Press Release August 29, 2023 COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS PSR 746, 742 - SECOND HEARING ON THE KILLING OF JERHODE "JEMBOY" BALTAZAR
29 AUGUST 2023; 10AM Good morning sa ating lahat. Tila may kalituhan ang ating mga pulis hinggil sa pagkakasununud-sunod ng Use of Force Continuum. O kaya'y marahil baligtad ang kanilang pagkakabasa o pagkakaintindi. Imbes na unahin ang non-lethal approach ay mas pinili nilang unahing gamitin ang pinakamabigat at [pinakamapaminsala], na lethal approach. Hindi ba iyong ating force continuum [are] non-lethal, less-lethal, then lethal approach, so nakakalungkot na may pagkukulang sa kaalaman at pag-unawa sa mga protocol na dapat sundin. "The use of firearms is justified if the offender poses an imminent danger of causing death or injury to the police officer or other persons...The police shall not use warning shots during police operation, except when the police officer is outnumbered and overpowered, and his/her life and limb is in imminent danger." Makinig kayo, mga pulis na nakikinig diyan. Intindihin niyo ito mabuti. The PNP Operational Procedures is clear. And now, a question demands an answer: Did the presence of the teenager Jemboy Baltazar pose danger to the seven fully grown adult PNP personnel? I don't think so. Today, we shall continue to hear what truly happened on August 2, 2023 in Navotas River that led to the death of Jemboy Baltazar. We want to know what are the PNP operational guidelines that were not followed by the involved police officers during the hot pursuit operation. Was Police Captain Mark Joseph Carpio, who is in charge of the operation, ensured the observance of the Force Continuum and exercised control over all police personnel during their operation as mandated by the PNP Operational Procedures? Umaasa ako na sa araw na ito, isisiwalat nina Police Captain Mark Joseph Carpio at Police Staff Sergeant Gerry Maliban ang lahat ng kanilang nalalaman kaugnay ng kanilang naging operasyon na nagdulot ng pagkasawi ni Jemboy. Bilang Chairman, nais kong ipaalala sa inyo na patas ang komiteng ito. Pinarurusahan nito ang mga nagsisinungaling at pinoprotektahan ang mga nagsasabi ng totoo. The truth shall set you free. Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo hindi lamang sa contempt order ng Senado kundi sa ano mang dinadala ng inyong konsensya. Ang trahedya na nangyari sa Navotas River ay nagdulot ng pighati sa isang pamilya. Ngunit maliban dito, nagbunga ito ng takot at ligalig sa bawat komunidad. Upang hindi mauwi sa wala ang mapait na sinapit ni Jemboy mula sa mga pulis na sana'y nangangalaga ng kaligtasan at kapakanan ng mga kabataang tulad niya, layon ng komite na ito na makabuo ng mga rekomendasyong magsisiguro na hindi na mauulit ang mga insidenteng katulad nito. Pero as we speak, meron nanaman daw nangyari sa Rizal na meron nanamang bata doon na binaril nanaman ng pulis. Ano bang... So I don't know how to deal with all these issues. Ang awtoridad ng isang ahente ng pamahalaan na nahaharap sa isang suliranin ay hindi nasusukat sa paggamit ng puwersa, bagkus ay sa pagiging mahinahon sa kabila ng pagsubok. Restraint is the crown jewel of true strength. Kaya as we were going down the elevator kanina, kasama ko si Chief PNP, sinabi ko sa kanya na, "Siguro, huwag na kayong maghintay pa na gagawa pa tayo ng batas, ang Senado o ang Kongreso gagawa pa ng batas. Gawin na ninyo ngayon. Unahan na ninyo. You make your own policy. Ibalik ninyo iyan, as part of the uniform, iyong batuta at saka iyong pito para... Sige tayo sabi ng Force Continuum dito, from non-lethal to less lethal to lethal. Pero look, as part of the uniform, meron ba kayong less lethal equipment diyan? Wala. Wala kayong pito, wala kayong batuta, ang meron lang baril. So kaya nga siguro, diretso ang gumagamit ng baril dahil walang ibang option na ginagawa iyong kapulisan kundi diretso, baril kaagad ang gamit. So babalik tayo ngayon doon sa iyong traditional policing na kailangan, iyong as part of the uniform ng isang pulis, may batuta at merong pito. Iyong batuta naman, ayaw magdala ng pulis ng batuta dahil napapangitan daw sila. Sige, meron naman tayong baton, pumili kayo, baton, truncheon o night stick? Hindi ba? Meron tayong gano'n. O kung gusto niyo mas pogi, iyong, hindi ba may bakal tayo na maiksi lang na 'pag ginagano'n mo, how do you call that, "telescopic truncheon," or "telescopic baton"? Pwede niyong gawin iyan, ibalik niyo iyan sa inyong uniporme. Pati iyong pito, importante talaga iyon. Kaya 'pag nakakita ka ng tao na tumatakbo, pituhan mo. That's a sign of authority. Baka hindi tatakbo iyan. Hindi iyong magpaputok ka agad. So iyan ang nakikita ko ngayon. But, anyway, naudlot iyong official version ng PNP. This committee would like, although, marami nang nagsipaglabasan sa TV, sa news, pero we want to hear the official version coming from you and afterwards, iyong si Sonny Boy na online ngayon ay pakinggan natin. So iyong presentation mo last time, go ahead, you... After the presentation, Senator Risa, we can ask questions. |
Thursday, May 22
|