Press Release
September 26, 2023

IMEE: LAGOT KAYO KAY APO LAKAY!

Nakiisa si Senadora Imee R. Marcos sa mahigit isanlibong nagrarally sa tapat ng Department of Finance ngayong Martes, Setyembre 26.

Nagdala ng pagkain at inumin ang senadora bilang suporta sa mga tumututol sa isinusulong ng DoF na pagbabawas ng taripa sa imported na bigas.

Minumungkahi ng DoF na bawasan ang 35% na taripa sa imported na bigas at gawing 10% hanggang 0% pansamantala dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Tutol si Senadora Marcos sa gustong mangyari ng DoF na ito at pinaplanong patuloy na importasyon ng bigas lalo na at kasagsagan ng anihan ng mga magsasaka simula ngayong katapusan ng Setyembre hanggang Oktubre.

"Hindi papayag si BongBong dito. Sigurado ako diyan dahil lagot tayo sa tatay ko. Talaga naman, sigurado ako diyan," sabi pa ng Super Ate ng Pangulo. Kumpyansa siya na hindi papayag ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa gustong gawin ng DoF.

Dagdag pa ni Senadora Marcos na para kay Apo Lakay, ang bigas ay may matalinhaga at kapangyarihang wagas.

"Para sa aking ama, ang bigas ay talagang hindi lamang pagkain. Para sa kanya, pagkatao. Unang-una, pagkatao 'pagkat walang dignidad ang kumakalam ang tiyan. Ikalawa, pagmamahal - dahil ang pagiging Kristyano ay manggagaling sa pagmamahal sa kapwa na pinapakain at hindi ginugutom. Ikatlo, ang bigas ay kalayaan. Kalayaan dahil walang demokrasya ng gutom."

Ang mensahe ng senadora para sa mga nagsasabi na magpasok ng imported na bigas sa panahong ito, "Lagot kayo! Mumultuhin kayo ni Apo Lakay."


IMEE: LAGOT KAYO KAY APO LAKAY!

Senator Imee R. Marcos joined more than 1000 rallyists in front of the Department of Finance office Tuesday, September 26.

The senator brought food and water as a show of support for those opposing DoF's proposed tariff reduction on imported rice.

The Department of Finance is planning to reduce the current 35% tariff on imported rice to 10% up to 0% temporarily to address the surging price of rice in the market.

Senator Marcos is not in favor of DoF's plan to continue with the importation of rice in the midst of harvest season starting this last week of September until October.

"Hindi papayag si BongBong dito. Sigurado ako diyan dahil lagot tayo sa tatay ko. Talaga naman, sigurado ako diyan." The Super Ate ng Pangulo is confident that her brother, President Bongbong Marcos, will not allow this move by the DoF.

According to Senator Marcos, Apo Lakay had a mystical and powerful notion of rice.

"Para sa aking ama, ang bigas ay talagang hindi lamang pagkain. Para sa kanya, pagkatao. Unang-una, pagkatao 'pagkat walang dignidad ang kumakalam ang tiyan. Ikalawa, pagmamahal - dahil ang pagiging Kristyano ay manggagaling sa pagmamahal sa kapwa na pinapakain at hindi ginugutom. Ikatlo, ang bigas ay kalayaan. Kalayaan dahil walang demokrasya ng gutom," added the senator.

The senator's message to those in favor of rice importation during harvest season, "Lagot kayo! Mumultuhin kayo ni Apo Lakay!"

News Latest News Feed