Press Release
August 25, 2023

Robin Prepared to Level Up Efforts to Pursue Federalism

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla is more than ready to level up his efforts to pursue federalism, especially after no less than President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. expressed support for it.

Padilla said one way to do this is to discuss proposals to amend the 1987 Constitution to ensure the power to provide services truly goes to the local government units.

"Matagal ko nang isinusulong ang pederalismo, kung kaya't isang malaking inspirasyon ang pahayag ng ating Pangulo tungkol dito. Handa akong gawin ang lahat para makamtan ito (I have long pursued federalism, so the President's statement is a big inspiration for me. I am prepared to do what it takes to achieve this)," said Padilla, chairman of the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

On Thursday, the President said the government has taken the first step toward federalism by distributing power to the local government units.

Padilla said he agrees with the President that power should not be concentrated in "Imperial Manila."

In July 2022, Padilla filed Senate Resolution 6 where he stressed it is high time to fine-tune the 1987 Constitution - including considering a shift to federalism and a parliamentary government - so it can fulfill its goal of providing Filipinos with a just and humane society.

Padilla lamented that the country's economic growth has been "largely centralized" in Metro Manila and its neighboring regions such as Central Luzon and Calabarzon, which accounted for 57 percent of Gross Domestic Product - compared to 43 percent in the other 14 regions - from 2019 to 2021.

He said it is time to study federalism to undertake policy-making and legislative functions "reflective of the concerns of our various geographical regions."

Also, he said a shift to a parliamentary system may provide political stability that would prevent an unconstitutional or divisive way of removing a head of government such as a coup or "mob rule."


Robin, Handang Mag-Level Up sa Pagsulong sa Pederalismo

Handang handa na si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na patindihin ang kanyang pagsulong sa pederalismo, matapos magpahayag muli ng suporta rito si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Ani Padilla, isa sa mga paraan para makamtan ito ay ang pagtalakay sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas para totohanang mapunta sa lokal na pamahalaan ang kapangyarihang magbigay ng serbisyo.

"Matagal ko nang isinusulong ang pederalismo, kung kaya't isang malaking inspirasyon ang pahayag ng ating Pangulo tungkol dito. Handa akong gawin ang lahat para makamtan ito," iginiit ni Padilla, na chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ipinahayag ng Pangulo nitong Huwebes na nagawa na ng gobyerno ang unang hakbang patungo sa pederalismo sa pamamagitan ng pamamahagi ng kapangyarihan sa lokal na pamahalaan.

Sang-ayon si Padilla sa pahayag ng Pangulo na hindi dapat sa "Imperial Manila" nakatutok ang kapangyarihan.

Noong Hulyo 2022, ihinain ni Padilla ang Senate Resolution 6, kung saan iginiit niyang panahon na para repasuhin ang ilang probisyon ating Saligang Batas - kasama na ang pagkaroon ng pederalismo at parliamentary government - para matupad ang layunin nitong bigyan ang Pilipino ng makatarungang lipunan.

Ikinalungkot ni Padilla na hindi pantay-pantay ang paglago ng ekonomiya, at nakasentro ito sa iilang rehiyon - 57 porsyento sa Metro Manila, Gitnang Luzon at Calabarzon; at 43 porsyento lang sa ibang rehiyon mula 2019 hanggang 2021.

Dagdag ng mambabatas, dapat ding pag-aralan ang pederalismo para mas maayos na matugunan ang alalahanin ng mamamayan sa iba't ibang rehiyon.

Iginiit ni Padilla na sa ilalim ng federal form of government, hindi na centralized ang kapangyarihan ng gobyerno - habang sa ilalim ng parliamentary system, magkakaroon ng mapayapang pagtanggal sa pinuno hindi tulad ng kudeta o "mob rule."

News Latest News Feed