Press Release
August 9, 2023

STATEMENT OF SEN. WIN GATCHALIAN ON ESTATE TAX AMNESTY EXTENSION BILL LAPSING INTO LAW

With the extension of the estate tax amnesty program lapsing into law, heirs are granted another opportunity to benefit from tax relief. This comes with a simplified application process and an option to pay on an installment basis. The implementation of this measure is projected to benefit 153,518 potential availers and generate additional income of P6.15 billion for the government.

Inaasahan nating mas marami pa ang makikinabang sa pagbabayad ng estate tax sa ilalim ng batas na ito lalo na ang iba sa ating mga kababayan na may mga limitasyong pampinansyal. Bukod dito, inaasahang makakatulong din ang batas upang masuportahan ang mga malalaking proyekto ng pamahalaan na magpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, patuloy nating susuportahan ang mga panukalang batas na magpapalakas ng aspetong administratibo sa pagbabayad ng buwis upang mapataas ang kita ng gobyerno nang hindi nagpapataw ng panibagong buwis.

News Latest News Feed