Press Release
September 20, 2023

TRANSCRIPT OF INTERVIEW: Senator Risa Hontiveros with Melo Del Prado via Super Radyo DZBB
September 20, 2023

MELO DEL PRADO (Q): Kailan po ninyo nilalayon na umpisahan itong pag-iimbestiga?

SENATOR RISA HONTIVEROS (SRH): Nagpapasalamat po ako kay Sen. Doroy dela Rosa, yung Chair po ng Senate Committee on Public Safety, kung saan primarily rinefer yung resolusyon ko, pero secondary din sa kumite on Women and Children na akin namang pinangunguluhan. So itinakda po ang unang pagdinig dito sa aming mga resolusyon at sa privilege speech ko sa susunod pong Huwebes, a bente otso nitong Setyembre.

Mabuti naman pong mas maaga kaysa sa huli kasi doon sa walong bata na nakatakas diyan sa Kapihan, mula doon sa kamay ng kulto sa Socorro, Surigao del Norte, sa walo nila na tatlo actually nakapagbigay ng kanilang testimonya sa video at pinapanood ko ito nung privilege speech ko, sa walo nila, yung dalawa ay nakuha na ulit ng kulto sa bisa ng mga kaso ng mga habeas corpus na pinafile ng Socorro Bayanihan Services Inc., pinafile sa mga magulang ng mga bata, yung mga magulang na nasa kanila pa.

Kaya nga't napaka-urgent ng panawagan ng mga bata na sila ay iligtas and in fact nanawagan sila sa mga kababata nila na nandun pa sa kulto na tumakas narin dahil wala daw sila kinabukasan dun. Yung pang-aabusong ginagawa sa kanila na pinapakasal di umano sila sa mga taong may edad na, rinerape sila, kinukulong sa mga kwarto kasama ang mga adults, pinaparender sila ng forced labor, kundi parurusahan sila ng physical punishment, at hindi sila pinapayagang bumaba para mag-aral.

So nanawagan itong mga batang nakatakas sa mga kababata na tumakas narin at sa kanila talaga ang pinaka-urgent na tungkulin natin na iligtas sila, itong anim na malaya pa.

Q: Ang natira po doon sa walo, anim nalang po?

SRH: Yes, anim ang natira pa. Nasa pang-alagang kamay nung kanilang mayor, si Mayor Riza Timcang, na nagbuo po ng task force para iligtas itong mga batang ito. Si Mayor at yung municipal social welfare and development ay siyang nagaalaga sa mga bata mula pa noong Hulyo, pero urgent na talaga ang sitwasyon nila.

Q: Tama po nabanggit niyo yung municipal social welfare department. Alam niyo po ang mga bata po nasa eskwelahan po ito, hindi dapat nasa bundok ito.

SRH: Exactly. Iyan po ang sadya ng ating Konstitusyon, na ang bawat bata ay may karapatan sa buhay, sa edukasyon, at iba pa, at sa bisa ng mga batas na kamakailan lamang pinasa natin, nitong nakaraang mga taon dapat hindi nilalabag yung batas laban sa human trafficking, yung batas laban sa child marriages, yung batas na nagtaas ng age of consent at laban sa statutory rape. Lahat ito nilalabag sa kaso ng mga batang ito.

Q: Yung mga magulang po niyan, yung anim po, walang magulang doon sa bundok pero yung dalawa nandon ang magulang nila kaya nakuha sila, kaya nakapagfile sila ng kaso?

SRH: Actually, yung karamihan sa mga batang unang tumakas sa walo, ang mga magulang nila ay nasa kulto din. Sila yung nagfile ng kaso ng habeas corpus dahil sa pag uudyok ng kulto. Peron may alam akong at least isa sa walo na unang tumakas, yung magulang niya nawala sa kulto kaya tumutulong din kay Mayor Riza at sa MSWDO tumutulong din na mailigtas.

Q: Baka di alam ng mga magulang ito na sa ilalim ng ating mga batas ay may pananagutan din sila?

SRH: Yun na nga po. Kasi nga lalo na sa mga ipinasa naming expanded na mga batas, definitely, pati yung mga magulang o guardian o ibang responsible adult ay may sagutin din kapag sila ang gumawa or sila ang nagpapayag na gawin ito sa kanilang anak. Pati yung magulang ng mga batang ito, binibiktima din ha. Pinipilit po sila, kahit sila ay kasal na sa kanilang asawa, pinipilit po silang magpakasal ulit sa ibang tao. At sa kwento nung at least dalawa sa tatlong batang nagbigay ng testimonya nila sa video, yung nanay o tatay o parehong magulang nila, ay pinipilit nitong si Jey Rence yung nagsasabing siya daw ang reincarnation ni Hesus o ng Sto. Nino, pinilit sila ni Jey Rence na magpakasal ulit sa ibang tao. At yung mga taong yun, ayon sa mga bata, ay may asawa narin. So meron ganyang mga teribleng pilit pinapagawa sa mga bata at pati sa mga adults diyan sa kulto na iyan.

Q: Nalaman niyo na ba kung bakit nakakapang-enganyo po ito? Ano ang dahilan?

SRH: Grabe ang mga pang-enganyo at kung bakit either nakumbinse o napilit ang mga tao. Nagsimula iyan 2017 dahil yang Socorro Bayanihan Services, Inc. ay dating legit naman na people's organization mula pa nung 1940s, talagang civic organization na nang-eenganyo ng bayanihan sa pagitan ng mamamayan pero nung 2017, meron pong nag groom dito kay Jey Rence, teenager lamang siya noon 17 years old noon, grinoom siya paano siya tumindig, paano magsalita, na parang ayan na nga, siya daw ang reincarnation ng Sto.

Nino o ni Hesus. Nung 2019, lumindol doon sa Socorro, at ginamit yan na pagkakataon ng Jey Rence, o Senior Agila, inengganyo ang mga tao na umakyat diyan sa bundok ng Kapihan dahil dun daw ang langit, dun daw sila maililigtas. Ang hindi daw sumama sa kanya masusunog sa impyerno at partikular, sinabi pa niya, walang government employee ang makakarating sa langit, o makakaligtas.

Can you believe higit tatlong libong tao ang literally nagbundok kasama niya. Higit isang libong bata and the rest mga adults. Kasama again can you believe mga DepEd teachers, mga municipal employees, so silang lahat ang nagbuo niyang naging kulto sa bundok ng Kapihan at mula noon, eto hindi na natin alam kung paano napapayag, kinukuha ang 40 hanggang 60% nung mga ayuda sa kanila, yung pensyon ng 4Ps, yung pensyon ng senior citizens, kahit nung nagka-disaster doon noong bagyong Odette, kinuha yung ayuda ng gobyerno sa mga victim-survivors ng bagyo, pati ba naman ang natatanggap na beneficiaries mula sa AICS, mula sa TUPAD, kinukuha mga kalahati o higit ng kultong ito.

Ang pinakaworse, kumukuha daw ng pinakamalaking pondo sa droga pero worse of the worse parin ang pang-aabuso sa mga bata.

Q: Paano ito namayagpag ng ganyan? Nalaman na pala ito kung wala itong proteksyon na tinatanggap?

SRH: Yun na nga, kaya nagtataka ang mga tao at kaya sa huli nitong Hulyo, napilitan talagang nagbuo ng Task Force si Mayor Riza para saklolohin ang walong bata na tumakas dahil sa kanila mismong mga bibig ay pagtetestigo dito sa mga pang-aabuso, mga kababalaghan na nangyayari sa bundok. Ilang taon nang tago sa mata ng gubyerno at ibang institusyon pero paano nga nakasurvive. Sabi pa nung isa sa tatlong batang nagtestigo sa video, yung isang batang lalaki na 12 years old, tumakas siya sa isang fox hole, dahil armado daw ang kulto at noong panahon ng eleksyon, nakita daw niya sako-sakong mga sandata. So misteryoso talaga itong kultong ito kung paano nabuo, paano tumagal, at higit sa lahat, paano nagagawa itong mga teribleng abuso sa mga bata. May teorya pa nga yung isang source kung tama sila kaya nga binuo ang kulto in the first place ay para magbuo ng human shield laban sa mata ng mga awtoridad dahil yung unang nagbuo ng kulto iyan, naggroom dun kay Senior Agila, ay yung partner niya [sa drug trade] na judge daw, kalaunan napatay kaugnay din ng nakaraang madugong war on drugs dahil din daw sa drugs, so masyadong masalimuot pero ang pinakateribleng biktima na pinakakailangang iligtas ito yung aming pangunahing layunin ay ang mga bata dahil iniipit sa mga ganitong kababalaghan at inaabuso talaga.

Q: Ang NBI pala pumasok narin dito. Kung may mga bata pa ron, siguro mas maganda kung i-rescue na natin yan?

SRH: Harinawa, talaga. Dahil talagang kapagka magulang o ibang mga responsible adults ang siyang nagpapabaya o nangaabuso pa sa mga bata, meron talagang sinasabing prinsipyo ng parens patriae sa gobyerno o estado na siguruhin ang kanilang karapatan at kagalingan ayon sa ating Konstitusyon, ayon pa sa Convention on the Rights of the Child.

Q: Siguro may listahan na kayo diyan kung sino ipapatawag niyo. Kasama po sa listahan niyo diyan si Jey Rence Quilario alias Senior Agila?

SRH: Yes, sigurado kasama siya sa mga tatawaging resource persons o panauhin ni Chair dela Rosa at tatawagin ko din sa pagdinig sa 28 September.

News Latest News Feed