Press Release
October 12, 2023

Cayetano brings aid to different sectors in Quezon province

Senator Alan Peter Cayetano continues to provide assistance to Filipinos in need, recently reaching out to hundreds of people from different sectors in Quezon Province on October 10-11, 2023.

On Tuesday, Cayetano's office, in cooperation with Mayor Aris Aguirre and Vice Mayor Jay E. Castilla, organized an all-day event aimed at uplifting the lives of more than 200 residents of the Municipality of Mulanay.

One of the beneficiaries was Richard Untalan, a person with a disability who faces unique challenges when it comes to seeking employment.

"Nagpapasalamat po ako kay Senator Alan Cayetano. Gagamitin ko po ito sa pagbili at mag-aalaga po ako ng biik para may pagkukunan ako [ng pera] 'pag nangailangan," he said.

Sadelyn Iduse, a public school teacher and nursing mother, also expressed her gratitude, saying she was not expecting to benefit from the Senator's aid.

"Hindi ko po ito inaasahan pero dahil mayroon tayong senador na tumitingin sa aming mga guro kaya naman po kami [ay] nagpapasalamat," she said.

Cayetano's team visited Lucena City the following day to reach more people in the province. In joint action with City Mayor Mark Alcala and Vice Mayor Roderick Alcala, much needed assistance was provided to the beneficiaries to help them recover from the pandemic.

The two-day outreach visits were made possible through the Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program of the Department of Social Work and Development (DSWD).

The activities were part of Cayetano's ongoing efforts to collaborate with government agencies and local government units to reach more marginalized and vulnerable sectors in the country.

Before visiting Quezon, his office also extended its Tulong-Medikal and AICS programs to the provinces of Maguindanao del Norte and Cavite.


Cayetano naghatid ng tulong sa iba't ibang sektor sa Quezon Province

Sa patuloy na pagbibigay ng tulong ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga Pilipinong nangangailangan, natulungan kamakailan ang daan-daang tao mula sa iba't ibang sektor sa probinsya ng Quezon noong ika-10 at ika-11 ng Oktubre, 2023.

Noong Martes, nag-organisa ang tanggapan ni Cayetano, sa pakikipagtulungan nina Mayor Aris Aguirre at Vice Mayor Jay E. Castilla, ng isang aktibidad na naglalayong iangat ang buhay ng mahigit 200 residente ng Munisipyo ng Mulanay.

Isa sa mga benepisyaryo ay si Richard Untalan, isang may kapansanan na nakakaranas ng hirap sa paghanap ng kabuhayan.

"Nagpapasalamat po ako kay Senator Alan Cayetano. Gagamitin ko po ito sa pagbili at mag-aalaga po ako ng biik para may pagkukunan ako [ng pera] 'pag nangailangan," wika niya.

Nagpasalamat din si Sadelyn Iduse, isang public school teacher na kapapanganak pa lamang, at sinabing hindi niya inaasahan ang tulong na natanggap mula sa Senador.

"Hindi ko po ito inaasahan pero dahil mayroon tayong senador na tumitingin sa aming mga guro kaya naman po kami [ay] nagpapasalamat," wika niya.

Bumisita rin ang opisina ni Cayetano sa Lucena City kinabukasan para makatulong sa iba pang mga residente ng lalawigan. Sa magkasanib na pagkilos kasama sina City Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala, nabigyan ng karagdagang tulong ang mga mamamayan upang makabangon mula sa mga epekto ng pandemya.

Ang dalawang araw na outreach visits ay naging posible sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program ng Department of Social Work and Development (DSWD).

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ni Cayetano na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at mga local government units para maabot ang mas maraming marginalized at vulnerable sectors sa bansa.

Bago bumisita sa Quezon, isinagawa din ng kanyang tanggapan ang Tulong-Medikal at AICS programs ng Senador sa mga lalawigan ng Maguindanao del Norte at Cavite.

News Latest News Feed