Press Release September 29, 2023 IMEE: THERE'S GOOD NEWS IN AGRI! Senator Imee R. Marcos officially launched Young Farmers' Challenge (YFC) Year 3 Thursday, September 28 at the Coconut Palace in Pasay City. The Young Farmer's Challenge is an advocacy project of the senator in partnership with the Department of Agriculture (DA) to help the youth actively involved in agriculture. The program gives financial grants up to ₱300,000 to its winners. Due to the success of the previous Young Farmers' Challenge batches, YFC Year 3 already has as much as 4,500 pre-registered participants all over the country. From this number, 546 contestants will get the chance to win ₱80,000 in the provincial category; 112 will win ₱150,000 in the regional category; and 12 participants will win the grand prize of ₱300,000 in the national category. For YFC's third year, Sen. Imee R. Marcos and DA will launch 2 new components exclusively for previous YFC winners and for students from state universities and colleges. YFC Upscale is a competition among the previous Young Farmers' Challenge winners which will assess their business plan to scale up their existing agri-business. Forty-eight (48) winners will be awarded ₱300,000 for this new category. Another new addition for YFC Year 3 is YFC Inter-collegiate Competition which will involve students from different state universities and colleges. Sixteen (16) winners will have the opportunity to win ₱150,000 as grand prize. Amidst the pressing issues on price hikes and importations, Senator Marcos has said that, "Our Young Farmers Challenge is the only good news in agriculture." According to the senator, "Marami pa tayong dapat gawin pero ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil masyadong importante ito para mawalan ng sigla, mawalan ng pagsusumikap." The senator will continue to be a staunch supporter of anything related to agriculture, most especially to the youth actively involved in paving change for the future of agriculture in our country. The senator's support for the agriculture sector is also because her father, President Ferdinand E. Marcos, believed that coconut, like rice, corn and other food ingredients are more than just food to fill the stomach, but is powerful enough to bring more than just sustenance. Apo Lakay would often say, "Kung pagkatao ang dinudulot ng bigas at ng pagkain; kung pagmamahal ay manggagaling din sa paghahati-hati ng meron; ang kalayaan ay makakamtan hindi sa gutom at hirap kung hindi sa malaya, maka-Diyos, mapagmahal na Pilipino. Kaya ang kalayaan din natin ay nakasalalay sa ating pagbubukid at pagtatanim." IMEE: MAY MAGANDANG BALITA SA AGRI! Pormal na inilunsad ni Senadora Imee R. Marcos ang Young Farmers' Challenge (YFC) Year 3 Huwebes, Setyembre 28 sa Coconut Palace sa Pasay City. Ang Young Farmer's Challenge ay adbokasiya ng senadora kasama ang ahensya ng Department of Agriculture (DA) para matulungan ang mga kabataan sa agrikultura. Ang programang ito ay nagbibigay ng mga financial grant na aabot sa ₱300,000 sa mga mananalo. Dahil naging matagumpay ang mga naunang Young Farmers Challenge, mayroon ng 4,500 na lalahok mula sa iba't-ibang parte ng bansa para sa YFC Year 3. Mula sa bilang na ito, 546 sa mga lalahok ang maaaring manalo ng ₱80,000 sa provincial category; 112 ang makakatanggap ng ₱150,000 sa regional category; at 12 sa mga lalahok ang mananalo ng grand prize na ₱300,000 para sa national category. Sa ikatlong taon ng YFC, naglunsad ng dalawang bagong kategorya sina Sen. Imee R. Marcos at DA na eksklusibo para sa mga nanalo sa mga naunang YFC at sa mga estudyante mula sa state universities at colleges. Ang YFC Upscale ay binuo para sa mga nanalo na sa Young Farmers' Challenge kung saan titignan ang plano at diskarte para palakihin ang kanilang agri-business. Apat na pu't walo (48) ang makakatanggap ng ₱300,000 para sa bagong kategoryang ito. Isa pa sa bagong dinagdag para sa YFC Year 3 ay ang Inter-collegiate Competition na para naman sa mga estudyante mula sa iba't-ibang state universities at colleges. Labing-anim (16) dito ang mananalo ng ₱150,000 bilang grand prize. Sa gitna ng mga isyu sa patuloy na pagtaas ng presyo at mga importasyon, nasabi ni Senadora Marcos na, "Ang Young Farmers Challenge na lang ang magandang balita sa agrikultura." Ayon sa senadora, "Marami pa tayong dapat gawin pero ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil masyadong importante ito para mawalan ng sigla, mawalan ng pagsusumikap." Mananatiling masugid na taga-suporta ng kahit na anong may kinalaman sa agrikultura si Senadora Marcos, lalong-lalo na sa mga kabataan na aktibo sa pagdadala ng pagbabago para sa kinabukasan ng agrikultura ng ating bansa. Ang suporta ng senadora sa sektor ng agrikultura ay dahil na rin sa paniniwala ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na ang niyog, tulad ng bigas, mais at iba't-ibang sangkap ng pagkain ay hindi lamang pangbusog ng tyan kung hindi ay may kapangyarihang taglay na nagdudulot ng higit pa sa sustansya. Madalas daw sabihin ni Apo Lakay na, "Kung pagkatao ang dinudulot ng bigas at ng pagkain; kung pagmamahal ay manggagaling din sa paghahati-hati ng meron; ang kalayaan ay makakamtan hindi sa gutom at hirap kung hindi sa malaya, maka-Diyos, mapagmahal na Pilipino. Kaya ang kalayaan din natin ay nakasalalay sa ating pagbubukid at pagtatanim." |
Wednesday, June 18
Tuesday, June 17
|