Press Release
October 26, 2023

Gatchalian urges DOE, distribution utilities to ensure power in election hotspots

Senator Win Gatchalian urged the Department of Energy (DOE) and distribution utilities, such as Meralco, to ensure a steady flow of electricity, especially in election hotspots, ahead of the barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Gatchalian emphasized that any power interruption during election day could raise concerns about peace and order, potentially leading to fraud or cheating that could jeopardize the integrity of the election process.

"Ayaw natin na ang kawalan ng kuryente sa mga lugar na kinikilalang mga election hotspots ay maging sanhi ng anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Kailangang tiyakin ng DOE, lalo na ng mga distribution utilities na nangangasiwa ng kuryente sa mga malalayong probinsya, na walang anumang aberya pagdating ng halalan at bilangan," the senator pointed out.

"Ensuring the integrity and credibility of an election hinges on the availability of a dependable power supply," stated Gatchalian. He noted that the number of barangays classified under the red category has increased to 361 from 119. Areas placed under red category include those with suspected election-related incidents, security threats from terrorist groups or partisan armed groups employed by candidates, or areas declared under COMELEC control.

According to Gatchalian, the energy department needs to work closely with various players in the energy sector, particularly power generation, transmission, and distribution utilities operating in election hotspot areas to ensure a sufficient and reliable supply of electricity.

"A stable power supply is a crucial component in maintaining peace and order and ensuring the integrity of the electoral process in more than 42,000 barangays in the country," he emphasized.


Gatchalian hinikayat ang DOE, distribution utilities na tiyaking may kuryente sa election hotspots

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at distribution utilities, gaya ng Meralco, na tiyakin ang tuluy-tuloy na daloy ng kuryente, lalo na sa mga election hotspots, bago ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang anumang pagkaputol ng kuryente sa araw ng halalan ay maaaring magdulot ng mga alalahanin tungkol sa kapayapaan at kaayusan, na posibleng mauwi sa pandaraya o dayaan na maaaring makasira sa integridad ng proseso ng halalan.

"Ayaw natin na ang kawalan ng kuryente sa mga lugar na kinikilala ang mga election hotspot ay magiging sanhi ng anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Kailangang tiyakin ng DOE, lalo na ng mga distribution utilities na nangangasiwa ng kuryente sa mga malalayong probinsya, na walang anumang aberya pagdating ng halalan at bilangan," sabi ng senador.

"Ang pagtiyak sa integridad at kredibilidad ng isang halalan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng maaasahang suplay ng kuryente," sabi ni Gatchalian. Binanggit niya na ang bilang ng mga barangay na nasa ilalim ng kategoryang pula ay tumaas sa 361 mula sa 119. Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng red category ang mga may pinaghihinalaang insidenteng may kinalaman sa halalan, mga banta sa seguridad na nanggagaling sa mga grupo ng terorista o partisan armed groups, o mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng control ng COMELEC.

Ayon kay Gatchalian, kailangang makipagtulungan ang energy department sa iba't ibang grupo sa sektor ng enerhiya, partikular na ang power generation, transmission, at distribution utilities na may operasyon sa mga election hotspot areas upang matiyak ang sapat at maaasahang suplay ng kuryente.

"Ang matatag na suplay ng kuryente ay isang mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagtiyak ng integridad ng proseso ng halalan sa mahigit 42,000 barangay sa bansa," diin niya.

News Latest News Feed