Press Release
September 25, 2023

Taxpayers a step closer towards easier payment of taxes--Gatchalian

Taxpayers are now a step closer to an easier process of paying taxes as the Senate approved on third and final reading a proposed measure that would simplify the process of paying taxes and strengthen taxpayers' rights, Senator Win Gatchalian said.

Authored by Gatchalian, Senate Bill 2224, or the Ease of Paying Tax Act, aims to establish a tax administration system that will not only encourage taxpayers to pay their taxes truthfully and promptly but also facilitate a more efficient tax collection to fund various government programs.

"Mahalaga na maisabatas kung paano natin mapapagaan ang proseso para sa ating mga taxpayers dahil sa kanila nanggagaling ang pondo na kailangan natin para magpatupad ng mga programa para sa ikauunlad ng bansa," Gatchalian said.

The proposed measure, once enacted into law, will introduce administrative reforms that would simplify tax compliance and strengthen taxpayer rights by amending certain provisions of the National Internal Revenue Code of 1997.

Also, the proposed measure aims to revolutionize the current process of filing tax returns and paying taxes by allowing taxpayers to have the flexibility to file their returns and make payments at any Revenue District Office (RDO), or any authorized agent bank, regardless of whether it's located within the jurisdiction of the RDO where they are registered.

According to Gatchalian, taxpayers must be allowed to settle estate tax and donor's tax in any RDO as this would alleviate the burden placed on taxpayers who have to travel long distances or encounter logistical challenges to fulfill their tax obligations.

In addition, the measure will also pave the way to institutionalize the use of digital filing and payment through any accredited payment channels or platforms. Gatchalian emphasized that the digitalization of filing tax returns and payment of taxes is expected to enhance compliance as it would make it easier and more convenient for taxpayers to fulfill their obligations.


Mas madaling pagbabayad ng buwis malapit nang maisakatuparan -- Gatchalian

Malapit nang maisakatuparan ang pagbabayad ng buwis nang mas madali, ayon kay Senador Win Gatchalian, pagkatapos aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapadali sa proseso ng pagbabayad ng buwis at magpapalakas ng kanilang mga karapatan.

Sa ilalim ng Senate Bill 2224 o ang Ease of Paying Taxes Act, na iniakda ni Gatchalian, magtatatag ng isang sistema na mangangasiwa ng mga buwis na hindi lamang hihikayat sa taxpayers na magbayad ng kanilang mga buwis nang tapat. Layon din nitong mapahusay ang proseso ng pangongolekta ng buwis na siyang magpopondo sa iba't ibang proyekto ng pamahalaan.

"Mahalaga na maisabatas kung paano natin mapapagaan ang proseso para sa ating mga taxpayers dahil sa kanila nanggagaling ang pondo na kailangan natin para matupad ang mga programa para sa ikauunlad ng bansa," ani Gatchalian.

Ang panukalang batas, kapag naisabatas na, ay magpapakilala ng mga administratibong reporma na magpapasimple sa tax compliance at magpapalakas sa mga karapatan ng taxpayers sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang mga probisyon ng National Internal Revenue Code ng 1997.

Ang naturang panukala ay naglalayong baguhin ang kasalukuyang proseso ng paghahain ng mga tax return at pagbabayad ng mga buwis sa pamamagitan ng pagbibigay ng flexibility sa taxpayers sa pag-file ng kanilang income tax returns at pagbabayad sa anumang Revenue District Office (RDO), o anumang awtorisadong bangko, ito man ay nasa hurisdiksyon o hindi ng RDO kung saan nakarehistro ang taxpayer.

Ayon kay Gatchalian, dapat pahintulutan ang mga taxpayers na bayaran ang estate tax at donor's tax sa kahit na anong RDO upang hindi na nila kailangan pang maglakbay ng malayong distansya para lang matupad ang kanilang obligasyong magbayad ng buwis.

Panghuli, ang panukala ay magbibigay din ng daan upang maisaayos ang paggamit ng digital filing at pagbabayad sa pamamagitan ng anumang accredited channel o platform. Binigyang-diin ni Gatchalian na ang digitalization ng paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis ay inaasahang magiging madali at mas maginhawa para sa mga taxpayers na tuparin ang kanilang mga obligasyon.

News Latest News Feed