Press Release
August 25, 2023

Robin Hopes 2025 Elections Hold Key to Needed Reforms in Running Government

The 2025 elections hold the key to much-needed reforms in governance, where lawmakers to be elected will support needed amendments to the Constitution to allow the entry of foreign investments as well as the more efficient operation of the government.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Thursday at the 29th anniversary of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) in Mandaluyong City.

"Sana sa 2025 magkaroon kayo ng intensyon na bumoto ng mga kandidatong hindi naman kilala pero naniniwala na kailangan nating baguhin ang porma ng gobyerno. Kailangan, isa na lang ang House para matipid sa gastos, mabilis ang mga batas, at sana pumayag na ang gobyerno na pumasok ang ating mga foreign investor (I hope that in 2025, Filipinos intend to vote for candidates who may not be famous but believe that the form of government must change. We need only one house in Congress to cut costs, pass laws more quickly, and allow the entry of foreign investors)," said Padilla, who has been seeking reforms in the provisions of the 1987 Constitution.

"Bakit kailangan natin ng foreign investor? Para hindi na mag-abroad ang Pilipino. Para ang foreign investor dadalhin dito para magkaroon kayo ng trabaho, yan ho ang kailangan natin (Why do we need foreign investors? So we need not go abroad to work. Foreign investors will bring jobs that we need)," he added.

According to Padilla, the Philippines needs to bring in foreign investors like what Vietnam, Singapore, and Malaysia have done. Otherwise, he said Cambodia may threaten to surpass the Philippines in terms of economic growth.

He also pointed out that the current system of government can serve taxpayers better if the two houses of Congress - the Senate and House of Representatives - become one.

Besides, he said this is in line with the wishes of President Bongbong Marcos to have rightsizing in government. "Ang rightsizing ibig sabihin maging mautak ang gobyerno na paliitin. Kailangan huwag tayo maging masyadong magastos, e ngayon ho masyado tayong magastos kasi may senador, may congressman pa kayo (Rightsizing means government has to be wise in making do with less. We must not spend too much taxpayers' money. Right now we are doing that because we have both senators and congressmen)," he said.

Padilla likewise pointed out he cannot advocate amendments to the Constitution on his own, and he needs allies who share his beliefs in improving the system of government.

In the meantime, Padilla urged the public to support the TESDA, which he said is doing its part to address poverty. He said TESDA programs provide jobs to Filipinos, including some 1.8 million TESDA scholars.

"Kaya sana yakapin nyo itong mga programang binibigay ng TESDA (We must embrace the programs offered by TESDA)," he said.


Robin, Umaasang Eleksyon sa 2025 ang Susi sa Reporma sa Sistema ng Gobyerno

Ang eleksyon sa 2025 ay susi sa kinakailangang pagbabago sa pamahalaan, kung saan ang mahahalal na mga mambabatas ay susuporta sa pag-amyenda sa Saligang Batas para pumasok ang dayuhang mamumuhunan at maging mas mabisa ang sistema ng gobyerno.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Huwebes sa ika-29 anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mandaluyong City.

"Sana sa 2025 magkaroon kayo ng intensyon na bumoto ng mga kandidatong hindi naman kilala pero naniniwala na kailangan nating baguhin ang porma ng gobyerno. Kailangan, isa na lang ang House para matipid sa gastos, mabilis ang mga batas, at sana pumayag na ang gobyerno na pumasok ang ating mga foreign investor," ani Padilla, na sumusulong sa pag-amyenda ng ilang probisyon sa ating Saligang Batas.

"Bakit kailangan natin ng foreign investor? Para hindi na mag-abroad ang Pilipino. Para ang foreign investor dadalhin dito para magkaroon kayo ng trabaho, yan ho ang kailangan natin," dagdag ng mambabatas.

Paliwanag ni Padilla, kailangan na ng Pilipinas papasukin ang foreign investor tulad ng ginagawa ng Vietnam, Singapore, at Malaysia. Kung hindi, aniya, baka malampasan pa tayo ng Cambodia.

Ayon din kay Padilla, sa kasalukuyang sistema ng gobyerno, dalawa ang kapulungan ng Kongreso - ang Senado at Kamara. Aniya, maaari namang gawing isa ang kapulungan para makatipid ang taumbayan.

Sang-ayon din ito sa nais ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng rightsizing sa pamahalaan, dagdag niya. "Ang rightsizing ibig sabihin maging mautak ang gobyerno na paliitin. Kailangan huwag tayo maging masyadong magastos, e ngayon ho masyado tayong magastos kasi may senador, may congressman pa kayo," aniya.

Dagdag pa ni Padilla, hindi niya kayang mag-isang sumulong ng pagbabago sa Saligang Batas at kailangan niya ng mga mambabatas na naniniwalang kailangan nang baguhin ang sistema ng ating gobyerno.

Samantala, nanawagan si Padilla na suportahan ang TESDA dahil sa ngayon, ito ang ating panlaban sa kahirapan. Sa pamamagitan ng TESDA, aniya, magkakaroon ng trabaho ang mga graduate nito, kabilang ang 1.8 milyon TESDA scholars.

"Kaya sana yakapin nyo itong mga programang binibigay ng TESDA," aniya.

News Latest News Feed