Press Release August 22, 2023
Opening Statement of Senator Risa Hontiveros during the Senate Committee on Public Order hearing on the killing of Jemboy Baltazar
Magandang umaga po sa lahat, lalo na sa mga kamag-anak at kaibigan ni Jemboy na nakikinig sa atin. Taus-puso pong pakikiramay sa inyo. Napakalaki po ng pagitan sa batas at sa pagiging alagad ng batas. The law. And being servants of the law. Nakakalungkot na ngayong hapon kailangan pa nating harapin na hindi alam ng ilan sa mga kapulisan ang pagkakaiba. Si Jemboy, na nananahimik at naghahanda ng pang-hanapbuhay, itinuring na agad na kahina-hinala at pinaulanan ng bala. Six versus one, according to reports. Aba, anong akala niyo sa mga mamamayan? Pang-target practice? Nakalimutan niyo na agad lahat ng training nyo sa de-escalation tactics? At wala man lang bang nakapagsabi sa BUONG TEAM na maghinay-hinay? Mga sir, you are supposed to preserve life, NOT TAKE IT. Anong masyadong kahinahinala, suspicious, o threatening sa pag-aayos at paglilinis ng bangka, na kinailangang mga miyembro pa ng SWAT at Intelligence Service ang reresponde sa isang dise-syete anyos na wala namang kadala-dalang armas? At pagkatapos niyong pagbabarilin, iniwan niyo ang katawan ng biktima, na labag sa mga alituntunin ng PNP. Kaninong desisyon na iwan at i-abandona ang katawan ni Jemboy? Sinabihan po ang isang witness ng isang armado na nagpakilalang pulis na, and I quote, "Sabihin na may droga si Jemboy." Amin itong kinumpirma sa abugado niya. Before this Committee, before our Chair, before the leadership of the PNP na nandidito, hinihingi ko po sa ating kapulisan na tiyakin ang kaligtasan ng witness na ito. At kung may - huwag naman sana - nangyari kay sa kaniya at sa sinumang miyembro ng kanyang pamilya ay kayo po, ang ating mga alagad ng batas, sa pamamagitan sa ngayong hapon ni Police Lieutenant General Sermonia, kayo po ang pananagutin ko. At hindi pa natatapos dyan ang kalbaryo ng pamilya ni Jemboy. Ilang araw matapos nilang mamatayan ng anak, reckless imprudence resulting in homicide ang naging kaso ng mga sangkot. Parang ang lumalabas, aksidente lang ang nangyari, na walang intensyong pumatay nang pinaulanan nila ng bala ang bata. I want to know the reasoning behind filing such a case. Yang lahat-lahat na yan, yan na ba ang sinasabing new era of policing? Let me reiterate the statement of Caloocan Bishop Pablo Virgilio David: "Hindi kayo inatasan, binihisan ng uniporme, inarmasan at binabayaran mula sa buwis ng bayan para pumatay." Kaya nga may guidelines ang PNP, mula Intelligence Operational Plan, andyan ang PNP Manual, dapat may Incident Report, hanggang sa bawat bala na ipinutok niyo sa operation, everything should be accounted for. Sa kasamaang palad, nagtitipon tayo ngayong umaga dahil maraming hindi nasunod sa sistema. Ang sinumpaan po ninyo ay maayos at tapat na paglilingkod. Pero imbes na serve and protect, naging harm and oppress-- lalo na para kay Jemboy. At kay Kian de Los Santos. Para kay Kulot de Guzman. Kay Carl Arnaiz. Sa mga kababayan nating mahihirap. At sa libu-libo pang mga biktima ng mabibigat na kamay ng pulisya. Totoo, ibang kalbaryo pa ang pagiging mahirap, lalo na dito sa Pilipinas. But let us strive for a country where being poor does not paint a target on one's back. Salamat po. |
Friday, April 25
Thursday, April 24
|