Press Release
August 22, 2023

Robin to BuCor: Don't Punish Majority of Bilibid Inmates over Offenses of the 'Few'

Respect the rights of the New Bilibid Prison inmates and don't punish the majority who want to change for the better, just because of a few who engage in crime such as escaping and engaging in the drug trade. This was Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla's appeal to officials of the Bureau of Corrections (BuCor) following the recent escape of inmate Michael Catarroja.

But Padilla also chided the recently recaptured Catarroja for putting his fellow inmates in hot water, saying they stand to lose some of their privileges because of his escape.

"Michael, alam mo humingi ka ng paumanhin doon sa bureau pero ang ilang bilanggo ang magdudusa sa ginawa mo, alam mo ba yan? Mababawasan ng privilege diyan kasi ganyan diyan kung may gumawa ng kalokohan diyan, damay lahat yan. Pambihira, dapat nagisip ka rin (Michael, I know you apologized to the BuCor. But many inmates will suffer because of what you did. They will lose some privileges because of the acts of a few. You should have thought this over)," he said at the Senate hearing at the BuCor on Tuesday.

VIdeo: https://youtu.be/1hFe5WisdrQ

He urged the BuCor not to punish the other inmates, speaking as a "representative" not only of the Filipinos who elected him as senator, but also as someone who had stayed in Bilibid.

"Hindi po natin dapat i-put on trial ang lahat ng bilanggo dito. Ang dapat po natin ditong pagtuunan ng pansin ang mga bilanggong nagpapasok ng droga, yang mga tumatakas na yan, napakaliit lang po ng porsyento na yan (We should not put on trial all the inmates. We must focus on the few who bring in drugs and those who escape)," he said.

Padilla said investigators should focus on the details of Catarroja's escape so they can make sure this does not happen again.

Likewise, Padilla sought to dispel what he called the "myth" that some inmates are allowed to escape from Bilibid to commit crimes such as robbery or murder.

"Kaya sana po maliwanagan po nating lahat kung ano ang myth, kung ano ang katotohanan sa kwentong kutsero, kung ano ang pampelikula lang at kung ano ang katotohanan (I hope we can separate myth from truth)," he said.


Robin sa BuCor: Huwag Idamay ang Mayorya ng Preso sa 'Kalokohan' ni Catarroja

Respetuhin ang karapatan at huwag idamay ang mayorya ng presong nais magbagong buhay sa iilan na sangkot sa iligal na gawain tulad ng pagtakas at pagpasok ng droga. Ito ang hiling ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa gitna ng kontrobersyang pagtakas ng bilanggong si Michael Catarroja kamakailan.

Nguni't pinagsabihan din ni Padilla si Catarroja dahil maraming madadamay na bilanggo na mababawasan ng pribilehyo tulad ng pagdalaw, dahil sa kanyang pagtakas.

"Michael, alam mo humingi ka ng paumanhin doon sa bureau pero ang ilang bilanggo ang magdudusa sa ginawa mo, alam mo ba yan? Mababawasan ng privilege diyan kasi ganyan diyan kung may gumawa ng kalokohan diyan, damay lahat yan. Pambihira, dapat nagisip ka rin," aniya sa pagdinig ng Senado sa BuCor nitong Martes.

VIdeo: https://youtu.be/1hFe5WisdrQ

Sa mga taga-BuCor naman, nakiusap si Padilla na huwag idamay ang ibang preso bilang kinatawan hindi lang ng mga Pilipinong bumoto sa kanya, kundi ng mga bilanggo dahil napiit na rin siya noon sa Bilibid.

"Hindi po patas, hindi po parehas kung yung ilang libong bilanggo ay magbabayad sa katarantaduhan lang ng isa o dalawa o tatlong bilanggo. Hindi po fair yan. Dahil noon pong ako ay napiit dito, hindi naman po lahat na bilanggo ay siraulo pa rin. Marami pa rin po ang gustong magbago. Kaya sana po, ito pong ginagawa nating pagdinig, hindi po natin inilalagay sa peligro o sa paghihirap o torture ang ibang bilanggo," aniya.

Aniya, hindi pwedeng "basta isantabi sapagka't ilang libo pong bilanggo ang naapektuhan dahil sa kalokohan ng isang tao, o dalawa o tatlong bilanggo."

"Hindi po natin dapat i-put on trial ang lahat ng bilanggo dito. Ang dapat po natin ditong pagtuunan ng pansin ang mga bilanggong nagpapasok ng droga, yang mga tumatakas na yan, napakaliit lang po ng porsyento na yan," aniya.

Hiling ni Padilla, imbestigahan nang tama ang pagtakas ni Catarroja para huwag nang pamarisan ito, at kung ano ang pwedeng gawin ng mga gwardiya para hindi ito maulit.

Nais din niya na mabura ang "myth" na may pinatatakas sa Bilibid at pinatatrabaho sa labas at gumawa ng krimen tulad ng panghoholdap at pagpatay ng tao.

"Kaya sana po maliwanagan po nating lahat kung ano ang myth, kung ano ang katotohanan sa kwentong kutsero, kung ano ang pampelikula lang at kung ano ang katotohanan," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=ve294SxlUrI

News Latest News Feed