Press Release September 5, 2023
SENATOR RONALD "BATO" DELA ROSA
ROAD RAGE IN QUEZON CITY INVOLVING A BIKER AND A RETIRED POLICE OFFICER
On May 29, 2013, Republic Act No. 10591, or the "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act" was approved into law. Its Declaration of State Policy states, and I quote: "The State also recognizes the right of its qualified citizens to self-defense through, when it is the reasonable means to repel the unlawful aggression under the circumstances, the use of firearms..." Malinaw po ang nakasaad sa batas. Ito pa ay nasusulat sa wikang maiintindihan ng mga ordinaryong mga mamamayan. When is it justifiable for citizens to use their firearms? When, and only when, it is the reasonable means to repel unlawful aggression. When we take seriously the prevailing jurisprudence and policies on the regulation of firearms and ammunition, (Nandito ba ang taga-FEO? Director ng FEO? Nandito? FEO? Lucas. O, ang layo mo. Umupo ka dito. Umupo ka.) we can come to an agreement that gun ownership is indeed a privilege and not a right. And privileges demand satisfaction of qualifications before they can be granted. Gun ownership, therefore, presupposes a sense of responsibility. Ipinagkakaloob lamang ang pribilehiyong ito sa mga nakapagpakita na sila'y karapat-dapat magmay-ari ng baril at nauunawaan nila na may kaakibat ito na responsibilidad. Mr. Wilfredo Gonzales was among those granted the privilege of gun ownership. On August 8, 2023, he was caught on camera in the middle of a traffic altercation and, unfortunately, he could not control his anger. Mr. Gonzales stepped out of his vehicle, struck a cyclist, pulled out his gun, and cocked it. And in a blink of an eye, their lives are now forever changed. Hindi po hukuman ang Senado. Hindi namin magagawang mga senador na magpataw ng parusa laban kay Mr. Willie Gonzales o kay Mr. Allan Bandiola. Ngunit ang magagawa ng komiteng ito ay mailantad ang katotohanan sa nangyaring insidente sa pagitan ng isang siklista at dating pulis. Mula rito ay nais nating makabuo ng mga rekomendasyon sa pagsulat ng mga bagong batas na mangangalaga sa kaligtasan ng bawat isa sa ating gumagamit ng ating mga pampublikong mga lansangan. Bago po natin simulan ang ating pagdinig ngayong araw, nais ko lamang magbahagi ng isang sipi mula sa isang eksena sa pelikulang 'Kalibre .45 (Kalibre kuwarenta'y singko)' ng dakilang Fernando Poe, Jr., ama ng ating kasamahan na si Senator Grace Poe: "Ang baril ay isang kasangkapan lamang. Para bang ang lagari at martilyo, kasangkapan ng karpintero. Ang thermometer at stethoscope, kasangkapan ng doktor. Ang baril ay kasangkapan ng batas at ng mga alagad ng batas. Kaya dapat igalang ang baril, huwag ipagbibiro, huwag ipagyayabang, huwag ipananakot, tsaka huwag ituturo. Ang baril, binubunot lamang sa sukdulang pagkakataon at ginagamit ito para ipagtanggol ang kanyang sarili at ng iba laban sa kasamaan." |
Thursday, June 19
|