Press Release
September 26, 2023

Robin Pushes Heavier Penalties vs Online Scammers Victimizing OFWs

It is high time the government cracked down on online scammers, especially those victimizing overseas Filipino workers (OFWs) who we regard as our modern-day heroes.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this Tuesday at the hearing of the Senate Committee on Migrant Workers and Finance, when it tackled the matter of online scams.

"Meron talaga tayong problema sa mga nanloloko sa mga OFW lalo sa social media. Sa (Facebook) page lang natin, may makita kayong sumusulpot talaga (We really have a problem with those swindling our OFWs especially on social media. I have seen their posts on our Facebook page)," said Padilla.

He agreed with Sen. Raffy Tulfo, who chaired the hearing, that there should be heftier penalties against those behind the scams.

"Tama ang sinabi ninyo Senator, na magkaroon dapat tayo ng matinding parusa dito sa mga gumagawa nito, dahil tinatawag nating mga Bagong Bayani ito. Dapat ang mga nanloko sa kanila may mas mabigat na parusa (You are right, Senator, to call for heavier penalties against these scammers. They are victimizing our modern-day heroes)," he told Tulfo.


Robin, Isinulong ang Mas Mabigat na Parusa vs Online Scammers na Bumibiktima sa OFW

Nararapat ang mas mabigat na parusa laban sa mga online scammer na bumibiktima sa mga "Bagong Bayani" natin.

Iginiit ito nitong Martes ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers at Finance, nang tinalakay ang mga online scam.

"Meron talaga tayong problema sa mga nanloloko sa mga OFW lalo sa social media. Sa (Facebook) page lang natin, may makita kayong sumusulpot talaga," ani Padilla.

Sumang-ayon siya kay Sen. Raffy Tulfo na namumuno sa pagdinig, na dapat magkaroon ng matinding parusa sa mga gumagawa nito.

"Tama ang sinabi ninyo Senator, na magkaroon dapat tayo ng matinding parusa dito sa mga gumagawa nito, dahil tinatawag nating mga Bagong Bayani ito. Dapat ang mga nanloko sa kanila may mas mabigat na parusa," aniya.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=qcVLyjfqHIk

News Latest News Feed