Press Release October 2, 2023 Debtor refuses to pay? Alan, Pia say there's a quick legal solution Does someone owe you money but has gone "missing in action"? You're not helpless. You can easily file a collection case in the Small Claims Courts even without a lawyer to stir the debtor up. This was the advice given by sibling senators Alan Peter Cayetano and Pia Cayetano to a complainant in the Cayetano in Action with Boy Abunda program last October 1, 2023. The woman, who is a teacher, lent a total of P150,000 to her brother-in-law's girlfriend to help her pay for four month's worth of car loan. "Eh mabait naman po kami sa kanila, at tiwala lang din. Akala namin mahuhulugan kami," the teacher said. According to their deed of debt, the loan extended by the complainant was technically a mortgage. However, the complainant and her husband decided not to take the car so the debtors could continue driving it as a means of livelihood. The money was lent in 2019 with payments of P24,000 a month, but it was never repaid in full. "First month pa lang ng paghuhulog, hindi na nabuo y'ung P24,000 [na napagkasunduan kada buwan], hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog," the teacher lamented. "Umabot lang po siguro ng P65,000 lahat ang naihulog nila nang pautay-utay," she continued. Senator Alan advised the complainant to file a case before the Small Claims Court, a branch of the Supreme Court that is tasked to resolve minor disputes involving sums of money of P1 million and below. The process does not require the service of a lawyer, and all forms for both the complaint and the defendant are freely available. The hearing and the judge's decision are completed in one day. "'Pag may judgment na, whether sweldo niya o may property [na pwedeng kunin], mas madaling habulin na y'un pati ng sheriff ng korte," Senator Alan told the teacher. He said since small claims cases are not criminal in nature, the process and resolutions are done quickly. "Dito [sa Small Claims], at any point in time na makipag-usap [ang umutang] at sinabi mong, 'Judge nagkasundo na po kami na magbabayad kahit 3,000 a month,' kahit y'ung Small Claims Court gusto y'un," he said. Senator Alan also commended the teacher for lending a helping hand to someone at a time of need. "Thank you sa mga kind-hearted na katulad mo na 'pag may problema ang ating kababayan ay nagpapautang," he told the complainant. CIA with BA is an evolution of "Compañero y Compañera," a radio and TV legal affairs show hosted by the late Senator Rene Cayetano, the father of Senators Alan and Pia, which aired from 1997 to 2001. Through the program, the sibling-senators aim to explain to the viewers what their rights are while finding creative solutions to the legal problems of Filipinos. Pinautang mo pero ayaw kang bayaran? May mabilis na solusyong legal ayon kay Senador Alan, Pia Mayroon bang may utang sa iyo pero bigla ka na lang pinagtaguan at ayaw kang bayaran? May magagawa ka! Pwede mo siyang sampahan ng "small claims case" - kahit wala kang abugado.. Ito ang payo ng magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa isang gurong lumapit sa Cayetano in Action with Boy Abunda program noong October 1, 2023. Pinautang ng complainant at kanyang asawa ng halagang P150,000 ang nobya ng kanyang bayaw para maisalba ang kotse nitong apat na buwan nang hindi nahuhulugan. "Eh mabait naman po kami sa kanila, at tiwala lang din. Akala namin mahuhulugan kami," pahayag ng guro. Ayon sa ginawa nilang kasulatan, sangla ang napagkasunduan nilang porma ng pautang. Sa kabila nito, hindi na kinuha ng complainant ang kotse sa pagnanais na patuloy itong maipamasada ng may-ari. Taong 2019 nang mangyari ang pautang na may buwanang hulog na P24,000, pero makalipas ang apat na taon ay hindi pa rin ito nababayaran nang buo sa complainant. "First month pa lang ng paghuhulog, hindi na nabuo y'ung P24,000 [na napagkasunduan kada buwan], hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog," pahayag ng guro. "Umabot lang po siguro ng P65,000 lahat ang naihulog nila nang pautay-utay," dagdag niya. Para makasingil ang guro, hinikayat siya ni Senador Alan na magsampa ito ng kaso sa Small Claims Court, isang bahagi ng Korte Suprema na rumeresolba sa mga kasong may kinalaman sa pera P1 milyon pababa. Hindi kailangan ng abogado para makapagsampa ng kaso, at lahat ng papeles na kailangang sagutan ng nagrereklamo at inirereklamo ay madali lang din makuha. Sa loob ng isang araw ay kayang tapusin ang mga pagdinig at ang desisyon ng judge. "'Pag may judgment na, whether sweldo niya o may property [na pwedeng kunin], mas madaling habulin na y'un pati ng sheriff ng korte," ani Senador Alan sa guro. Dagdag niya, mabilis lang ang buong proseso dahil hindi ito criminal case. "Dito [sa Small Claims], at any point in time na makipag-usap [ang umutang] at sinabi mong, 'Judge nagkasundo na po kami na magbabayad kahit 3,000 a month,' kahit y'ung Small Claims Court gusto y'un," pahayag niya. Pinuri din ni Senador Alan ang guro para sa bukas-palad nitong pagtulong sa panahon ng pangangailangan. "Thank you sa mga kind-hearted na katulad mo na 'pag may problema ang ating kababayan ay nagpapautang," aniya sa complainant. Ang Cayetano in Action with BA ay "evolution" ng "Compañero y Compañera," ang legal affairs show na ipinalabas sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001 at pinangunahan ng yumaong ama nina Senador Alan at Pia na si dating Senador Rene Cayetano. Sa pamamagitan ng nasabing programa, layunin ng magkapatid na senador na ipaliwanag sa mga manonood ang kanilang mga karapatan at hanapan ng malikhaing solusyon ang mga problemang legal ng mga Pilipino. |
Tuesday, April 22
|