel Padilla, who he said is now successful in his career because he treats everyone well, especially his parents and relatives.

"Kaya sa inyong edad, tandaan ninyo, ngayon pa lang umpisahan nyo na magtanim ng maganda. Ke kaibigan ninyo, pamilya ninyo, kapatid ninyo, kamaganak ninyo, laging magtatanim kayo ng kabutihan sa kanila (So in your young age, remember to start planting the seeds of goodness now - whether it be with friends or family)," said Padilla.

Padilla likewise threw his full support behind the youth congress' focus on the environment, education, health, active citizenship, and peace-and-security.

He particularly voiced 100-percent support for peace and security, which he credited for the rapid progress in Basilan. He noted Basilan progressed after armed groups there were neutralized.

Also, Padilla thanked Rep. Mujiv Hataman and his son, Board Member Ahmed Djaliv "Amin" Hataman, for inviting him to the event.


Robin sa Kabataan ng Basilan: Magtanim ng Kabutihan para Magtagumpay

Magtanim ng kabutihan para magtagumpay. Ito ang payo ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa mga kabataan ng Basilan matapos siyang dumalo sa Taguima Youth Congress doon nitong Linggo.

Sa kanyang talumpati sa Basilan National High School, iginiit ni Padilla na ito ang susi sa tagumpay, bukod sa apat na kumite sa youth congress na tumutok sa kapaligiran, edukasyon, kalusugan, active citizenship, at peace-and-security.

"Tayo naman sa Islam, sa Kristyanismo, kahit anong religion ang pinakamahalaga sa lahat ang laman ng puso mo at ang laman ng puso mo yan ang uusbong. Pag usbong niyan, lahat ng swerte ay lalapit sa inyo. Success sa pag-aaral mo, trabaho mo, pera, susunod lahat yan," aniya.

"Hindi ka susuwertehin kahit anong galing mo, kahit anong sabihin mo na nag-aral ka sa ganito, ikaw ang pinakamagaling, pero hangga't meron kang katabi na inapi mo o talagang hindi mo tinrato nang maganda, hindi ka susuwertehin. Dahil dito sa mundong ito, maniwala kayo sa hindi, kailangan good karma. Kailangan ang ginagawa mong kabutihan ay babalik sa iyo yan at ginagawa mong pangit babalik sa iyo yan," dagdag nito.

Ginawa niyang halimbawa ang pamangkin niyang si Daniel Padilla, na aniya'y naging matagumpay sa kanyang career, dahil mabuti ang kanyang asal lalo na sa kanyang magulang at kamag-anak.

"Kaya sa inyong edad, tandaan ninyo, ngayon pa lang umpisahan nyo na magtanim ng maganda. Ke kaibigan ninyo, pamilya ninyo, kapatid ninyo, kamaganak ninyo, laging magtatanim kayo ng kabutihan sa kanila," ani Padilla.

Nagpahayag din ng suporta si Padilla sa pagtutok ng youth congress sa kapaligiran, edukasyon, kalusugan, active citizenship, at peace-and-security.

Aniya, 100 porsyento ang kanyang suporta sa kapayapaan at seguridad dahil nag-umpisa ang pag-unlad ng Basilan matapos mawala ang mga armadong grupo.

Nagpasalamat din si Padilla sa pag-imbita sa kanya ni Rep. Mujiv Hataman at ang kanyang anak na si Board Member Ahmed Djaliv "Amin" Hataman.

*****

Video: https://www.facebook.com/ROBINPADILLA.OFFICIAL/videos/1042040400116370

News Latest News Feed