Press Release
August 23, 2023

Robin: Better Living Conditions, Separating 'Hardcore Criminals' Among Urgent Reforms Needed at Bilibid

Better cells and living conditions, and separating the hardcore "crime lords" from the "general population" of the New Bilibid Prison.

These are among the urgent reforms that authorities must implement to prevent a repeat of attempts by Persons Deprived of Liberty (PDLs) to escape or engage in illegal activities, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said.

"Una, diyan kako ang magandang kalulugaran nila. Meron silang magandang selda, may oras para magpahangin. At higit sa lahat di sila overpopulated... Kaya po sana, maintindihan ng ating mga mambabatas na katulad ko na kailangan natin ayusin ang prison system natin (First, the living conditions of PDLs must improve - better cells and time to go out for fresh air. They must not be overpopulated... Lawmakers such as myself should understand the need to fix our prison system)," Padilla said in an interview on SMNI on Wednesday, a day after the Senate conducted a hearing at the New Bilibid Prison.

"Ang dapat pagtuunan ng pansin, huwag isama ang hardcore criminal sa petty criminal. Matagal kong advocacy yan. Hindi ko maintindihan bakit ang drug pusher na yan, mga drug lord na yan, di ko maintindihan bakit sinasama sa NBP, dapat iba ang kanilang kulungan, isolated, walang contact (Do not mix hardcore criminals with petty criminals. This has been my advocacy. I cannot understand why drug pushers are allowed to mix when they should be in isolated cells, with no contact)," he added. "Dapat may sariling kulungan sa maximum na walang kahalong ibang kaso (Hardcore criminals must have their own cells, and must not mingle with those with petty cases)."

Padilla noted inmates may go insane due to lack of sleep if the prisons are overcrowded. He said this is behind his advocacy to regionalize the NBP, so loved ones of inmates can have an easier time visiting them

"Noong ako ay nakakulong diyan, kalahati (ng bilanggo ay) nakatulog, kalahati ang nakaupo. Una ang matatanda at maysakit. Pagbukas ng selda, ang matutulog naman ang hindi natulog. Sa loob ng CR may natulog. Yan ang No. 1 torture diyan. Pag di nakakatulog parang may tawag sa torture na yan, sleep deprivation. Yan kailangan maayos ang kanilang kulungan (When I was an inmate, half of inmates had to stand while the other half slept. They could sleep only when the others are briefly let out. There were inmates sleeping in the restrooms. That is the top torture - sleep deprivation. This must be addressed)," he said.

Also, he said hardcore criminals such as drug lords should be kept in "isolated" areas so they could not recruit other inmates into their "armies." "Ang mga yan nabubuhay sa contact. Ilalagay mo yan sa Bilibid, pwede nilang gawing army (These criminals live on contacts. Place them in Bilibid and they turn other inmates into their armies)," he said.

Meanwhile, Padilla said he still could not believe some details of Michael Catarroja's escape from NBP last July. He said that while he will wait for the report of the BuCor and the Senate Committee on Justice and Human Rights, he said Catarroja's movie-like escape was "pambihira (unbelievable)."

"Ayokong pangunahan ang imbestigasyon, pero sa akin lang, hanggang sa oras na ito, isang mahiwagang pangyayari ang pagtakas ni Catarroja. Ako hanggang sa oras na ito di makapaniwala (I don't want to preempt the investigation. But up to now, I can't believe how he escaped)," he said.


Robin: Mas Maayos na Selda, Paghiwalay ng 'Hardcore Criminals,' Dapat Unahing Reporma sa Bilibid

Mas maayos na selda, oras na magpahangin, at paghiwalay ng mga hardcore na "crime lord" sa "general population" ng mga bilanggo.

Ilan ito sa mga repormang kailangang unahin para hindi maulit ang pagtangka ng persons deprived of liberty (PDL) na tumakas o gumawa ng ibang kalokohan, ani Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla.

"Una, diyan kako ang magandang kalulugaran nila. Meron silang magandang selda, may oras para magpahangin. At higit sa lahat di sila overpopulated... Kaya po sana, maintindihan ng ating mga mambabatas na katulad ko na kailangan natin ayusin ang prison system natin," ani Padilla sa panayam sa SMNI nitong Miyerkules, isang araw matapos magsagawa ng pagdinig ang Senado sa New Bilibid Prison.

"Ang dapat pagtuunan ng pansin, huwag isama ang hardcore criminal sa petty criminal. Matagal kong advocacy yan. Hindi ko maintindihan bakit ang drug pusher na yan, mga drug lord na yan, di ko maintindihan bakit sinasama sa NBP, dapat iba ang kanilang kulungan, isolated, walang contact," dagdag niya. "Dapat may sariling kulungan sa maximum na walang kahalong ibang kaso."

Iginiit ni Padilla na mabuburyong ang mga bilanggo kung kulang ang tulog nila dahil sobrang siksik sila sa maliit na espasyo. Aniya, ito ang dahilan ng adbokasiya niyang gawing regionalized ang NBP, para mas madali ang pagdalaw sa kanila ng mga mahal sa buhay.

"Noong ako ay nakakulong diyan, kalahati (ng bilanggo ay) nakatulog, kalahati ang nakaupo. Una ang matatanda at maysakit. Pagbukas ng selda, ang matutulog naman ang hindi natulog. Sa loob ng CR may natulog. Yan ang No. 1 torture diyan. Pag di nakakatulog parang may tawag sa torture na yan, sleep deprivation. Yan kailangan maayos ang kanilang kulungan," ayon kay Padilla.

Dagdag niya, ang mga hardcore criminal tulad ng drug lord ay dapat ikulong sa "isolated" area para hindi nila gawing alipores ang mga bilanggong may "petty" cases. "Ang mga yan nabubuhay sa contact. Ilalagay mo yan sa Bilibid, pwede nilang gawing army," aniya.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Padilla ilang detalye ng salaysay ni Michael Catarroja kung paano siya tumakas sa NBP noong Hulyo. Bagama't hihintayin niya ang ulat ng BuCor at ng Senate Committee on Justice and Human Rights, "pambihira" ang mala-pelikulang pagtakas ni Catarroja

"Ayokong pangunahan ang imbestigasyon, pero sa akin lang, hanggang sa oras na ito, isang mahiwagang pangyayari ang pagtakas ni Catarroja. Ako hanggang sa oras na ito di makapaniwala," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=gQbB7pvDeFc

News Latest News Feed