Press Release September 5, 2023
OPENING STATEMENT OF SEN. GRACE POE
This public hearing is called to order. Diretso na agad tayo sa tanong ng nakararami - bakit patuloy pa rin ang mga text spams at scams kahit tapos na ang SIM Registration deadline? Hindi ba dapat na-deactivate na ang mga SIMs na gamit sa mga ganitong modus? Kung rehistrado naman sila, hindi ba dapat nate-trace na sila ng gobyerno o di kaya ay automatic na blocked sa algorithms ng mga telco? Napakaraming fake na naglipana - andiyan pa rin ang fake jobs o yung trabahong may napakalaking suweldo, yung nanalo ka daw sa isang raffle na di mo naman sinalihan, links sa online betting sites na may nakakaengganyong mga papremyo, meron ding mga nagpapa-loan, mga nagpapanggap na texts at tawag mula sa banko, marami dyan LandBank, specially, kami, dito; minsan pati fake love na rin. SIMs have also been used by licensed POGOs to perpetrate text spams and love scams. Andyan ang raid sa Xinchuang Network noong nakaraang Hunyo sa Las Piñas kung saan halos isang daang libong SIMs ang nakumpiska, kasama na ang text blasters. Narekober din mula sa mga basurahan ng SA Rivendell Gaming sa Pasay ang mga pre-registered SIMs na may kasamang cellphones at script pa for love scams. The pre-registered SIMs came with e-wallet accounts with 100,000 to 500,000 pesos each. With at least 28,000 confiscated SIMs, the total amount runs in the billions. These amounts were then funneled to a mobile phone which transferred the money to a digital platform abroad. Karamihan ng mga SIMs na ito ay hindi pa bukas pero pre-registered na. Hindi maipaliwanag ng mga telcos kung paano nangyari ito. Hindi kaya inside job? Paano at saan sila nakakuha ng ganitong karaming SIM? Mayroon bang black market ng pre-registered SIMs? Gumawa tayo ng batas pero mukhang nagkukulang sa implementasyon. We want to know from our regulators - sa National Telecommunications Commission, DICT, PNP Anti-Cybercrime Group, NBI - ano ang plano para dito, at matigil ang mga ito? Sa batas, obligasyon din ng Globe, SMART, at DITO na maglatag ng user-friendly reporting mechanisms para sa fraudulent calls and texts. Pero marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi alam na dapat pala nire-report itong mga scam na ito. Many others do not want to go through the hassle of reporting. Hingan ka ba naman ng dalawang valid ID bago makapag-report sa NTC at telcos. Maraming Pilipino ang wala pa ring ID, dalawa pa kaya? Bakit mas pahirapan ang pag-report habang mukhang mas madaling mag-register ng SIM? Obvious naman na ang mga texts ay scam at spam. Hindi ba kaya ng mga telcos ma-detect ito? Ang nakababahala pa, marami sa mga text scams ay alam ang pangalan ng end-user. Where is the leakage coming from? We want to hear a status report from our telcos: Ilan na ang mga natanggap ninyong mga reklamo? Gaano katagal ang turnaround time at mayroon bang naging feedback sa mga complainants? Has there been coordination with authorities in tracing these numbers? Now with tracing comes prosecution, at hindi tayo pumayag na walang ngipin ang SIM Registration Act. In fact, we incorporated heavy penalties for offenses ranging from breach of confidentiality to submission of fictitious information during registration. Now with tracing comes prosecution. Gusto natin malaman mula sa DOJ kung mayroon na bang naihaing kaso laban dito sa mga manloloko? The POGO entities, for example, who were caught flagrantly violating the provisions of this Act, have the corresponding charges been filed? Kung malikhain ang mga manloloko, dapat mas maging malikhain tayo. While we do not discount the warnings and notices sent by the agencies and telcos to the public, we must go above and beyond if we are to combat this plague in our telecom system. Walang maloloko kung walang manloloko na nakakapag-rehistro. Tulungan dapat ang gobyerno at telcos na matugunan ang krisis na ito. |
Saturday, June 21
Friday, June 20
Thursday, June 19
|