Press Release August 30, 2023 Robin Stresses Double Importance of August 30 to Nation's Freedom Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Wednesday, Aug. 30, stressed the double importance of Aug. 30 to Philippine history: the birth of Gat Marcelo H. del Pilar in Bulacan, and the Battle of Pinaglabanan in San Juan. Padilla, in his manifestation at the Senate session, noted that del Pilar - a journalist who played a major role in pushing reforms in the Philippines during the Spanish period - was born 173 years ago. "Ngayon pong ika-30 ng Agosto ay atin pong ipinagdiriwang ang kaarawan po ni Marcelo del Pilar. At ngayon din po ang National Press Freedom Day (Today, we remember Aug. 30 as the birth anniversary of Marcelo H. del Pilar)," said Padilla, who chairs the Senate Committee on Public Information and Mass Media. Under Republic Act 11699, Aug. 30 is National Press Freedom Day to commemorate del Pilar, who is considered the "Father of Philippine Journalism." Aside from this, Padilla noted the Battle of Pinaglabanan ni San Juan occurred on Aug. 30, 1896, where Filipinos fought for their freedom from Spanish rule. Some 200 Katipuneros were arrested while 153 were killed in the battle, he said. "Gusto ko lang po ipaalala sa lahat na napakahalaga ng araw na ito (I want everyone to know the significance of this day)," said Padilla. Robin, Iginiit ang Dobleng Halaga ng Agosto 30 sa Kalayaan ng Bayan Iginiit ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules, Agosto 30, ang dalawang mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan: ang pagsilang kay Gat Marcelo H. del Pilar sa Bulacan, at ang Battle of Pinaglabanan sa San Juan. Ipinaalala ni Padilla sa kapwa senador na Agosto 30 ang ika-173 anibersaryo ng pagsilang ni del Pilar, isang mamamahayag na sumulong ng reporma sa Pilipinas noong panahon ng Kastila. "Ngayon pong ika-30 ng Agosto ay atin pong ipinagdiriwang ang kaarawan po ni Marcelo del Pilar. At ngayon din po ang National Press Freedom Day," ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media. Sa ilalim ng Republic Act 11699, ang Agosto 30 ay National Press Freedom Day para gunitain si del Pilar, na itinuturing na "Father of Philippine Journalism." Bukod dito, ipinunto ni Padilla na noong Agosto 30, 1896 ay nagkaroon ng Battle of Pinaglabanan sa San Juan - ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Mga 200 Katipunero ang nahuli diyan at 153 ang napatay, aniya. "Gusto ko lang po ipaalala sa lahat na napakahalaga ng araw na ito," ayon kay Padilla. ***** |
Saturday, June 14
Friday, June 13
|