Press Release
September 21, 2023

Statement of Senate Majority Leader Joel Villanueva on the NAIA incident involving an OTS Personnel
September 21, 2023

How to "Love the Philippines" kung ganito po tayo?

Nakakalungkot at nakakahiya po ang insidenteng naganap sa NAIA kung saan ang isang empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) ay nahuling nilulunok ang ninakaw na pera sa isang pasahero.

Hindi po ito ang unang insidente ng pagnanakaw sa airport, pero tila walang takot ang iba sa patuloy na paggawa ng krimen. Nakaisip na naman po sila ng bagong estilo ng pagpapalusot.

Paano natin kukumbinsihin ang mga turista na mahalin ang Pilipinas kung sa paglapag pa lang nila sa ating airport ay nanganganib na ang kanilang seguridad?

Bigyan naman po natin sila ng happy experience, 'wag horror story.

Nananawagan po tayo sa Department of Transportation ng agarang imbestigasyon, at kung mapatunayang nagkasala, agad sibakin sa pwesto at sampahan ng karampatang kaso ang OTs personnel.

Kailangang alamin din kung mayroon siyang kasabwat sa paggawa ng krimen para maputol na ang mafia ng masasamang-loob sa airport.

Kasabay nito, dapat magsagawa ng retraining at assessment sa mga airport personnel, at maging mapanuri sa pagtanggap ng aplikante para matiyak na hindi tayo nagpapasweldo sa mga kawatan.

News Latest News Feed