Press Release August 27, 2023 Gatchalian to economic managers: Address illicit trade to increase revenue collection Senator Win Gatchalian urged the government to address illicit trade in order to generate higher revenue collection and provide some relief for its limited fiscal space. "The government needs to come up with a novel plan to address illicit trade," Gatchalian told the executive department's economic team during a recent Development Budget Coordination Committee briefing in the Senate on the 2024 national budget. In the case of the tobacco industry for instance, Euromonitor data provided by Philip Morris showed that cigarettes sold from illicit trade have been steadily increasing from 10.8% in 2018 to 16.7% in 2022. This figure is projected to further rise this year to 18.5% or equivalent to P30 billion. Gatchalian has earlier emphasized that instead of imposing new taxes, revenue-collecting agencies such as the Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Bureau of Customs (BOC) need to enhance tax administration efforts as the imposition of new taxes is only to the disadvantage of taxpayers who fulfill their obligation to the government. "When we increase taxes, we are penalizing those who are paying taxes. We have to address illicit trade or it will be very hard to justify new taxes because some people are making P30 billion a year from illicit trade," Gatchalian said. "If you raise taxes, it becomes very attractive for illicit traders to go into this type of business because the reward is very high. How are we addressing illicit trade? What type of enforcement are we doing to curb illicit trade in the different products that we have imposed taxes on?" he asked the economic team. Gatchalian emphasized that while he fully supports the goal of increasing revenue collection, the government must adopt mechanisms that would minimize, if not eradicate, illicit trade. He suggested revenue collecting agencies should tap the support of various local government units (LGUS) in undertaking a campaign against illicit trade. "Why don't we ask for the help of LGUs? They know each and every bodega in their localities. We can put in place a reward system if they find a bodega being used for illicit trade," he added. Tugunan ang bawal na pangangalakal para sa dagdag na kita ng gobyerno -Gatchalian Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan na tugunan ang problema ng bawal na pangangalakal upang makakolekta ng mas maraming buwis ang gobyerno para madagdagan ang kita nito sa kabila ng mahigpit na pagba-budget. "Kailangan ng gobyerno na makabuo ng planong tutugon sa bawal na pangangalakal," sabi ni Gatchalian sa economic team ng executive department sa nakaraang briefing ng Development Budget Coordination Committee sa Senado ukol sa 2024 national budget. Sa kaso ng industriya ng tabako, halimbawa, ang Euromonitor data na galing sa Philip Morris ay nagpapakita na ang mga ibinentang sigarilyo mula sa illicit trade o ipinagbabawal na kalakalan ay tumaas mula 10.8% noong 2018 hanggang 16.7% noong 2022. Ang pigurang ito ay inaasahang tataas pa ngayong taon sa 18.5% o katumbas ng P30 bilyon. Nauna nang idiniin ni Gatchalian na sa halip na magpataw ng mga bagong buwis, kailangang pagbutihin muna ng mga ahensyang nangongolekta ng buwis tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang tax administration dahil hindi magandang senyales ito para sa mga tumutupad sa kanilang obligasyon sa gobyerno. "Kapag nagtaas tayo ng buwis at hindi naman maayos ang pangongolekta ng buwis, parang pinaparusahan na rin natin ang mga nagbabayad ng buwis. Kailangan nating tugunan ang ipinagbabawal na kalakalan o napakahirap na bigyang katwiran ang mga bagong buwis dahil may mga taong kumikita ng bulyun-bilyon kada taon dahil lang sa ipinagbabawal na kalakalan," sabi ni Gatchalian. "Kung magtataas ka ng buwis, magiging lubhang kaakit-akit para sa mga gumagawa ng ipinagbabawal na pangangalakal na pumasok sa ganitong uri ng negosyo dahil napakataas ng kita. Paano natin matutugunan ang ipinagbabawal na kalakalan? Anong uri ng pagpapatupad ang ginagawa natin para masugpo ang ipinagbabawal na kalakal ng iba't ibang produkto na pinapatawan natin ng buwis?" tanong ng senador sa economic team. Binigyang-diin din niya na bagama't lubos niyang sinusuportahan ang layunin ng pagtaas ng koleksyon ng kita, ang gobyerno ay dapat magpatibay ng mga mekanismo na magbabawas, kung hindi man tuluyang hihinto, sa ipinagbabawal na kalakalan. Iminungkahi ni Gatchalian na dapat kunin ng mga collecting agencies ang suporta ng iba't ibang local government units (LGUS) sa pagsasagawa ng kampanya laban sa kalakalang ipinagbabawal ng pamahalaan. "Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa mga LGU? Alam nila ang bawat bodega sa kanilang mga nasasakupan. Maaari tayong maglagay ng reward system kung makakita sila ng bodegang ginagamit para sa ipinagbabawal na kalakalan," dagdag niya. |
Tuesday, April 22
|