Press Release August 29, 2023 IMEE: PRESYO NG ILANG MGA SCHOOL SUPPLY MAS TUMAAS; MGA VENDORS WAPAKELS SA GUIDE NG DTI! Hinimok ni Senadora Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin pa ang mga biglaang inspeksyon sa mga nagtitinda ng school supplies na lumalabag sa bagong-presyong gabay nito na isang buwan pa lamang ang nakalilipas. Sinabi ni Marcos na magsasamantala ang mga negosyante sa unang linggo ng pagbubukas ng mga klase lalo na't magkukumahog ang mga estudyante at mga guro na kumpletuhin ang kanilang mga gamit pang-eskwela. "Iniisnab ng mga tindera ang price guide ng DTI, " ani Marcos kaugnay sa 'Gabay sa Pamimili ng School Supplies sa 2023' ng kagawaran. Sa isinagawang pagmo-monitor ng opisina ng senador sa presyo ng school supplies sa ilang palengke sa Metro Manila noong weekend at Lunes. ang mga notebook ay nagkakahalaga ng 23 hanggang 60 pesos bawat isa, o hanggang walong piso higit pa kaysa sa 23 hanggang 52 pesos na nakalista sa gabay-presyo ng DTI. Mas mura ang pad paper ayon sa gabay-presyo ng DTI, na nagkakahalaga ng 20 hanggang 28 pesos, pero umabot ng 35 pesos lalung-lalu na sa mga palengke sa Caloocan at Rizal. Ang mga krayola na iba't-ibang dami ay nagkakahalaga ng 30 hanggang 100 pesos kada lalagyan, samantalang sa gabay-presyo ng DTI ay 24 hanggang 69 pesos lamang. Gayunpaman, mas mababang presyo, tulad ng iba't ibang lapis at ballpen, ay mabibili sa 7 hanggang 11 pesos, kumpara sa listahan ng DTI na nagkakahalaga ng 11 hanggang 17 pesos. Ang mga naghahanap ng mura sa Divisoria na bumibili ng maramihan ay makakakita na ang regular na mga notebook na dati'y nagkakahalaga ng 180 hanggang 200 pesos kada ream ay ngayon ay nagkakahalaga ng 250 pesos, samantalang ang spiral na mga notebook na dati'y nagkakahalaga ng 180 hanggang 220 pesos kada ream ay nagkakahalaga ng hanggang 300 pesos. Pinuri ni Marcos ang DTI sa mga biglaang inspeksyon nito sa Divisoria at iba pang palengke sa nakaraang dalawang linggo ngunit sinabi na pagkatapos ng inspeksyon, muling nagtaasan ang mga presyo. "Ilang magulang ang mismo nang nagsabi na wala rin silang magawa kahit ipamukha sa mga nagtitinda ang gabay-presyo ng DTI," sabi ni Marcos. "Klaro na mas kailangang tutukan pa," dagdag pa ng senadora. IMEE: SCHOOL SUPPLY PRICES UP AGAIN AFTER DTI INSPECTIONS Senator Imee Marcos urged the Department of Trade and Industry (DTI) to ramp up surprise inspections on school supply vendors deviating from its month-old price guide. Marcos said vendors will be taking advantage of the first week of classes when students and teachers are rushing to complete their school supplies and have no more time to haggle. "Iniisnab ng mga tindera ang price guide ng DTI," she said of the government agency's 'Gabay sa Pamimili ng School Supplies sa 2023'. (Vendors are ignoring the DTI price guide.) Random price monitoring conducted by the senator's office in some Metro Manila markets over the weekend and Monday showed that basic notebooks cost 23 to 60 pesos each, or up to eight pesos more than the DTI price guide's range of 23 to 52 pesos. Pad paper was also cheaper in DTI's price guide, at 20 to 28 pesos, but cost as much as 35 pesos particularly in Caloocan and Rizal markets. Crayons in various quantities cost 30 to 100 pesos per box, while DTI's price guide listed them at 24 to 69 pesos only. However, assorted pencils and ballpens could be found at cheaper prices of seven to 11 pesos, compared to DTI's listing of 11 to 17 pesos. Bargain hunters buying in bulk in Divisoria will find that regular notebooks previously priced at 180 to 200 pesos per ream now cost 250 pesos, while spiral notebooks that used to cost 180 to 220 pesos per ream now sell for as high as 300 pesos. Marcos credited the DTI for its suprise inspections in Divisoria and other markets in the past two weeks but said that as soon as inspections are over, prices were being marked up again. "Ilang magulang ang mismo nang nagsabi na wala rin sila magawa kahit ipamukha sa mga tindera ang price guide ng DTI," Marcos said. (Some parents themselves have said that they couldn't do anything even if they confront vendors with DTI's price guide.) "Klaro na mas kailangang tutukan pa," the senator added. (It's clear that closer monitoring is needed.) |
Thursday, June 12
|