Press Release
August 12, 2023

Gatchalian underscores need for effective flood control; distributes aid to typhoon victims in Luzon

Senator Win Gatchalian underscores the need for the government to undertake an effective flood control program that would shield communities from the damaging impact of climate change.

"Due to the adverse impact of climate change on our communities, the government needs to provide adequate flood control structures that would provide vulnerable areas with ample protection from the devastating impact of floods," says Gatchalian, who is visiting Pangasinan, Bataan, Pampanga, and Bulacan today to check on the devastation of the recent typhoons and to distribute P8.5 million worth of rice to typhoon victims in affected areas in Luzon.

Several towns and municipalities across Pangasinan, Bataan, Pampanga, and Bulacan have been declared under a state of calamity in the wake of typhoons Egay and Falcon.

Specifically, P5.2 million worth of rice is distributed in Malolos, Calumpit, Hagonoy, Balagtas, Paombong, Obando, San Miguel, Guiguinto, Pandi, and Plaridel in Bulacan where the senator is joined by Bulacan Governor Daniel Fernando. In Pangasinan, P1.25 million worth of rice is distributed where Gatchalian is joined by Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla, and Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplam. Also, Gatchalian is distributing P1 million worth of rice each for Bataan and Pampanga to be received by Bataan Governor Joet Garcia and Pampanga Governor Delta Pineda. The assistance is provided by the local government of Valenzuela.

"Ang pagsasaayos ng flood control ay napakahalagang hakbang lalo na sa bansang tulad natin na madalas tamaan ng bagyo at madalas bahain. Dahil sa epekto ng climate change, magiging balakid ang ganitong mga pagbaha sa pag-unlad ng bansa kung hindi ito agarang masosolusyunan," he emphasizes.

Gatchalian's call coincides with the President's pronouncement that the national government has a master plan to swiftly address climate change, including the construction of a big water dam for flood prevention and agricultural enhancement.


Gatchalian binigyang-diin ang epektibong pagkontrol sa baha; namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Luzon

Binibigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na mahalaga ang pagkakaroon ng epektibong programa sa pagkontrol ng baha. Aniya, isa ito sa mga nakapipinsalang epekto ng climate change.

"Dahil sa masamang epekto ng climate change sa ating mga komunidad, kailangan ng pamahalaan na magtayo ng sapat na mga imprastraktura na magbibigay ng sapat na proteksyon sa mga lugar na madalas bahain at nagdudulot ng pagkasira ng mga bahay, pananim, at iba ang mga ari-arian," sabi ni Gatchalian, na umiikot ngayon sa Pangasinan, Bataan, Pampanga, at Bulacan para suriin ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo, kamustahin ang kalagayan ng mga apektadong pamilya, at mamahagi ng humigit kumulang P8.5 milyong halaga ng bigas sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.

Ilang bayan at munisipalidad sa buong Pangasinan, Bataan, Pampanga, at Bulacan ang idineklarang nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng hagupit ng mga bagyong Egay at Falcon.

Sa Bulacan, nakalaan ang P5.2 milyong halaga ng bigas para sa mga apektadong komunidad sa Malolos, Calumpit, Hagonoy, Balagtas, Paombong, Obando, San Miguel, Guiguinto, Pandi, at Plaridel. Pamumunuan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagtanggap ng ayuda galing sa senador. Sa Pangasinan naman, pamumunuan nina Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla, at Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplam ang pagtanggap ng P1.25 milyong halaga ng bigas para sa mga apektadong pamilya. Aalamin din ng senador ang kalagayan sa Pampanga at Bataan at pupulungin din niya sina Bataan Governor Joet Garcia at Pampanga Governor Delta Pineda. Tig isang milyong pisong halaga ng bigas ang para naman sa Bataan at Pampanga. Ang higit walong milyong pisong halaga ng bigas ay mula sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela.

"Ang pagsasaayos ng flood control ay napakahalagang hakbang lalo na sa bansang tulad natin na madalas tamaan ng bagyo at madalas bahain. Dahil sa epekto ng climate change, magiging balakid ang ganitong mga pagbaha sa pag-unlad ng bansa kung hindi ito agarang masosolusyunan," diin niya.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasabay ng pahayag ng Pangulo na mayroon nang master plan ang kanyang administrasyon upang mabilis na matugunan ang climate change, kabilang ang pagtatayo ng isang malaking water dam para maiwasan ang pagbaha at ayusin ang agrikultura.

News Latest News Feed