Press Release August 30, 2023 Gatchalian files bill to address rising incidence of financial accounts scams Senator Win Gatchalian has filed a bill seeking to penalize individuals who willingly allow themselves to be used as money mules, those who engage in social engineering schemes, and other fraudulent financial schemes. Aligned with the administration's commitment to expand digital transactions, safeguarding the public from scammers and abusive online lenders, Gatchalian filed Senate Bill 2407, known as the Anti-Financial Account Scamming Act. "We need to protect the integrity of the country's financial system and ensure that financial accounts and their owners are protected and are not exploited or lured by cybercriminals or criminal syndicates into the commission of an unlawful or fraudulent activity," Gatchalian emphasized as he filed the proposed measure. He noted that the COVID-19 pandemic has highlighted the significance of cashless transactions and digital payments. However, given the rapid growth and popularity of digital financial services, the rise of financial-related cybercrimes followed. "Cybercriminals started taking advantage of technologies to transfer illicit or stolen funds across digital financial services, stealing vital information about account holders and taking over their accounts, or enticing account holders with gifts and incentives with the goal of covertly committing financial crimes," he said. In response to the increasing prevalence of such malevolent activities, the legislator stressed the pressing need to enact a measure that imposes penalties on individuals who willingly become conduits for illicit transactions, those who engage in manipulative social engineering tactics and other deceitful schemes that exploit financial accounts. This encompasses actions such as account takeover, recruiting or enlisting others to commit these acts, and perpetration of these acts on a significant scale comparable to economic sabotage that jeopardizes the security of Filipinos' financial accounts and the integrity of the country's financial system. "For the past 3 years, the unsuspecting public lost millions of their hard-earned money to these cybercriminals," Gatchalian said, citing as an example the "Mark Nagoyo" scam, in which more than 700 BDO Unibank customers' accounts were hacked in late 2021, the unauthorized bank transfers that targeted government teachers with Landbank accounts in January last year in which the victims lost between P26,000 to P121,000 from the incident and the massive phishing incident involving GCash users in May this year. "Operations of cybercriminals grew on a large scale, taking advantage of the unemployed, those who are looking for easy money, those who are unaware, and those who are willing to help others, and thriving in jurisdictions with very weak enforcements and penalties like the Philippines," he noted. In fact, Kaspersky Security Network's 2022 Report showed that the Philippines ranked 2nd among countries most attacked by web threats in 2022 and the most preferred attack method which includes social engineering schemes. Gatchalian naghain ng panukalang batas kontra sa mga financial accounts scam Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong parusahan ang mga nare-recruit bilang money mules, mga nakikibahagi sa social engineering schemes, at kung anu-anong mga financial scam. Alinsunod sa pangako ng administrasyon na palawakin ang digital na transaksyon upang mapag-ingat ang publiko mula sa mga scammer at mapang-abusong nagpapautang sa online platform, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2407, o Anti-Financial Account Scamming Act. "Kailangan nating protektahan ang integridad ng sistema ng pananalapi sa bansa at tiyakin na ang mga financial account at ang mga may-ari nito ay protektado at hindi napagsasamantalahan o naaakit ng mga sindikato sa online platform o mga cybercriminal," sabi ni Gatchalian kaugnay ng inihain niyang panukalang batas. Ang pandemya ng COVID-19, aniya, ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng cashless transaction at digital payments. Dahil dito rin ay lumawak ang digital financial services na sinamantala rin agad ng mga masasamang loob. "Hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga cybercriminal na nananamantala gamit ang teknolohiya upang maglipat ng mga ninakaw na halaga ng pera, kabilang dito ang pagnanakaw ng mahahalagang impormasyon tungkol sa may ari ng account at pagkuha sa kanilang mga account, o pag-akit sa mga account holder ng mga regalo at anumang insentibo upang maisagawa lang ang layuning makapagnakaw," sabi niya. Bilang tugon sa tumataas na paglaganap ng mga ganitong masasamang aktibidad, idiniin ng mambabatas ang mahigpit na pangangailangan na magpatupad ng isang panukala na nagpapataw ng parusa sa mga indibidwal na kasabwat sa mga ilegal na transaksyon, mga taong nakikibahagi sa mga pandaraya gamit ang mga social engineering na taktika at iba pang mapanlinlang na mga pakana na nagsasamantala sa mga financial account. Saklaw nito ang mga aksyon tulad ng account takeover, pagrerecruit ng mga kaanib sa ganitong mga iligal na aktibidad, at pagsasagawa ng mga aktibidad na maihahambing sa economic sabotage na naglalagay sa panganib ng mga financial account at integridad ng sistema ng pananalapi sa bansa. "Sa nakalipas na 3 taon, ang publiko ay nawalan ng milyung-milyong pera sa mga cybercriminal na ito," sabi ni Gatchalian, na binanggit bilang halimbawa ang "Mark Nagoyo" scam, kung saan mahigit 700 na account ng mga customer ng BDO Unibank ang na-hack sa huling bahagi ng 2021, ang mga hindi awtorisadong Landbank transfer na P26,000 hanggang P121,000 na tumarget sa mga guro noong Enero ng 2022, at ang insidente ng phishing na kinasangkutan ng mga gumagamit ng GCash noong Mayo ng taong ito. "Ang mga operasyon ng cybercriminals ay lumaki nang husto, sinasamantala ang mga walang trabaho, mga naghahanap ng madaling pera, mga taong handang tumulong sa iba, mga hindi nakakaalam ng naturang modus, o 'yung nakatira sa lugar na may mahinang law enforcement at parusa tulad ng Pilipinas," aniya. Sa katunayan, ipinakita ng 2022 Report ng Kaspersky Security Network na ang Pilipinas ay nasa ika-2 sa mga bansang pinaka-inaatake ng mga bantang may kinalaman sa internet noong 2022 at ang pinakagustong paraan ng pag-atake kabilang na ang mga social engineering scheme. |
Tuesday, April 22
|