Press Release
August 30, 2023

Transcript of Senate Media Briefing with Senator Risa Hontiveros
August 30, 2023

Q: Don't you think this is the effect of the drug war? Yung ganitong mentality ng pulis kasi even the critics din including former Sen. Leila de Lima, eh yun yung kinakatakot niya na after six years baka maging ganun na ang mindset ng members ng PNP. Tingin niyo po ito na ang kinakatakutan ng mga critics ng drug war?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Napaka-tumpak na tanong yan. Kapag tinanong niyo ako, oo, itong pinakahuling trahedya ni Jemboy nasundan pa ng isa pa na pinatay na teenager. Sasagot ako na oo, eto na nga yung resulta ng madugong war on drugs. Yung mga lumitaw sa imbestigasyong ito tungkol kay Jemboy na walang paglapit para makiusap, walang attempt na mag-aresto, kaagad pagpapaulan ng bala, yung kailangan pang ulitin ang nasa police manual naman na may continuum of force na dapat inoobserve, may proportionality given the situation.

At itong paglaganap ng kultura ng karahasan. Yan lahat ay mga masasamang bunga ng war on drugs, na may na-internalize may na-institutionalize na kultura at practice ng karahasan. Napakapait. At nag-ani naman nitong huli ay yung kawawang pamilyang Baltazar.

Q: In the short term, meron agad na pagbabagong mangyayari sa PNP, considering this happened during the six years of the previous administration?

SRH: Dahil nangyari ito sa anim na taon ng nakaraang administrasyon, pero kung ang administrasyon ngayon ay magdedesisyon na puputulin nila ang ganyang practices, sisiguruhin nila na yung mga personnel ngayon na in charge sa law enforcement at public safety pa nga ay tutuparin yung kanilang mga tungkulin ng tama, ng propesyunal, at sisingilin ang accountability ninumang lumabag o nagkulang dito man sa kaso ni Jemboy o sa iba pa, kayang magsimulang magbago, kahit ngayon palang, maaaring magtatagal kasi ang tagal ng war on drugs na yan. At sa katagalang iyan ay nanuot na pero kung magkakaroon ng political will ang administrasyon ngayon na putulin yan, baguhin yan, eh bakit hindi na pwedeng magsimulang magbago?

Itong nangyari ng Jemboy ay tanda na wala pa ring ganyang desisyon. Wala paring ganyang pagkilos, sa ilalim man ng kasalukuyang administrasyon. Kaya yan ang isang hamon sa kanila. Kasi pinatay si Jemboy hindi ng war on drugs bagamat may anggulong lumabas na pinapaamin si Sonny Boy na may baril at droga pa si Jemboy, pero napatay si Jemboy sa kasalukuyang administrasyon. So hamon sa kanila ito.

Q: How about the rules on the use of body cams? Kasi lumabas din na walang proper training then hindi malinaw pano gamitin yung body cams.

SRH: Nasaksihan niyo yung buong pagtatanong tungkol sa mahiwagang body worn cameras. Hindi mo akalaing kayang mafrustrate diba tungkol sa isang simpleng teknolohiya na gusto mong sabunutan ang sarili mo. Pero diba? Yung mga balu-baluktot na sagot na gagawing tanga yung nakakarinig ng sagot eh matatalino naman yung mga sumasagot.

Tinetrain nga kahit ang ilang select sa kanila at alam nilang gamitin yun dapat. Ano naman ang body worn camera kumpara sa ibang equipment na ginagamit nila sa law enforcement? Parang kailangan pa bang sabihin? Ayus-ayusin ang paggamit ng kagamitan. Kasi inaappropriate yan ng Kongreso. At binabayaran yan ng buwis ng mamamayan, pati ng mangingisda tulad ng pamilya ni Jemboy.

Q: Do you see any parallelisms sa kaso ni Carl Arnaiz.. yun nga po pinagmukha siyang holdaper.

SRH: Yung tinanong mo nga ay isa sa mga teribleng parallelism mula nung panahong war on drugs na pinatay sina Kian at Carl at Kulot at ngayong kasalukuyang administrasyon na pinatay si Jemboy. Na pagkatapos nga ng wrongful killings na yun, gagamitin pa ang mga police narratives or storylines, hindi para imbestigahan, palutangin ang katotohanan, bigyan ng hustisya ang mga biktima, pero para i-justify yung ginawa sa kanila. So doubly disturbing talaga. Hindi lang nakakagalit. Nakakalungkot talaga. Kelan ito matatapos?

Q: Parang no amount of policy can change the attitude of our police can address yung attitude ng ating mga pulis, What solutions you can see para ma-address ang ganitong situation?

SRH: Marami-rami na rin pong solutions ang inihahain halimbawa ng human rights organizations ng mga security sector reforms advocates pati po yung mga advocates ng modern and professional policing. Mayaman naman po ang mga ganyang panukala, mga polisiya pero yun na nga gaya ng pinag-usapan natin kanina, hindi pa talaga seryosong nagdedesisyon ang administrasyon ngayon na ipatupad ang mga ito para ayusin talaga ang police organization. Kailangan may magtagumpay na mga reporma dito kasi walang gobyernong kayang magfunction nang walang maayos na national police.

Q: Do you think na kapagka may directive from above, yung mga mag implement will be parang magiging maayos?

SRH: Dapat lang para que pa na Presidente, ang isang Presidente kundi para pasundin ang national police? Para que pa ang isang Presidente ay commander-in-chief kung hindi susunod din sa kanya ang armed forces? In the case of the PNP, pag sinabi ni Presidente ngayong araw, pag sineryoso yan ni Chief PNP Acorda na winelcome ko ang kanilang pag-appoint noon, bakit hindi magsisimulang magbago yan? kung may seryosong chain of command yan.

Q: Wala tayong nakikitang clear na categorical directive from the Palace or sa Presidente unlike before na panahon ni Digong na kapag sinabi nyang war on drugs, ngayon wala po tayong nakikitang ganon.

SRH: Pero terible yung mga directives ni Duterte noon. Yan ang nagpasimuno at nagpawalang sala sa war on drugs. Ngayon, wala pa nga yat tayong narinig kay Presidente tungkol sa pagreporma talaga thorough going ng PNP at dahil pag sinabi nya yun, hindi lang mawawala o mababawasan man lang yung mga ganitong tulad na pagpatay kay Jemboy pero baka by now nagsalita na siya tungkol dito ano? Kasi bata ito so wala pa.

Q: Reminder lang po sa mga police to serve and protect and yet they are oppressing us di ba?

SRH: Exactly. Ang panata ng PNP ay to serve and protect, napakaganda at kung kanilang talagang gagawin, ang laki ng ambag nila sa kaligtasan ng buong publiko pero sa halip gaya ng sinabi ko noong unang opening statement, unang hearing yata, bakit sa kaso ni Jemboy bakit naging to kill and oppress, so talagang kailan ba matitigil yan?

Q: Sa darating na budget deliberations, yung PNP maghihingi yan ng budget for body worn cameras kasi kulang pa yung. budget nila. Ano po yung titiyakin ninyo?

SRH: Well, di ba parang ano din kailangan pa bang itanong yan? Obviously kung may organisasyon kayo, may hiningi kayong equipment, dapat gagamitin nyo sa tamang paraan para ma optimize, mamaximize yung pagtupad mo sa tungkulin mo. So kung hihingi sila ng pondo para sa walang kamatayang body worn cameras na yan, well una, kailangang makita sa COA report nitong kasalukyang taon, ginagamit ba nila ng maayos yung pondo and then anong mga commitment, ang makukuha sa national headquarters ng PNP sa Crame tungkol sa optimal, maximal na paggamit ng mga ito.

Hindi yung misteryosong walang nagmomonitor, or hindi nabubuksan para makapagrecord or kung nakapagrecord ay na-corrupt or nadelete. Tama na yung CCTV tulad noong nakaraang panahon, papapatayin sa kapitan de barangay para di makita yung pagdampot sa isa pang bata noon. Ilang beses pa ba yon. So, nakakainis kailangan pang pag-usapan yung body-worn cameras. Hello?

Q: Safe to say na titiyakin nyo na ang performance ng PNP sa paggamit ng body-worn cameras bubusisiin nyo dito sa budget?

SRH: At sa marami pang usapin.

Q: Senator just two questions po, kanina po napagusapan yung police recruitment sa tingin nyo po ano pang gawin ng PNP para mas masala po ang gustong pumasok sa police force and second question, kanina nag breakdown po si Mang Nicanor, because parang nawawalan ng pag-asa because parang mahirap lang kami, ano pong masasabi nyo na andoon pa rin po ang mentality na walang hustisya for the poor.

SRH: Kasi yun ang karanasan nila, talaga, kasi kahit yung war on drugs, sabi nila naging war on the poor. Inamin ng PNP noon, 6,000 deaths sa mga drug enforcement operations at tantiya ng mga human rights organizations maaaring umabot sa 30,000. At dalawang kaso pa lang ang nagtatagumpay para sa mga pamilya, pamilya nina Kian at pamilya nila Carl at Kulot.

At ngayon nasa napakaagang, napakaagang yugto ang pamilyang Baltazar sa paghahanap ng hustisya para kay Jemboy at sila pa yung natatakot. Salamat na lang at andoon ang mga abogado nila at concerned citizens at organizations na sinusuportahan sila binibigyan sila ng moral support para kahit papaano ay maibsan ang kanilang takot o pwedeng pagkaparalisa habang ginagawa yung nila spade work para makakuha ng hustisya sa ating legal system.

Yung iniyak ni Mang Nicanor, iyan talaga ang karanasang ng mahihirap sa ating justice system na kulang na kulang at napakabagal pa ng hustisya. Yan din ay hamon sa administrasyon, yan din ay hamon sa PNP, huwag maging instrumento ng inhustisya bagkus ay maging mga institution na pabibilisin at gagawing accurate ang dispensation of justice Parang ito ay mga bagay na, "Kailangan pa ba sabihin?" Kailangan pang sabihin, yan yung isang mensahe ni Mang Nicanor sa akin.

Q: Re: selection of applicants to the PNP

SRH: Well nasabi nila kanina yung mga standard recruitment processes di umano yung mga repormang ginagawa nila doon. Ano man ang sistemang gagawin nila, analog man o digital, diba, para manatili ang pagasa ng mamamayan na kaya natin at kailangan nating repormahin ang PNP, na hindi maubos ang pagasa at pag unawa ng mga tao.

Just do it, diba, iimplementa na talaga yung mga tama at kumpletong proseso ng recruitment ng mga matitino, mahuhusay may kakayahan, may passion sa policing work na mga kababayan natin. At tamang gabayan sila, suportahan sila, disiplinahin sila kapag kailangan habang sila ay nasa serbisyo. Alam na ng PNP yan eh. Ang dami na ring mga panukala tungkol sa mga reporma.

Kapag sineryoso yan ni Presidente, kapag sineryoso yan ni Chief PNP, again, walang makakapagsabi na hindi pwedeng magsimulang magbago ngayon pa lang, pero yan ang hinihintay ng mga tao.

Q: Ano po yung sinasabi ng mga halimbawa, yung hindi nakapagrecord yung bodycam, yung hindi namonitor, mga dugo na hindi nakita, mga empty shell na hindi nakita?

SRH: Hello, diba. Siguro at the very least, malaking pagkukulang talaga, maraming sins of omission bukod pa sa sins of commission, dahil police officers ang nakapatay kay Jemboy. Police officers ang hindi siya sinisid para.. Batay sa autopsy report ni Dr. Fortun, posibleng kahit grabe yung injury na dulot ng tama ng bala, ay ngayon hindi natin masasabi kung baka nailigtas pa siya kung hindi siya iniwan na malunod ng tatlong oras, hanggang yung tito pa niya ang nag cover sa katawan.

Posibleng ibig sabihin o lumalabas sa maraming pagsisinungaling at pag-iiwas nung hearing na may conflict of interest, kaya ganyan kaimportante ang papel ng IAS, yung Internal Affairs Service, para may parang internal Ombudsman sa loob ng PNP. Para diba, bigyan ng moral support yung mga matitinong miyembro ng PNP, at talagang sitahin, disiplinahin, at tanggalin sa serbisyo yung mga gumagawa ng ganitong klaseng karahasan.

Q: Do you see a conspiracy to cover up what happened among the officers?

SRH: Hindi ko alam kung may conspiracy kasi ni parang hindi mabuo yung kwento talaga na pagkakasunduan nila eh. So parang nahuhuli sila sa sarili nilang bibig eh. So hindi ko alam kung conspiracy or kung mayroon pang mga misteryo na hindi namin nasurface noong hearing, kung bakit ganoon ginawa ang operasyon. Labing siyam na tao laban sa iisa na armado daw ng short arm, tapos sila maraming baril, may long arms pa na kasama. Hindi ko alam kung conspiracy ba yan pero ang malinaw ay nakapatay sila ng isang Jemboy. Kailangan may managot diyan.

Q: Was there an overkill?

SRH: Sabi nga ng isang kasama ko, "Ha, nineteen? Overkill." Ni hindi ako police officer pero mukhang overkill sa akin. Sino ba yung hinahabol nila na Bolivar na yan? Medyo misteryoso din ano, sino ba yan?

News Latest News Feed