Press Release September 11, 2023 Robin Pushes Clearer Halal Certification Regulations, Intensified Awareness Drive on Muslim Dietary Principles Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Monday pushed for clearer regulations on Halal certification as well as an intensified awareness drive on the dietary principles of Muslims, to prevent incidents stemming from the violation of Muslims' beliefs. The proposed measures were taken up at a hearing of the Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, which took up controversies including the deaths of two policemen stemming from the serving of pork to a Muslim police officer; and the issue of Halal certification. "Nais ko pong linawin: hindi po ito paghiling ng espesyal na pagtrato. Atin lamang pong inaasahan na sa usaping ito, ay magkaroon tayo ng tapat na pakikitungo sa ating kapwa, at ganap na transparency sa publiko nang walang anumang anyo ng panlilinlang (I want to make it clear that we Muslims are not seeking special treatment. All we want is to address these issues with utmost transparency)," said Padilla, who chaired the hearing. One of Padilla's calls is to clarify the role of agencies involved in the certification of Halal food products, and the detection and seizure of fake Halal products. For now he noted the Department of Trade and Industry and National Commission on Muslim Filipinos are involved in certification and accreditation. Padilla noted the Halal industry is significant, involving more than $2.22 trillion (P121.28 trillion) based on the International Market Analysis Research and Consulting Group in 2022. This is expected to grow to P228.1 trillion in 2028. "Hiwalayin natin, isang nagse-certify at isa naghuhuli (Let us separate this so one agency will certify and another will enforce)," said Padilla. "Kailangan nating proteksyunan ang Muslim brothers and sisters. Bilang kami mambabatas din, tingnan din natin ang kapakanan naman ng ating nagnenegosyo (We must protect our Muslim brothers and sisters. As lawmakers, we must also consider the interests of traders)." Also, Padilla pushed for an intensified awareness and education campaign in the Philippine National Police and other government agencies regarding the dietary principles of Muslims. He said this will help prevent incidents like the shooting incident in Taguig City that resulted in the deaths of two policemen, following a confrontation stemming from the serving of pork to a Muslim police officer. Meanwhile, the hearing also tackled Senate Bill 2406 that sets March 1 as a day of recognition for traditional and religious attire. Padilla said our history is not only recorded in books and documents but in attire such as "Barong Tagalog," "Balintawak," and "Baro't Saya"; Ilonggo jusi and pina, Moro malong, Bicol sinamay, nipis, and patadyong; Ilocano abel, Visayan tapis pintados, Bagobo dagmay, Bilaan tandayon, Mandaya ikat, and many more. "Sa madaling sabi, kung nais po nating bigyang diin ang pag-iingat sa ating pambansang pagkakakilanlan at sa bukod-tanging kultura at tradisyon ng isang daan at sampung (110) grupo ng Indigenous Peoples o IPs na binubuo ng 14 hanggang 17 milyong Pilipino, mahalagang hakbang po ang pagtatalaga ng isang araw ng pagkilala sa ating kasuotang tradisyunal at panrelihiyon (If we want to give importance to our national identity and the culture and tradition of 110 Indigenous Peoples groups that comprise up to 17 million Filipinos, setting aside a day of recognition for traditional and religious attire would go a long way)," he said. Malinaw na Halal Certification at Awareness Drive sa PNP, Isinulong ni Robin Malinaw na patakaran sa Halal certification sa pagkain, at pinaigting na awareness drive tungkol sa dietary principles ng mga Muslim. Ilan ito sa mga hakbang na isinulong nitong Lunes ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla para maiwasan ang insidenteng nauugat sa paglabag sa paniniwala ng mga Muslim. Tinalakay ang mga panukalang ito sa pagdinig ng Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, na nanuri sa ilang kontrobersya kasama ang pagkasawi ng dalawang pulis dahil sa alitang nag-ugat diumano sa pagpapakain ng karneng baboy, at ang isyu ng pagbigay ng tatak na Halal. "Nais ko pong linawin: hindi po ito paghiling ng espesyal na pagtrato. Atin lamang pong inaasahan na sa usaping ito, ay magkaroon tayo ng tapat na pakikitungo sa ating kapwa, at ganap na transparency sa publiko nang walang anumang anyo ng panlilinlang," ani Padilla na namuno sa pagdinig. Isa sa mga panawagan ni Padilla ang paglinaw sa papel ng mga ahensyang nag-certify ng Halal at naghuhuli ng pekeng Halal na produkto. Sa ngayon, aniya, Department of Trade and Industry at National Commission on Muslim Filipinos ang nagbibigay ng certification at accreditation. Ayon sa kanya, napakalaki ng industriya ng Halal - higit sa $2.22 trilyon (P121.28 trilyon) base sa International Market Analysis Research and Consulting Group nitong 2022. Inaasahang lalaki pa ito sa P228.1 trilyon sa 2028. "Hiwalayin natin, isang nagse-certify at isa naghuhuli," ani Padilla. "Kailangan nating proteksyunan ang Muslim brothers and sisters. Bilang kami mambabatas din, tingnan din natin ang kapakanan naman ng ating nagnenegosyo." Isinulong din ni Padilla ang pinaigting na awareness at education campaign sa Philippine National Police at kaukulang ahensya ng pamahalaan para sa mga dietary principle ng mga Muslim. Aniya, maaaring makatulong ito para maiwasan ang insidente tulad ng pamamaril na kumitil sa dalawang pulis Taguig dahil pinakain sa isang pulis na Muslim ang karneng baboy. Samantala, itinalakay din sa pagdinig ang Senate Bill 2406 na nagtatalaga sa Marso 1 bilang araw ng pagkilala sa mga pambansang kasuotang tradisyunal at pangrelihiyon. Ani Padilla, ang kasaysayan natin ay hindi lamang nasa mga aklat at dokumento, nguni't nakahabi rin sa ating uri ng pananamit tulad ng "Barong Tagalog," "Balintawak," at "Baro't Saya"; Ilonggo jusi at pina, Moro malong, Bicol sinamay, nipis, at patadyong, ang Ilocano abel, Visayan tapis pintados, Bagobo dagmay, Bilaan tandayon, Mandaya ikat, at marami pang iba. "Sa madaling sabi, kung nais po nating bigyang diin ang pag-iingat sa ating pambansang pagkakakilanlan at sa bukod-tanging kultura at tradisyon ng isang daan at sampung (110) grupo ng Indigenous Peoples o IPs na binubuo ng 14 hanggang 17 milyong Pilipino, mahalagang hakbang po ang pagtatalaga ng isang araw ng pagkilala sa ating kasuotang tradisyunal at panrelihiyon," aniya. |
Saturday, June 21
Friday, June 20
Thursday, June 19
|