Press Release
August 18, 2023

Hundreds of Batangueños benefit from Cayetano-DSWD partnership

Filomena Sarmiento, a dialysis patient, lives on her own. Because all of her children already have a family of their own, she is left to look after herself, using a wheelchair to get around on her own.

"May mga anak ako pero may mga pamilya na rin sila, hindi na ako pwedeng umasa. Kung magkano lang ang ibigay nila sa akin, tinatanggap ko," Sarmiento said.

With tears, she told of how faith and prayer enable her to survive each day.

"Araw-araw kong panalangin na sana may gamitin si Lord na instrumento para makatulong sa akin at masuportahan kahit papaano ang pang-dialysis at medicine," she said.

Sarmiento is one of the more than 600 Filipinos in crisis in Batangas who were able to receive financial aid this week from Senators Alan Peter and Pia Cayetano under the Department of Social Welfare and Development's (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

The recipients, who came from various municipalities and cities in Batangas, were in need of assistance for their medical, burial, and food expenses.

The disbursement of assistance was conducted in coordination with Batangas 2nd District Board Member Wilson Rivera and former Batangas 2nd District Representative Raneo Abu.

Like Sarmiento, Marites Villanueva also expressed gratitude for the assistance she and her family received.

"Malaking tulong itong naibigay sa amin kasi maibibili ko siya ng gamot na pang-maintenance ng aking asawa at ng bigas," she said.

Villanueva's husband had suffered a stroke that left half of his body weak. Despite this, he continues to provide for their family as a tricycle driver.

"Kahit maraming pagsubok, nagpapasalamat ako sa araw-araw na blessing na ibinibigay ng Diyos sa amin. Hanggang ngayon, naka-survive pa rin kami," Villanueva said as she thanked the sibling senators for their assistance.

The two Cayetanos have been partnering up with the DSWD and local government units across the country to extend help to needy Filipinos and vulnerable sectors.


Daan-daang Batangueño natulungan ng pinagsanib-pwersang inisyatiba ng magkapatid na Cayetano, DSWD

Mag-isa na lamang sa buhay ang dialysis patient na si Filomena Sarmiento. Dahil may kani-kaniya nang pamilya ang kanyang mga anak, mag-isa niyang iniraraos ang kaniyang gamutan sakay-sakay ng isang wheelchair.

"May mga anak ako pero may mga pamilya na rin sila, hindi na ako pwedeng umasa. Kung magkano lang ang ibigay nila sa akin, tinatanggap ko," aniya.

Maluha-luha niyang ikinuwento kung paano nakatulong ang pananampalataya at panalangin para malampasan niya ang bawat araw.

"Araw-araw kong panalangin na sana ay gamitin si Lord na instrumento para makatulong sa akin at masuportahan kahit papaano ang pang-dialysis at medicine," aniya.

Si Sarmiento ay isa sa mahigit 600 Batangueño na nakatanggap ng tulong pinansyal ngayong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga benepisyaryo, na nagmula sa iba't ibang munisipalidad at lungsod sa Batangas, ay nangangailangan ng tulong para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot, pagpapaburol sa yumaong kapamilya, at mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa pakikipag-ugnayan kina Batangas 2nd District Board Member Wilson Rivera at dating Batangas 2nd District Representative Raneo Abu.

Tulad ni Sarmiento, nagpahayag din ng pasasalamat si Marites Villanueva sa tulong na natanggap niya at ng kanyang pamilya.

"Malaking tulong itong naibigay sa amin kasi maibibili ko siya ng gamot na pang-maintenance ng aking asawa at ng bigas," aniya.

Ang asawa ni Villanueva ay na-stroke na naging dahilan upang manghina ang kalahati ng kanyang katawan. Sa kabila nito, namamasada pa rin siya ng tricycle upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

"Kahit maraming pagsubok, nagpapasalamat ako sa araw-araw na pagpapala na ibinibigay ng Diyos sa amin. Hanggang ngayon, naka-survive pa rin kami," ani Villanueva kasabay ng kanyang pasasalamat sa magkapatid na senador.

Ang isinagawang programa ay bahagi ng tuloy-tuloy na misyon ng dalawang Cayetano na hatiran ng tulong ang mga pinakanangangailangang Pilipino at mga sektor sa iba't ibang panig ng bansa, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

News Latest News Feed