Press Release
September 12, 2023

Opening Statement of Senator Risa Hontiveros during the Senate Committee on National Defense hearing on West Philippine Sea issues
September 12, 2023

Magandang umaga po sa ating lahat. Maraming salamat sa ating Chair ng Committee on National Defense, Sen. Jinggoy, sa pagdinig din ng aking privilege speech tungkol sa kalupitan ng Tsina sa ating mga tropa sa West Philippine Sea.

Sentro sa talumpati ko ang napakaliit na intel funds na binibigay sa Philippine Coast Guard. Mula 2009, P10 million lamang ang natatanggap taon-taon ng ating Coast Guard. Hindi makatarungan na kung sino pa ang dumedepensa laban sa isang dambuhalang bansa, sila pa ang hindi nabibigyan ng sapat na intel funds.

Kung may mga civilian agencies na hindi naman mandato ang pagtugon sa national security issues natin nakakatanggap ng confidential and intel funds, bakit naman ang Coast Guard hindi? Hindi ba dapat mas sa kanila ibigay ang mas malaking confi and intel funds? Hindi ba common sense ito?

Sa ngayon, malaking parte ng intel work nila ay nakadepende sa humint o human intelligence. Ngunit, sa laki at lawak ng trabaho ng coast guard sa usapin ng maritime governance, kailangan dagdagan ito ng sigint o signals intelligence.

Buhay po ng Coast Guard ang nakataya sa bawat pagpapatrol at pakikipagsapalaran nila sa West Philippine Sea. Sila po ang lagi't laging humaharap sa napakalaki at napakadaming barko ng Tsina.

Nakita natin kung gaano saktan ang ating tropa -- mula sa pagwawater cannon at paglelaser hanggang sa buong araw na pang-gigitgit sa maliliit nating mga bangka. Nitong Linggo lang, kuhang-kuha sa mga video at litrato ng local at international media na hinahabol at inaatake tayo sa sarili nating teritoryo.

At nitong nakaraang mga taon, kitang-kita at damang-dama ang panghaharang at panghaharass ng Tsina sa mga resupply at rotation missions natin papuntang Ayungin shoal. China wants to remove our most important sovereign marker, the BRP Sierra Madre and the Philippine Navy Marines, from Ayungin. That much is clear.

Kaya sana sa umagang ito, we can all agree on taking tangible steps to fortify the BRP Sierra Madre, to safeguard Ayungin Shoal, to protect the rights and dignity of our country. Iba-iba man ang ating mga politika o paninindigan, sigurado ako na sa usapin ng West Philippine Sea, tayong lahat na nandirito ay tunay na nagkakaisa.

News Latest News Feed